Aubrey Maurelle
My feet brought me to my handler's studio which is How to be Fab. Dinala ko ang ibang mga damit na gagamitin ko roon maging ang bouquet of snacks na natanggap ko.
Agad kong hinanap si ate Ivy na siyang assistant ng ramp modeling na ito. Binuksan ko ang bawat pinto ng mga dressing room ng co-models ko ngunit bigo ako sa paghahanap sa taong pakay ko dahil karamihan sa mga kwarto ay walang tao.
Where should ate Ivy go? Hmm...
Nagpasya na lang akong bumalik sa harap ng stage at umupo sa bakanteng upuan na naroon.
Nagsisimula nang magdatingan ang mga kapwa ko modelo. Ang iba'y buhat din sa school dahil mga naka-uniporme pa ito at ang ilan nama'y naka-damit pangsibilyan gaya ng simpleng t-shirt at denim pants na tinernuhan ng branded nilang mga rubber shoes.
***
"Hi Aubrey!" biglang tapik ni ate Ivy sa kaliwang braso ko. Gosh, she scares me!
"Oh ate Ivy! Sa'n po kayo galing? Hinahanap ko po kasi kayo kanina." kunot-noo kong tanong dito sabay baling pa-harap sa kaniya.
"Ah kinuha ko lang mula sa shop ng bago nating client 'yong gagamitin n'yong mga damit para sa rehearsal natin ngayon." simpleng paliwanag nito sa akin. Tumabi na rin ito sa akin at umupo sa bandang kanan ko.
"Hmm... I see." I am contented with what I just heard towards her then grin at her.
Matapos ang simpleng pag-uusap ay tumayo na ito at umakyat sa hagdan patungo sa stage. Tinipon niya muna kaming lahat at nagbilin na magmeryenda muna kami para may lakas sa pag-project sa harapan dahil mamaya'y sisimulan na raw namin ang practice sa aming ramp modeling.
A new clothing line from another Filipino fashion designer trusted our team to remark their designed outfits. I can't wait to fit all of them then project it at the ramp stage with my head tilt high together with my fearless poise.
***
Matapos naming kumain at magpahinga saglit ay wala na nga silang sinayang ni katiting na oras at
pinapila na kami ng sunod-sunod sa back stage at inilagay nila ako sa bandang huli. Eleven kaming lahat na sasalang sa stage and I think, by pair ang modeling ngayon. But if that's the case, we need another one model. Bakit kaya kulang kami?Nasa kanang bahagi ang hanay ng mga babae habang nasa kabila naman ang hanay ng mga kalalakihan.
Ayon kay ate Ivy, gusto raw ng fashion designer na by pair ang pagrampa at sumusunod lamang siya sa utos na bumababa sa kaniya.
And I'm right!
Lahat sila ay may kahilerang lalaking modelo samantalang 'solo flight' lang ang peg ko ngayon sa likod. It's just me, myself and I.
Maya-maya'y napansin din ito ng mga co-models ko.
"Ah ate Ivy, mag-isa lang po bang rarampa si Aubrey?" panimulang pag-uusisa ni Britney sa assistant ng gaganaping fashion event namin.
"Oo nga." segunda pa ng ilang boys.
"'Yon nga ang pinoproblema ko ngayon." lukot ang mukha nitong pagsusumbong sa amin.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (COMPLETED)
Teen FictionAubrey Maurelle has got what it takes to be a well-known ramp model around the globe. I'm so hopelessly devoted to her dreaming that one day, all of my endeavors can be perceptible by her blinded heart. #1 Not your typical lovestory. #28 Unexpected ...