Austin DeMarcus
Naalimpungatan ako't nagpasyang bumangon mula sa kamang pinagsasaluhan naming dalawa ni Aubrey. Sinipat ko pa ang relong nasa kaliwang bahagi ng aking pala-pulsuhan at base rito'y ala-una pa lang ng umaga. Kinusot ko pa ang aking magkabilang mga mata. Kahit tulog pa ang diwa'y bahagya ko siyang binuhat, inayos ang unan sa kaniyang ulo at inayos siya mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang maibaba ito'y mataman ko pa itong pinagmasdan sabay masuyo kong hinalikan ang kaniyang noo at nang makuntento'y tumayo na ako't iniyakap sa kaniyang katawan ang kumot na kanina'y sa mga paa lang niya nakabalot. Nagpasya akong maglakad sa bandang kanan at saka naisipang pumwesto sa maliit na sopa na meron dito. Ito'y malapit sa bintana.
"Pwede na." bulong ko pa sa sarili habang dinadama ang lambot nitong kinauupuan ko. Muli na akong humiga sa maliit na sopa na kasing laki lang ng isang parisukat at ipinuwesto ang aking ulo mula sa kanang handle nito habang nakalagpas naman sa bandang kaliwang handle nito ang mga paa ko. Nagmistula ko namang unan ang magkabilang braso ko habang naka-tiklop ito at sapo nito ang aking ulo.
Dito na lang siguro ako matutulog at pilit kong pagkakasyahin ang sarili ko kahit pa masyado itong maliit para sa'kin at kahit sigurado ako sa sarili ko na hindi magiging komportable ang tulog ko. At sinubukan ko na ngang pumikit upang muli nang makatulog.
***
Sa kasagsagan ng mahimbing kong pagtulog ay bigla na lamang itong nag-iba... May naririnig akong mga pagtangis kaya't mula sa pagkakahiga ko'y lumihis ako pa-kanan. Ngunit... patuloy ang paglakas ng mga hagulgol na ngayon ay gumugulo na maging sa panaginip ko.
Maya-maya'y naramdaman ko ang isang palad na unti-unti akong niyuyugyog. Naka-pikit ma'y marahas ko itong inalis mula sa aking kanang braso.
Istorbo, kita nang natutulog 'yong tao!
***
"Austin, gising!" Muli na naman nitong ginalaw-galaw ang nagpapahinga kong katawan.
"Ano ba, mamaya na lang. Inaantok pa 'ko!" wala sa wisyo kong sigaw sa kung sino man ang nang-iistorbo ngayon sa pagtulog ko.
"Austin! Si Aubrey..."
Nang marinig ang ngalan niya'y otomatikong dumilat ang kanina'y aandap-andap kong mga mata.Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga sa sopa. Gamit ang daliri'y sinuklay ko pa ang magulo kong buhok. "Bakit? A-ano ho bang nangyari?" mahina ko pang tanong dito habang malakas akong humihikab at dahil dito'y nagkaroon ng malaking espasyo ang aking bibig. Inunat ko pa pa-taas ang magkabila kong mga braso habang sarado ang mga kamay ko sa ere.
"Nag-flat line na siya! P-patay na si Aubrey!" pagtatapat pa ni tita Amy habang nagsisimula na itong umiyak sa harapan ko dahil sa labis na pag-aalala nito sa kaniyang nag-iisang anak.
"Ano?" salitang tanging namutawi sa bibig ko at ilang sandali pa'y tuluyan na nga akong tumayo upang lapitan si Aubrey. Labis akong nagimbal nang mula sa aparato ay napansin ko ngang diretso na ang linyang makikita rito at isang matinis na tunog ang pumailanlan sa silid. Kasalukuyan na rin siyang inaasikaso ng mga doktor at nars.
***
Nang abot-kamay ko na si Aubrey ay may mga kamay ang biglang dumapo sa magkabila kong mga braso, pilit akong hinihila paatras at humahadlang mula sa paglapit ko sa aking namemeligrong kasintahan.
"Bitiwan n'yo ko! Bitiwan n'yo sabi ako! My queen... my queen, please lumaban ka! Para sa'kin... para sa'tin! Aubrey!" nagpupumiglas ko pang singhal habang hindi ko na rin makontrol maging ang mga luhang tuloy-tuloy na bumabagsak mula sa aking mga mata. Pilit kong inaalis ang kanilang mga kamay sa braso ko ngunit mas dumami pa ang humaharang sa'king mga babaeng nars ngayon at pwersahan akong hinila malapit sa pinto ng kaniyang silid.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (COMPLETED)
Teen FictionAubrey Maurelle has got what it takes to be a well-known ramp model around the globe. I'm so hopelessly devoted to her dreaming that one day, all of my endeavors can be perceptible by her blinded heart. #1 Not your typical lovestory. #28 Unexpected ...