Chapter 33

83 2 0
                                    

3rd POV

"Kailan kaya siya babalik?" Naka-pangalumbaba si Aubrey habang waring nakatulala sa kawalan. Ginagalaw-galaw niya pa-ikot ang kaniyang tinidor ngunit mukhang hindi naman nababawasan ang laman ng kaniyang styro plate.

"Sino Aubrey?" interesadong tanong ni Yverson kahit pa punong-puno ang bibig nito ng pagkain.

"Edi si Austin, sino pa ba?" pag-amin pa ng dalaga sa kaniyang kaibigan. Isinubo na rin niya ang kutsarang naglalaman ng pagkain. Kasalukuyan nilang ine-enjoy ang masarap nilang hapunan na ipina-deliver ni Yverson. Nag-uusap sila ngayon sa loob ng mansyon ng binata.

"Babalik naman agad 'yon pagkatapos ng world cup tournament nila." Nagkibit-balikat lang siya sa dalaga at nagpatuloy sa magana niyang pag-kain. Maya-maya pa'y masinsinan niya itong tiningnan. "Bakit nami-miss mo o nami-miss mo lang sungitan?"

"Both?" Tila napa-isip pa si Aubrey mula sa tanong ng kaniyang kaibigan habang nakaturo sa ere ang hawak niyang tinidor.

"Bakit ba ang dalas mo ring sungitan 'yon?" muling pagbabato ng isang tanong ni Yverson sa dalagang kasalo niya sa isang masarap na hapunan.

"Hmm... I don't know either. Minsan kasi, mas maluwag pa ang turnilyo niya sa utak kaysa sa'yo eh." aniya kay Yverson. Ilang oras pa'y tumayo na si Aubrey at nagprisintang itapon ang styro na pinagkainan nilang dalawa. Nang hahakbang na ito ay nakaramdam siya ng matinding pagka-hilo at napa-kapit pa ang kanan niyang kamay sa dulo ng lamesa habang ang isa'y naka-alalay sa kumikirot niyang ulo. Muli lang napa-upo sa upuan ang dalaga habang iniinda ang tila umiikot niyang paligid.

"'Oy Aubrey! Ayos ka lang?" apurang tanong ni Yverson sa nahihilo niyang kaibigan at agad niya itong inalalayan para maglakad pabalik at maka-upo ito sa sopa. Nang maka-upo ito ay kumaripas siya ng takbo sa kanilang dining area para kumuha ng isang baso ng malamig na tubig.

"Oo kaso... bigla akong nahilo." tugon ni Aubrey sa kasama. Agad naman siyang inabutan ni Yverson ng isang baso ng tubig at bahagya niya lamang itong nilagukan.

"Galaw ka kasi ng galaw eh! Magpahinga ka nga muna d'yan at ako nang magliligpit n'yan. Malalagot pa 'ko sa boyfriend mo!" panenermon pang muli ng binata sabay gulo niya sa mahabang buhok ng kaniyang kasama.

"Boyfriend?" pag-uulit pa ni Aubrey. Tila nagpantig ang kaniyang mga tenga dahil sa kaniyang narinig at pilit niyang inalis ang kamay ng binata mula sa kaniyang ulo.

"O bakit? 'Wag mong sabihing hindi pa rin kayo?" napantastikuhan pa niyang tanong kay Aubrey habang ito'y humahalukipkip.

"Yeah, we're still unofficial. We're going into that stage, soon. But now is not the right timing, yet." paliwanag ng dalaga rito.

"Kailan? Kapag napagod na siyang suyuin ka?" muling pangungulit ni Yverson sa kasama.

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon