Chapter 5

143 9 0
                                    

Aubrey Maurelle

Hays, masyadong presko! Minsan ang sarap itangging kaibigan ko 'to.

Ipinilig ko ang aking ulo, huminga ng malalim at patuloy akong naglakad papunta sa harap. Nang makarating nga ako sa gitna'y tinapunan ko silang lahat ng seryosong tingin, mayuming ngumiti at pagkaraa'y nagsimula.

"Good morning ma'am, a pleasant morning also to my classmates! What I have here are stilletos nor a pair of high heels."

"Maybe you're all wondering why I came into this. It's just nine words... 'I want to be a famous ramp model someday.' Gusto ko na makapagsuot ako ng Filipino-designed outfits at taas-noo kong irarampa sa buong mundo. Gusto ko na hangaan din tayo ng ibang mga bansa sa pagiging malikhain natin pagdating sa mga disenyo ng ating mga damit, na kaya nating makipagsabayan sa iba at higit sa lahat, gusto kong maka-trabaho 'yong mga iniidolo ko sa larangan ng pagmo-modelo. That's all. Thank you for listening!"

After my speech, they gave me a round of applause and they're all smiling back at me. Ang sarap sa feeling na hindi pa man din natutupad 'yong pangarap ko ay marami na ang sumusuporta at nagiging proud sa akin.

'Wag n'yo naman akong paiyakin, guys!

Nang matapos ako ay hindi rin nakaligtas sa activity ang iba ko pang mga kaklase kaya naman mas natuto at naging mas makabuluhan pa ang oras na lumipas para sa'min.

***

Hanggang maya-maya pa'y umalingawngaw na ang isang hudyat... Ang bell, simbolo para sa susunod naming klase.

"Okay class, thanks for your participation. 'Yong projects n'yo, 'wag ninyong kalimutang ipasa sa'kin bago ang deadline. Am I making myself clear?"

"Yes ma'am!"

"Good. Goodbye class!"

Pagkasabi nito'y humakbang na palabas ng aming silid-aralan ang aming guro bitbit ang mga bondpaper na naglalaman ng aming mga iginuhit na siyang naging aktibidad namin kani-kanina lang.

***

Tila may pyesta dahil sa samu't-saring ingay na maririnig mula sa apat na sulok ng aming silid.

"Brey, sama ka sa'min."

"Saan?"

"Manonood kami ng practice ng rugby sa field ngayon. Troops ang ga-gwapo ng mga players!"

"WHAT! Rugby? Kailangan pa bang panoorin kung paano sila maging high sa drugs? Unbelievable! Kung ako sa inyo, i-report n'yo na agad 'yan sa pulis at umuwi na lang tayo kaysa mag-aksaya ng oras sa mga adik. Mamaya madamay pa tayo sa mga 'yan! You'll never know." makabuluhang payo ko sa mga kaibigan ko habang inilalagay ko ang mga gamit ko na nasa desk sa loob ng aking bag.

"Duh! Girl ano bang sinasabi mo?" nakatawang ungkat sa'kin ni Dahlia. "We're pertaining to a Rugby sport."

Nagtinginan pa ang dalawa at malakas akong pinagtawanan.

"R-rugby sport? Mayro'n ba no'n?" manghang tanong ko kina Fina at Dahlia.

"Yah! Hay naku! Ang mabuti pa halika na, sumama ka na sa'min para malaman mo Brey." pilit naman sa'kin ni Fina. Hinawakan nilang pareho ang magkabilang braso ko at walang ka-laban-labang iginaya nila ako papunta sa field, kung nasaan man ang rugby na pinaglalaban nila.

Hays! Dinaan na naman nila ako sa dahas. Poor Aubrey.

***

'Di magkamayaw sa dami ng tao ngayon sa field dahil lang may nagpa-practice raw ng sports na kilala sa tawag na rugby. Ibang rugby ang naaalala ko... 'yong pandikit sa sapatos at paboritong singhutin ng ilang mga batang kalye na palaboy-laboy.

"Excuse me!" paulit-ulit na paalala ng mga kaibigan ko sa mga taong nadadaanan at ilang nababangga namin dahil sa pagmamadali nilang makahanap ng magandang pwesto.

"Excuse!"

"Will you please be moderate in walking? Kulang na lang eh lumipad na tayo. We're just here for a boring game." inis kong reklamo sa dalawang kasama ko. Akala mo naman kasi mamamatay kapag hindi nila napanood ang larong 'to. Para bang it's either life or death situation.

"Let me add something sis, we came here also for boys." pagtatama sa'kin ni Fina. Psh, boys? Hindi naman sila mauubusan no'n.

"Whatever," pagsuko ko. Nang makapili sila ng magandang spot na kitang-kita ang practice ay nagmamadaling hinila ako papunta sa pwestong iyon at pagkatapos ay komportable kaming umupo.

Marahil ay kanina pa nagsimula ang practice game nila dahil mababakas sa kanila ang matinding pagod at naglalapot sa sarili nilang mga pawis.

I'm not an avid fan of any sporty thingy so how can I appreciate this moment? Bahala na.

The players were all wearing black and green combination of the rugby sports wear, and a shield at their face that looks like a helmet. And there they are, running and keeping an eye to the ones who had the rugby ball. It was treated like a baby, hugged as possibly as he could.

One player threw the rugby ball to his team mate. He ran rapidly and trying to shoot it to the net for them to gain score.

Is this all? Such a lame game.

"Troops, I gotta go." nababagot kong paalam sa dalawang kasama ko habang akmang tatayo na .

"Teka, agad-agad? Brey naman mamaya na, kakarating lang natin." apurang kontra sa'kin ni Fina at walang lingong hinarang ang tyan ko at muli akong pina-upo ng sapilitan.

"Fine." walang-lakas kong sagot dito. Ang hirap namang takasan ng dalawang 'to!

"Ahh! Go baby!" ubod ng lakas na tilian nina Fina at Dahlia. My gosh, nakisabay pa sa mga kireng nandito. Why am I still here? I'm so hopeless...

"Ano ba 'yan, 'wag nga kayong sumigaw! Sino ba 'yang tinitilian n'yo?"

"Gosh! Hindi mo ba siya kilala? Siya ang MVP ng rugby team ng school natin, si Austin DeMarcus!" masayang pagbibida sa'kin ni Dahlia.

"So?" kibit-balikat kong sagot kay Dahlia. He's still a nobody for me.

"Ewan ko sa'yo sis!" dismayadong tugon sakin ni Dahlia. Eh sa hindi ko siya kilala, anong magagawa ko?

"Go baby Austin, ahh!"

Parang sinapian sila ng kung anomang espiritu sa mga pinaggagawa nila. Anong gayuma kaya ang mayro'n sa lalaking 'yon? Because honestly, I don't get their fantasizing acts towards these sporty guys in front of me... lalo na sa Austin na 'yon! Nothing seems to be amazed of.

---

Delightful_Harmony

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon