Aubrey Maurelle
"Aubrey, ang sagot mo para sa mga koponan mo ay... Tama!"
Napatayo, napahiyaw ang ilang mga kagrupo ko at ang iba'y napasuntok sa ere dahil sa magandang balita sa'min ni sir Pueblo. Mukhang sa'min pumapanig ngayon ang kapalaran ah.
"Nice one, Aubrey! Ang galing!" galak na pagbati sa'kin ni Alex at maya-maya pa'y nakipag-appear pa ito sa'kin.
"Ayos, lamang na lamang na tayo!" komento pa ng ilan.
"Oh class, maupo na ulit at sasabihin ko na ang pangalawang tanong..." suway ni sir sa mga kagrupo ko at agad naman itong tumalima sa kanilang narinig. Nang bumalik na kaming lahat sa konsentrasyon ay muli na itong nagsimula.
"Isang gabi ay kasama mo ang 'yong kaibigan. Buhat sa liwanag na buwan ay biglang lumabas ang mga mangkukulam at kasabay nito'y tinangay ang iyong kaibigan at dinala nila ito sa kanilang pinagkukublihan."
Huminto ito pasumandali at kapagdaka'y nagpatuloy sa kaniyang winiwika sa'min. "Kinakailangan mong maka-punta sa kanilang lugar ngunit sa panahong gabi lamang. Anong hayop ang pipiliin n'yong sakyan upang iligtas ang nabihag n'yong kaibigan, isa bang Unicorn, Pegasus o isang Griffin? Limang segundo ay magsisimula na...ngayon!"
Naunahan kami sa pagtataas ng kamay ng ikaapat na grupo. Agad naman silang tinawag ni sir para bigyan ng tsansang maka-sagot.
"Anong hayop ang pipiliin n'yo, group four?"
"Sir, pegasus po dahil may pakpak."
Natawa pa ang kaniyang mga kagrupo dahil sa kanilang narinig sa kasama.
"Salamat sa pagsubok pero...mali. Sino ang gusto pang sumagot?"
Muli kaming naunahan ng unang pangkat, sa pamumuno ni Yverson.
"Ano ang sagot mo at ng inyong pangkat, Yverson?"
"Ah, Griffin po sir dahil kaya nitong lumipad maging sa ibabaw ng mga karagatan at tsaka itim po ang kulay nito kaya hindi po ito mapapansin ng mga mangkukulam sa gabi." paliwanag nito na may kalakip pang ilang impormasyon.
"Tumpak!" deklara nito. Muling isinulat ni sir ang mga puntos na nadagdag sa nararapat na mga pangkat. "Unang pangkat ay mayroon nang pitong puntos at ang ikatlong pangkat ay naka-kolekta na ng 13 puntos. Oh anong nangyari sa iba? Nasa'n na kayo? 'Wag n'yong hayaang manatili kayo sa kangkungan. May parusa 'to!"
Dahil sa narinig ay ramdam ko ang tensyon at kaba ng ibang mga grupo na wala pang naitatamang mga sagot.
Huling tanong na para sa medium round.
This time, the score must be in favor to us... again! By hook or by crook!
***
"Huling tanong para sa medium level ay ito. Pakinggan at pag-isipan n'yong mabuti... Ako ay madali n'yong mapupuntahan pero sa oras na nandito ka na ay mahihirapan kang makalabas dito. Ano ako?"
"Huh? Ano raw?"
Ang ilan ay nakaawang ang mga bibig dahil sa narinig na tanong at ang karamihan ay nagsitaasan ang kanilang mga kilay dahil sa kyuryosidad na hatid nito sa'min.
Isang kaklase ko ang muling pinaulit ang tanong upang mas maging malinaw ito sa kaniyang isipan na agad naman ding pinagbigyan ni sir.
Madaling puntahan pero mahihirapan kang makalabas? Ano 'yon?
Maging ito'y naging isang mahirap na palaisipan din sa'kin pero para sa puntos at sa activity ay pag-iisipan ko muna 'to.
***
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (COMPLETED)
Teen FictionAubrey Maurelle has got what it takes to be a well-known ramp model around the globe. I'm so hopelessly devoted to her dreaming that one day, all of my endeavors can be perceptible by her blinded heart. #1 Not your typical lovestory. #28 Unexpected ...