Chapter 2

190 15 19
                                    

Aubrey Maurelle


"Oh pa'no troops, 'til next practice?" tanong ko sa mga kasamahan ko habang nag-aayos ng mga gamit sa aking gym bag. It's 7:00 in the evening and we're just about to end our practice for now and continue it on the other day, when we will be all set and complete again, just right now.

"Oo, sige. Oh s'ya paano, mauna na ako sa inyo. Ba-bye!" masayang paalam sa'kin nina Fina at Maylene.

"Bye. Take care!" naka-ngiting turan ko sa dalawa. Nakipagbeso-beso muna ang mga ito sa akin, saglit na kina-usap ang iba ko pang mga ka-grupo, hanggang sa naglakad na rin ang mga ito palabas ng dance studio ng aming paaralan.

"Hoy ako rin, sabay na rin ako sa inyo Fina kasi pagkatapos nito may lakad pa ko. Bye!" nagmamadali pang paalam nito sa amin. Akala mo mapapa-anak sa sobrang aburido ng taong 'to.

"They already left. If I know, maghahanap ka lang ng chicks." pambabara ko kay Lucky, ang ka-grupo kong womanizer. Tama, sa sobrang swerte niya sa girls, malas na lang ang mga mauuto nito. Naku po! Palibhasa may itsura nga, pero 'di naman ginagamit sa tama! "Ingat sila sa'yo."

"Hindi ah, loyal 'to." agad na pagtatanggol naman nito sa kaniyang sarili.

Loyal daw? Fine, pagbigyan!

"Sus ang kapal ah. Sige na, lumayas ka na't magpabango ng sandamakmak na gayuma para mas marami ka nang ma-biktima." pagbibiro ko pa rito.

"Ewan ko sa'yo Aubrey, gan'yan ba talaga kapag single? Diyan ka na nga! Bye guys!" huling hirit pa ng naiiling-iling at naka-ngising si Lucky. Maya-maya pa'y lumabas na nga ito at tuluyan nang nawala sa aming mga paningin.

At sumunod na nagpaalam ang iba ko pang mga ka-grupo. Tanging kaming dalawa ni Yverson ang naiwan sa loob ng dance studio.

"Ayos na ba lahat ng gamit mo Aubrey? Wala na bang naiwan? Tara hatid na kita pa-uwi?"

"Ah oo. Teka, hinintay mo talaga ako?" manghang tanong ko sa kaisa-isang lalaking nagtiyagang hintayin ako.
I scrutinized him. "Umamin ka nga sa'kin, may gusto ka ba sa'kin Mr. Yverson Sevilla?"

"Huh, ako?" gulat pa nitong tanong sa akin sabay rehistro ng pagka-taranta sa kaniyang maamong mukha. "Wala no! Masama na bang hintayin ngayon ang ka-grupo ko? Isa pa, magkaibigan naman tayo. Tsaka gabi na, mag-isa ka lang magko-commute. Mamaya ma-pa'no ka pa sa daan, edi lagot pa kami sa pamilya mo."

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon