Chapter 34

95 2 0
                                    

Austin DeMarcus

Dali-dali kong pinuntahan ang address ng ospital na binigay sa'kin ni Yverson buhat sa text message. Nang nasa tapat na 'ko ng lugar na kinalalagyan ni Aubrey, gamit ang kaliwang kamay ko ay agad kong inabot ang bayad sa driver na nasa bandang harap ko sabay dali-daling bumaba sa taxi na sinasakyan ko. Marahas ko ring isinara ang pinto at saka tumingala sa lugar na kaharap ko.

"Ito na siguro 'yon." naibulalas ko na lamang sa sarili. Muli kong idineretso ang aking tingin sabay pa-takbo akong pumasok sa loob ng ospital.

Sana ayos lang ang pakiramdam mo, my snob angel...

***

"Miss, may naka-confine po ba rito, Aubrey Maurelle Tamayo po ang buong pangalan niya?" bungad kong tanong sa isang nurse na nasa receiver desk ng ospital. May dalawang nurse pa itong kasama, isang babae at isang lalaki at naka-uniporme silang lahat ng purong puti mula ulo hanggang paa. Humahangos pa 'ko dahil sa pagod na naramdaman ko mula sa aking pagtakbo at naliligo na rin ako sa sarili kong pawis mula sa aking noo maging sa buo kong katawan. Naka-pwesto ito sa bandang kaliwa, katabi ang isang hagdan na nasa kanang bahagi naman nito.

"Kaano-ano n'yo po ang pasyente, sir?" pabalik na tanong naman sa'kin ng isang babaeng nurse na sinasalubong din ang tingin ko.

"B-boyfriend n'ya 'ko." tanging nasabi ko. Muli ko itong kinulit mula sa impormasyong kailangan ko. Baka kasi hindi ako maka-pasok sa loob kung sasabihin kong manliligaw lang ako o kaya nama'y kaibigan lang ni Aubrey. "Ano mayro'n ba?"

"Ah sandali lang po sir, iche-check ko lang po dito sa list." Payak pa itong ngumiti sa harap ko at saka muling itinuon ang atensyon sa desktop na kaharap niya. Marahil ay doon naka-save lahat ng mga files na patungkol sa kanilang mga pasyente.

"Sige." Naka-pamulsa ako't wala nang nagawa pa kundi ang tahimik na maghintay sa sagot nito. At ilang sandali pa'y...

"Sir, may naka-confine nga pong Aubrey Maurelle rito. Nasa room 108 po siya." pormal na deklara pa sa'kin ng nurse.

"Salamat." Walang ano-ano'y pa-takbo ko muling tinungo ang bawat baitang ng hagdan at itinatak sa isip ko ang sinabi niyang numero... Ang numero ng kwartong pahingahan ngayon ni Aubrey.

***

Matapos ang ilang mga pagtakbo ko maging ang paglinga-linga sa bawat kwarto ng ikalawang palapag ay natagpuan ko na rin ang kwartong pakay ko... ang room 108. Ito'y nasa dulo at kanang bahagi, malawak kasi ang kabuuan ng ospital at magkaka-tapat ang hile-hilerang mga kwartong narito.

Nang nasa tapat na 'ko nito'y pinihit ko na pa-kanan ang seradula ng pinto at saka marahan ko itong binuksan.  Dalawang tao ang bumulaga sa'kin sa loob ng puting kwarto... ang walang malay kong anghel na kasalukuyan pa ring naka-higa sa kama at si Yverson na naka-upo sa kanang bahagi na malapit sa tabi nito na matyagang nagbabantay sa kaniya. Ilang saglit pa'y tuluyan na rin akong pumasok at saka muli kong isinara ang pinto.

***

Lumingon si Yverson sa bandang kaliwa, sa mismong kinatatayuan ko nang marinig siguro ang ingay ng pinto, nang buksan ko ito.

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon