3rd POV
Kinabukasan ay nagpasya si Aubrey na hanapin si Austin. Naglakad ito palabas ng kaniyang klase at patakbo niyang tinungo ang pasilyo ng kanilang paaralan. Matapos humakbang sa ilang baitang ng hagdan ay nakarating din siya sa pangatlong palapag.
Nang nasa tapat na siya ng silid ni Austin ay patuloy siya sa paglalakad maging sa pagsilip sa mga bintana nito.
"He's not here!" naibulong na lamang niya sa sarili. Kasalukuyang naka-hawak ang kanang kamay niya sa labas ng pader. Nang hindi niya mahanap ang kaniyang pakay ay nagpasya siyang umalis at libutin ang kabuuan ng kanilang paaralan.
"I will find you Austin, no matter what!"
***
Bumaba siya sa hagdan at maya-maya'y natagpuan niya ang kaniyang sarili sa loob ng auditorium. Iginala niya ang kaniyang paningin sa kabuuan nito.
"Wala rin siya rito. Nasa'n ka na ba?"
Patuloy pa rin siya sa paglinga sa bawat bleachers na naroon ngunit bigo pa rin siya. Wala siyang nakikitang studyante ngayon doon dahil ang karamihan ay nasa kani-kanilang mga silid-aralan. She continued on roaming around the campus.
Buhat sa canteen ay bumalik si Austin sa kaniyang upuan bitbit ang binili niyang tatlong bote ng inumin. Nang maka-upo ng matiwasay ay sinimulan na niya ang kaniyang ritwal na pagmumukmok. Inisang lagok niya ang isang light beer. Nang mangalahati ito ay padabog niya itong inilapag sa mesa.
"Aubrey, bakit? Bakit hindi mo na 'ko nahintay pa?" naibulalas na lang ni Austin sa kaniyang sarili. Agad na kumawala ang mga luha sa ma-pighati niyang mga mata at nakatulala lang siya sa alak na iniinom niya. Usap-usapan kasi sa buong campus ngayon na official nang nagdi-date sina Aubrey at Yverson. May ilan pang nakakita sa palagian nilang paglabas-labas.
Inilagay niya ang kaliwa niyang kamay sa kaniyang mga mata at pinahid niya ang kaniyang luha. Bahagya niya pang hinawi pataas ang kaniyang buhok. Naka-pamewang siya ngayon at ilang saglit pa'y muli niyang inilagok ang kaniyang alak na binili niya sa canteen kani-kanina lamang.
Pangatlong bote na ang hawak ni Austin ngayon. Nang akmang muling magpapaka-lunod siya sa alak ay bigla na lamang may naglakas ng loob na agawin at agad din itong inilayo sa kaniya.
"Sisirain mo na lang ba ang buhay mo sa gan'yan huh, Austin?" Agad na tumabi si Eleanor kay Austin... sa taong espesyal sa kaniyang puso. Malungkot niya itong pinagmasdan. Base sa ikinikilos ni Austin ay malalaman mo na iisang babae lang talaga ang minahal niya magmula pa noon... walang iba kundi si Aubrey Maurelle, ang mahigpit na kaagaw ni Eleanor sa puso nito.
"Ano bang pakialam mo? Akin na 'yan... AKIN NA SABI 'YAN!" Pilit na kinukuha ni Austin pabalik sa mga kamay niya ang kaniyang alak ngunit imbes na ibigay ay naki-lagok na rin si Eleanor dito. Nang makuntento ay inilapag na niya ito sa mesa. Matapos makakita si Austin ng pagkakataon ay muli niya itong inagaw sa kamay nito at inubos ang natitirang laman ng kaniyang inumin.
Dala ng kalasingan ay nagsimula nang magwala at mag-ingay si Austin sa loob ng canteen. Mabuti na lamang at iilan pa lang ang studyante na naroon.
"My snob angel!" Nakapikit siya at bahagya pang ngumisi habang bitbit ang bote ng alak na wala nang laman. Marahil ay nakikita niya ang maamong mukha nito sa kaniyang diwa. "Ako na lang... AKO NA LANG KASI ANG PILIIN MO! MAHIRAP BA 'YON?" Bahagya pang hinampas ni Austin ang dibdib nito at maya-maya pa'y may mga luha na namang kumawala sa kaniyang mga mata.
Higit na nahihirapan si Eleanor ngayon dahil sa kaniyang sitwasyon. Hinihiling niya sa sarili na sana, siya na lang si Aubrey... na sana ay siya na lang ang nakikita ni Austin para mahalin nito.
"Tama na 'yan, Austin. Malalagot ka pa kay dean kapag nalaman niyang uminom ka rito. Nag-iisip ka ba talaga?"
"Hindi ikaw ang kailangan ko. Pwede ba umalis ka na!" pilit na pagtataboy pa sa kaniya ng binata. "Istorbo ka eh!"
"Austin tama na, please!" Ilang saglit pa'y ikinulong ni Eleanor si Austin sa kaniyang bisig ng ubod-higpit. Tila inaalo pa niya ito at ginagalaw ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang likod. Nanahimik ito pasumandali.
"I hope that Austin will be alright..." bulong ng isang bahagi ng isip ni Eleanor.
Ilang sandali pa'y biglang gumalaw-galaw si Austin mula sa tabi ni Eleanor at bigla na lang siyang kumalas mula sa pagkaka-yakap nito sa kaniya. Magka-tapat ang kanilang mga mukha habang nananatiling naka-pikit ang mga mata ng binata. Nang magmulat siya ay bahagya na naman itong ngumisi na parang gustong-gusto niya ngayon ang taong nakikita niya.
"Hmm...Aubrey! Ang ramp model queen ng buhay ko! Mahal na mahal kita!" Pakurap-kurap ang mga mata niya dahil sa matindi niyang kalasingan. He even cupped Eleanor's face. Tanging si Aubrey lang ang tila nakikita ngayon ni Austin sa mukha ni Eleanor. Lumapad ang pagkaka-ngiti ng binata sa kaharap niyang dalaga.
Ako ang kaharap mo my prince pero... ibang babae pa rin ang hinahanap mo! Hays!
Inirapan pa ni Lea ang binatang mahal niya. Napa-awang ang bibig niya dahil sa ibang pangalan na namutawi sa bibig ng binata.
Nang gahibla na lang ang pagitan nila ay may pagsuyong inilapat ni Austin ang kaniyang labi sa katabi niyang dalaga. Otomatikong napa-kapit ang mga braso ni Lea sa kaniyang leeg at bahagya pa siyang hinapit nito. Napagkamalan niya na ang kaharap niyang dalaga ngayon ay si Aubrey, na siyang matagal na niyang sinisinta. Their passionate kiss was only a one big mistake!
***
Sa 'di kalayuan ay may naka-saksi sa naglalagablab na pagsuyo nila sa bawat isa. Her jaw dropped and suddenly, her heart smashed into pieces. Mayroong mga luha ang tuluyan ng kumawala pababa sa kaniyang pisngi.
"You're a liar, Austin!"
Naningkit ang mga mata ni Aubrey dahil sa pangit na view na nasaksihan niya ngayon. Marahas niyang pinahid ang kaniyang mga luha at saka tuluyan na siyang lumakad paalis at iniwan ang dalawang tao na akala niyang nagkakamabutihan na.
---
Delightful_Harmony
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (COMPLETED)
Teen FictionAubrey Maurelle has got what it takes to be a well-known ramp model around the globe. I'm so hopelessly devoted to her dreaming that one day, all of my endeavors can be perceptible by her blinded heart. #1 Not your typical lovestory. #28 Unexpected ...