Chapter 36

121 6 0
                                    

Austin DeMarcus

Lumipas ang panibagong araw, ang panibagong pag-asa para sa paghiling na hahaba pa ang buhay ng reyna ko, hindi lang sa pagmomodelo pero maging sa puso't buhay ko.

***

Natapos ko nang saluhan si Aubrey para sa aming masarap na tanghalian kaya't kasalukuyan lang itong nagpapalakas at nagpapahinga. Para sa paglilibang niya'y kinuha ko mula sa gilid ng maliit na sopa ng kaniyang silid ang itim kong gitara na siyang ginamit ko rin no'ng unang haranahin ko siya sa foundation day ng aming school, sa harap ng mga manonood at ka-schoolmates namin.

***

"Naaalala mo ba 'to, my ramp model queen?"

"Y-yeah... 'Yan 'yong ginamit mong pangharana s-sa gitna ng stage." nahihirapan pa niyang sambit.

"Can I offer you a song?" Ngunit imbes na sumagot siya'y bahagya na lamang itong tumango dahil batid kong nahihirapan na rin siyang magsalita dahil sa kaniyang kondisyon.

***

Maya-maya pa'y sinimulan ko na ang pagtipa maging ang pagstrum sa mga strings ng gitara ko.

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan... Reyna ko, sana'y maintindihan. Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo... ngunit para lang sa'yo, ayaw nang lumayo... Ipagpatawad mo, minahal kita agad...

Ilang sandali pa'y nakiki-sing along na rin sa'kin si Aubrey na para bang wala siyang iniinda na kahit na anong karamdaman.

"Ahh... Minahal kita agad. Ahh... Minahal kita agad!"

"Ipagpatawad mo, ohh!"

***

"My queen, pwede bang ako naman ang maki-usap sa'yo?"

"What is it anyway? I'll listen..." Bahagya pa niya akong hinarap ngayon. She shines at my sight, brighter than with any other shooting stars that we used to glance together.

"You know that I love you this much... to the extent that I'm willing to sacrifice even my last breath, just to make your life extend a little longer."

"Austin..." She can't keep her eyes off on me. I come near into her side.

Marahan kong hinawakan ang kanan niyang kamay kasabay ang paglagay ko nito sa aking dibdib. Natitiyak kong ramdam niya ngayon ang mabilis at abnormal na pintig ng puso ko. Sa tuwing malapit siya sa'kin, kapansin-pansin ang matinding pagkabog nito.
Masuyo ko siyang tiningnan sa mapupungay niyang mga mata habang nananatili ang kamay ko sa malamig niyang palad. "Can you be my forever queen here in your special throne that I've been reserved eversince you've made it as your own runway?"

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon