Chapter 7

176 9 0
                                    

Austin DeMarcus

I remember her...

rounded chin, her small, and a perfect cupid's bow-red lips, that might be taste as sweet, ripe cherries, a narrow and a high bridged pointed nose, have deep, set and doll brown eyes that keeps on haunting my soul, perfectly curved korean-like eyebrows, her chubby and rosy cheeks that's too cute to resist, a well-toned and a smooth neutral skin nor a morena one, and a wavy, black hair, as black as the midst of a peaceful night that is perfectly fell over her oval-shape face.

Hindi ako pwedeng magkamali...

She's the well-known ramp model of How to be Fab magazine. She captured my heart that night... so she must be Aubrey Maurelle Tamayo. Grabe, ang ganda pala niya sa malapitan!

What a destiny...

Tumabi na sa'kin ang tatlong dalaga. Pinagitnaan ako ng dalawang babaeng nagpaalam sa'kin kanina na magpa-picture habang nasa dulo at kaliwang bahagi ko naman si Aubrey. Iniharap na ng isang babae ang camera ng kaniyang cellphone sa amin para makuhanan na kaming lahat ng picture.

"Smile!"

"Wacky naman." suhestiyon naman ng babae na nasa kanang bahagi ko.

Payak lang akong ngumiti mula sa sunod-sunod na click nila ng camera. Matapos makuha ang tamang anggulo ay tiningnan ng dalawa kung pasado na ba sa kanila ang mga litratong kinunan nila.

Hanggang ilang shots kaya ang balak ng mga 'to? Ayos sana kung si Aubrey ang katabi ko.

"Hindi pa ba tapos 'yan? Let's go!" rinig kong pagmamaktol ni Aubrey sa mga kasama niya kasabay ng pag-arko ng kaniyang kanang kilay at pagbuntong-hininga nito.

"Malapit na, 'to naman! Don't be too rude! Ang kj mo talaga!" iritadong sagot nito kay Aubrey.

Too rude? Samantalang kayo itong humablot sa kaniya mula sa isang sulok at pumipilit na sumama rito sa picture-taking n'yo. Ang hirap talagang intindihin ng mga babae!

Nang makuntento na ang dalawa sa mga larawang nakuhanan nila'y sa wakas at naglubay na rin sila sa pag-selfie.

"By the way, hi! I'm Dahlia and this is Fina, my friend!" naka-ngiting pagpapakilala sa'kin ng dalawa sabay lahad ng mga kamay nito sa harap ko. Agad ko namang pina-unlakan at tinanggap ang mga kamay nilang naka-abang sa ere.

"Itong nagpapapilit kanina ay si Aubrey Maurelle, Aubrey for short."

My heart knew her, eversince that day... I was the photographer of that night where Aubrey projects well and looks so spontaneous during that Fashion night event in a specific magazine.

With a sudden enchantment, I also offered my hand to connect with her and for formality, waiting for her to accept me whole-heartedly... what I was meant to say is that I'm waiting for her to accept this a bit, shaky hand of mine, rather.

Ngunit sa halip na tanggapin ay tiningnan niya lamang ito. Mukhang hindi siya masaya at interesadong makilala ako dahil wala kang mababanaag na anomang kagalakan o kahit na anong ekspresyon sa maamo niyang mukha.

Kaya para mabawasan ang pagkapahiya ko sa kaniya ay ako na rin mismo ang tumanggap sa sarili kong palad at nakipag-hand shake sa sarili.

"Please to meet you, self!" pilosopong usal ko sa sarili.

Dahil dito'y pasimple akong pinagtawanan ng dalawa niyang kasama.

Epic fail! Naku, pasalamat ka, gusto kita!

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon