Austin DeMarcus
Habang mahigpit kong hawak ang bola ay sinulyapan ko ang score board para malaman ko kung sino na ang lamang." Opposing Team: 51
Attacking Team: 56. "
Tsk! Lamang sila ng limang puntos. Kaya pang bumawi!
Pilit na kinukuha pababa sa'kin ng kalaban ang bola pero hindi niya ito magawa dahil mas mahigpit ko itong niyakap.
When I'm in the right momentum, I forcefully kicked the rugby ball downward into the net wishing that it wouldn't catch by the attacking player near the goal.
At pumito ang referee...
"A good Try!" pormal na deklara ng referee na agad namang sinang-ayunan ng dalawang touch judges.
Ang judges ang humahatol kung naglalaro na ba ang mga players sa restricted or out of playing boundaries at tinutulungan din nito ang referee sa pagdedesisyon patungkol sa laro. "5 points ay mapupunta sa... Opposing Team!"
" Opposing Team: 56
Attacking Team: 56. "
Draw. Kailangang kami ang manalo dito, preparation para sa darating na world cup match namin within few months!
"Player 1 for Conversion!"
Tinawag ako ng referee para sa conversion o two points kick. Dapat ay umabot ito sa taas ng net o goal para sa'min ulit ang puntos.
"Team captain Ledesma, kaya mo 'yan!" pagpapalakas-loob ng mga team mates ko sa'kin.
"Salamat," maiksing sagot ko.
Inilagay ko na sa baba ang rugby ball at inihanda ko na ang sarili ko sa pagsipa ng bola. Bibilang ako sa aking sarili.... sa hudyat na 3 ay sisipain ko ito ng ubod-lakas.
1... 2... 3!
Malakas na pwersa ang dulot ng pagsipa ko at lumipad na nga ang bola.
Umabot ka sa taas ng goal, umabot ka!
Ilang saglit pa'y... malalakas na tilian ang yumanig sa loob ng rugby field.
Teka, nagawa ko?
"Pre Austin, ayos! Lamang na tayo!" pagsasaya ni Brendon sabay tapik sa balikat ko.
Tanging 'di makapaniwalang ngiti ang naging tugon ko rito.
" Opposing Team: 58
Attacking Team: 56. "
Mula sa clock ay two minutes na lang ang nalalabing oras. Hindi namin dapat hayaang makabawi ang kalaban para kami na ang manalo.
Sa pagpapatuloy ng laro ay tila walang nais na magpatalo dahil sa higpit ng defense ng bawat isa.
***
"Last one minute!" paalala sa'min ng isang touch judge. Dahil dito'y mas umigting pa ang pagbabantay.
Naagaw ng ka-grupo ko ang rugby ball mula sa kalaban at pilit niyang itinatakbo ito papuntang goal.
Dahil nasa kaniya ang bola ay pilit itong inaagaw-pabalik sa kaniya ng attacking team.
20 seconds na lang...
Tila naharang ito sa goal kaya tinulungan ko siyang makalusot at binantayan ko ang isang kalabang humaharang sa kaniya.
"I-goal mo na!" payo ko sa isang kasamahan ko sa laro dahil tila naging statue siya at pumirmi na lang sa kaniyang kinatatayuan. Sayang ang dagdag puntos.
Nang makahanap ng tyempo ay naka-lusot ito sa isa pang nagbabantay at humarurot sa pagtakbo. Ang bantay na lamang sa goal o net ang tangi niyang problema. Wala nang oras kaya matulin niyang inihagis ang rugby ball sa net... na malayo sa kamay ng kalaban.
Three, two...
The whole rugby field was filled with massive uproar.
"Nagawa mo!" nag-uumapaw na kasiyahang bati namin kay Joe. Ang taong nagbigay ng karagdagang puntos sa aming koponan bago maubos ang oras.
"The winner for this game is... The Opposing Team of this campus!" formally announced by one of the touch judges. "By the score of 63, 56. Congratulations! "
"Panalo tayo! Panalo tayo!"
Dahil sa labis nilang kagalakan ay binuhat nila si Joe at magiliw naming binati.
"Buhatin din natin si Team Captain. Siya rin ang nagpanalo sa laro natin!" dagdag na suhestiyon ng isa ko pang ka-grupo ng Rugby sport.
Kapagdaka'y ini-angat din nila ako. Mga bano!
Nang makuntento sa pagsasaya'y ibinaba rin nila kaming dalawa.
"Ang bigat n'yo!"
"Wala naman kasing nagsabing buhatin n'yo kami. Edi kayo lang din ang nagdusa!" natatawang litanya ko sa mga team mates ko. "Nice teamwork! Good job everyone."
"Salamat Team captain."
"Kailan nga pala ang World Cup game natin?" seryosong usisa sa'kin ni Joe. Maya-maya pa'y inisang lagok nito ang hawak niyang botelya ng tubig na tila pagod at uhaw na uhaw.
"Sa pagkaka-alam ko, December pa. Sa November, mas puspusan ang magiging practice game natin. Walang liliban kung ayaw n'yong mapalitan!" ma-otoridad kong bilin.
Kapag kasi maluwag ka sa mga kasamahan mo, nakakalimutan nila ang salitang 'respeto' at ang mas malala, iilan lang ang a-attend ng practice game kaya mas mabuti nang strikto, atleast lahat kami ay nagiging disiplinado.
"Yes captain!"
"Pre, mauna na kami sa locker room! May pupuntahan pa kami. Congrats sa'tin!" nagmamadaling paalam sa'kin ng ilang mga kasamahan ko.
"'Wag... 'wag kang mauna, bata ka pa! Sige pre ingat! Salamat." natatawang biro ko pa.
"Gago!" pabalik na pang-aasar nito.
Ilang saglit pa'y nakipag-high five ito sa'kin, niyakap ako at tinapik ng bahagya ang likod ko.
Matapos ang ilang usapan ay isa-isa na ring nagpaalam ang mga ka-grupo ko sa laro, maging ang nakalaban namin.
***
Nang maiwan ako mag-isa sa field ay napagdesisyonan ko nang magtungo sa locker room para makaligo at makapagpalit ng damit ngunit...
Bigla akong dinumog ng mga fans ko. Kaya wala akong nagawa kundi magiliw na pagbigyan ang mga requests nila sa'kin kahit pa amoy mandirigma na 'ko.
"Hi Austin! Pwede bang magpa-picture sa'yo?" malambing na paalam sa'kin ng isang babae. Sa tingin ko ay fourth year na rin ito.
"S-sige," nahihiya kong sagot sa dalawang magandang binibining kaharap ko.
Pasimple silang kinilig dahil sa pagpayag ako.
"Aubrey, tara na!"
Maya-maya pa'y tila may tinatawag pa silang isang babae mula sa malayo sabay mwestra ng kanilang kamay na nanghihikayat papunta sa kinaroroonan namin. Marahil ay kaibigan at kasama rin nila ito pero nahihiya lang na lumapit dito.
"Ayoko,"
Mababasa mo mula sa buka ng bibig nito at maka-ilang beses din itong umiling. Ano kayang problema at ayaw niyang lumapit?
Dahil sa inis ng isang babae ay ito na ang kusang lumapit dito at hinila ito papalapit sa aming pwesto.
Kawawa naman, ginagamitan siya ng pwersa. Pinipilit siya sa mga bagay na ayaw niyang gawin. Kaibigan ba niya talaga ang mga ito o wala lang siyang choice?
"Pasensiya na kung natagalan, Austin. Ready na kami!"
Tumango lang ako bilang tugon at pagsang-ayon.
At nang makalapit ang dalawang babae sa kinaroroonan ko...
Damn! I know her!
---
Delightful_Harmony
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (COMPLETED)
Teen FictionAubrey Maurelle has got what it takes to be a well-known ramp model around the globe. I'm so hopelessly devoted to her dreaming that one day, all of my endeavors can be perceptible by her blinded heart. #1 Not your typical lovestory. #28 Unexpected ...