Austin DeMarcus
Pagkalabas ko ng aming silid-aralan ay tila naging instant magnifying glass ang mga mata ko dahil sa aking nakita...that girl is none other than, Aubrey! Hindi ako pwedeng magkamali. Pero teka, may kasama siyang lalaki. Sino kaya ang mokong na 'yon na aali-aligid sa suplada kong anghel? Hindi kaya, boyfriend niya? Imposible namang may maka-tagal sa kasungitan no'n.
I wobbled my head.
Hays, ano bang sinasabi ko?
Sundan ko kaya sila?
'Di bale na nga!Nagtatalo ang puso at isip ko kung ano nga ba ang dapat kong gawin.
Minabuti ko na lang na hawakan ng mahigpit ang magkabilang straps ng bag ko at saka nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.While they're talking to each other, here I am literally at their back. I even examined their gestures. Sa tingin ko, magkaibigan lang sila dahil kung may namumuong samahan sa pagitan nilang dalawa, malamang na nagholding hands na 'yan sa harap ko o kaya nama'y umakbay na 'yong lalaki sa kaniya. Ang lumalabas kasi, ang layo ng pagitan nilang dalawa. Mukha nga silang hindi magkakilala kung tutuusin. Hopefully na hindi pa talaga naging sila.
Austin naman kasi, ang dami mo nang chance na pinalagpas! Una noong ramp modeling, pareho kami ng venue pero hanggang tingin lang ang nagawa ko. Sumunod 'yong practice game! Okay na sana kaso, parang pinandirian pa yata ako kasi 'di man lang inabot 'yong nangangalay kong kamay noong ipinakilala kami sa isa't-isa.
Tu-tulog tulog ka kasi masyado kaya ka nauunahan! Naku naman!
Hinawi ko pataas ang buhok ko dahil sa bahagyang pagka-dismaya.
Dahil tila nalunod ako sa lalim ng pagmumuni-muni ay biglang nawala ang dalawang taong sinusubaybayan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid.Sa'n nagtago ang mga 'yon?
Hindi kaya... nakita nila ako?
Naku naman talaga oh!Napabuntong hininga ako. Kinapa ko ang phone mula sa likurang bulsa ng aking black pants. Nang mahanap ito'y agad ko itong ini-angat at pinindot ang isang contact mula sa aking speed dial. Matapos nito'y itinapat ko ito sa aking kaliwang tenga para siguraduhin kung may nagri-ring.
Makaraan ang pangalawang pag-ulit ng kaniyang ringtone ay sinagot na rin niya ang tawag ko.
"Hello bro, nasa'n ka?"
"Sa bahay, bakit?" tugon niya sa kabilang linya.
"Pa-tambay muna sa inyo." diretsahang sagot ko.
"Sige bro." Walang ano-ano'y tinapos ko na ang tawag at ibinaba ko na rin ang phone ko kasunod ang pagbalik nito sa aking bulsa. Nag-abang ako sa labas ng gate ng masasakyan at ilang saglit pa'y naka-sakay na rin ako ng matiwasay.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (COMPLETED)
Teen FictionAubrey Maurelle has got what it takes to be a well-known ramp model around the globe. I'm so hopelessly devoted to her dreaming that one day, all of my endeavors can be perceptible by her blinded heart. #1 Not your typical lovestory. #28 Unexpected ...