Chapter 16

110 5 0
                                    

Aubrey Maurelle

Another unforgettable yet terrifying nightmare happened yesterday. I had a hard time this past few days... Yverson is always there just to give me his present which is a headache! At sigurado akong may tinatago pa siyang mga bala para lang pahiyain at bwisitin ako.

I just hardly groaned. I can't even control him, then what will happen next?

I shook my head. Just be positive Brey, you can overcome this one! I know you can and you always will.

I fetch back my lovely smile. I get back into my sense. Kasalukuyan kaming nag-aaral ng leksyon sa loob ng aming klase. May reporting na nagaganap ngayon na susundan ng quiz pagkatapos.

***

Ilang sandali pa'y nakipagpalitan ako ng papel kay Dahlia dahil bibilangin na namin kung ilan ang tinama namin sa exam.

Isinulat na ng kaklase ko ang mga tamang sagot sa pisara. Naging abala kaming lahat sa paglalagay ng tama o kaya nama'y maling marka sa papel na hawak namin. Kasunod nito'y 'di maiwasang siyasatin ni Dahlia ang kaniyang papel na hawak ko, siguro'y binibilang na niya kung ilan na ang tama sa kaniyang mga isinagot.

Matapos ang sampung bilang na mga angkop na sagot sa maikli naming pagsusulit ay ibinalik na namin ang mga papel sa aming katabi.

Agad naming tinunghayan ang resulta ng aming quiz.

"Aubrey, ilan ka?" apurang tanong ni Dahlia sa akin matapos niyang makuha ang kaniyang papel.

"Nine, ikaw ba Dahlia?"

"Five lang ako eh. 'Di kasi ako nakapag-review. Buti ka pa..." nanghihinayang pa niyang tugon sa'kin.

"Okay lang 'yan troops, pasado ka pa rin naman eh." pagpapa-lakas ng loob ko sa katabi ko. I gave her my radiant smile. Tumango na lang siya sa'kin bilang pagsang-ayon.

Matapos i-record ni ma'am ang lahat ng aming score sa kaniyang laptop na nakapatong sa ibabaw ng mesa'y agad din itong nagpaalam sa amin at kapagdaka'y umalis para pumunta sa susunod niyang klase. 'Di rin nagtagal ay ang sunod naman na pagpasok ni sir Pilar sa aming silid para sa asignatura naming Science o Agham.

Hindi pa man din kami nagsisimula ay biglang may kumatok sa labas ng aming pinto. Maybe there's an important announcement to be execute.

Agad namang lumapit si sir dito upang kausapin at alamin ang pakay nito... sa amin man o kay sir mismo.

Pareho silang napalingon sa akin. I don't know if it is a coincidence or what? Kaya't muli ko na lang ibinaling ang atensyon ko sa dalawang katabi ko.

Pagkaraa'y pareho na silang pumasok sa aming klase at pumwesto na si sir sa harap at gitnang bahagi nitong aming silid.

"Class, kindly listen to her announcement!" he authorized us with his deep yet manly voice. "Okay ma'am, go ahead."

Pumunta si sir sa kaliwang bahagi ng aming silid na malapit sa pinto upang magbigay-daan sa anunsyo nito at umabante naman si ma'am sa harap namin upang sunod na magsalita.

"Good afternoon everyone!"

"Good afternoon, ma'am!" sabay-sabay at magalang naming sagot dito.

"Okay, please be seated." We just follow her mandates into us. Umupo na kami ng maayos at ibinigay sa kaniya ang nararapat na atensyon para sa napipinto niyang anunsyo sa amin.

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon