Chapter 21

86 4 0
                                    

Eleanor 'LEA'

This can't be!
Who's that bitch anyway that keeps on flirting to my prince Austin?

I'm in the middle of the crowd. Pinapanood ko kung paanong unti-unting agawin sa'kin ng babaeng 'yon ang mahal ko. Parang unti-unting niluluray ang buong katawan at pagkatao ko dahil sa nasasaksihan ko. Habang sila, masayang sinusuportahan ang paglalandian ng dalawa, unti-unti naman nitong dinudurog ang puso ko... na umaasang mapapansin din ako ni Austin kahit na minsan lang. Nilalamon na rin ako maging ng matinding kalungkutan.

There was a rain that poured into my lonely eyes deep down into my cheeks. Agad ko itong pinahid gamit ang kanang kamay ko.

I've never seen her before. Feeling niya ngayon, siya ang nababagay na prinsesa sa prince charming namin?
Huh! Stop on dreaming, girl! I will wake you up and beware, because I am your worst nightmare!

Matatalim na titig ang pinukol ko
sa babaeng 'yon... Sa babaeng umaagaw ng atensyon sa taong mahal ko. Nagpupuyos ngayon ang kalooban ko.

Hindi pwedeng ganito lang... hindi pwedeng hayaan ko na lang na ahasin ng malanding 'yon ang prince charming namin. Austin is only, mine... Mine!

"Kailangang may gawin ako..." tanging bulong ko sa sarili. Muli kong tiningnan ng masama ang babaeng 'yon... I must remember every features of her face.

Lintik lang ang walang ganti!
Wala sa loob na naglakad at umalis na ako mula sa kumpulan ng mga tao sa loob ng auditorium.

Nang makalabas sa auditorium ay agad kong inilabas mula sa bulsa ang phone ko at nagdial ng numero. Pagkatapos ay itinapat ko ito sa kanang tenga ko at naghihintay ng sasagot mula sa kabilang linya. Nakatulala lang ako ngayon sa kawalan at tila 'di mapakali sa kinatatayuan.

Maya-maya pa'y sumagot na rin sa phone ko ang taong pakay ko.

***

"Girls, maghanda kayo! Pumunta kayo bukas sa head quarters natin sa third floor. May didispatsyahin tayong kalat." makahulugan at nagngangalit kong sabi. Binaba ko rin agad ang mobile phone ko, mahigpit ko lang itong binitbit at saka nagpatuloy akong naglakad palabas ng campus.

---

Delightful_Harmony

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon