Chapter 35

108 3 0
                                    

Austin DeMarcus

Ilang araw na ang nagdaan ngunit hindi pa rin gumigising si Aubrey.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa alalahaning ito habang patuloy ko lang siyang pinagmamasdan.

Ngunit maya-maya'y... bahagyang gumalaw ang daliri ni Aubrey sa kaniyang kaliwang kamay na
siyang ikinagulat ko.

"Aubrey?" naisatinig ko. Agad kong tinawag ang mommy ng prinsesa ko na kasalukuyang naka-dungaw sa bintana. "Tita, gumalaw po 'yong kamay niya!"

"T-talaga iho?" Napa-awang pa ang bibig nito.

"Opo."

Maya-maya'y napansin kong unti-unti na siyang nagmulat ng kaniyang mga mata. Bahagya pa itong pupungay-pungay sa harap namin.

"N-nasaan ako?" nanghihina pang sambit ni Aubrey sa amin.

"Nandito ka sa ospital, Aubrey.
Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Hmm... medyo nanlalabo ang paningin ko. My hands feel so numb, and my head still aches a bit, too." Ilang sandali pa, gamit ang kaliwa niyang kamay ay muli niyang minasahe ang kaliwa niyang sentido.

"Sandali lang my snob angel... tatawagin ko lang si doc." Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagpalinga-linga sa hallway ng ospital. Kailangang ma-check ng kahit na sinong doctor ang kalagayan ngayon ni Aubrey.

***

"Ma'am, kagaya po ng mga naunang tests po namin sa inyo ay... hindi pa rin po maayos ang inyong vitals. Visible na po 'yong mga symptoms ng inyong sakit."

"S-sakit? I am sick, doc?" nauutal
at 'di makapaniwalang tanong ni Aubrey sa babaeng doktor na kasama namin ngayon. Ito lang ang doktor
na pumayag na samahan ako dahil natakot ko na rin siguro ang ibang mga lalaking doktor dahil sa nangyari noong isang araw.

"Oo iha, meron kang sakit na tinatawag na Multiple Sclerosis... pinalalabo nito ang mata mo, makakaramdam ka ng panginginig at pa-minsanang pagka-manhid ng kamay at mga paa mo. Nahihilo ka pa rin, hindi ba? Part pa rin 'yan ng sakit mo. Pinapahina rin ng immune system mo ang 'yong central nervous system. I'm sorry to say this to you iha but... you only have few days to live. 'Wag ka sanang mawawalan ng pag-asa! Have faith and it'll save you. Mauna na po ako sa inyo at kailangan pa 'ko sa OR. Rest well iha." Maya-maya pa'y tumalikod na si doktora at tuluyan nang nilisan ang silid na kinalalagyan namin.

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon