PE class namin ngayon, inatasan kami ng titser namin na magperform ng sayaw ng by partner. Ang mga boys ang magbubunutan sa pangalan namin. Kung sino man ang mabunot nila, syempre, yun ang magiging partner nila.
Nasa good mood ako ngayon pero sa kasamaang palad, pangalan ko ang nabunot ni Ryle. Iisa lang ang meaning nun, HE'S MY F*CK*N' PARTNER!!!
Pero syempre, kahit galit pa rin ako sa kanya, hindi ko hahayaang sirain niya ang good mood ko.
"Hoy, wag na wag mong sirain ang araw ko kung ayaw mong sirain ko ang kinabukasan mo." Paalala ko kay Ryle habang magkaharap kami. Yung iba naman naming classmates ay nagsisimula ng magplano
, yung iba, nagpa-practice na ng kanilang sasayawin.Instead of hearing him, nag-thimbs up na lang siya habang naka-ngiti.
"So, ano ang sasayawin natin? Huguterang bitter?" Tanong niya.
Nakakainsulto man na marinig ang pag-tawag niya sa aking "huguterang bitter", hindi ako nagalit dahil alam kong hindi lang naman siya ang tumatawag sa akin nun. Kumbaga, nasanay na ang tainga ko na tinatawag ako sa bansag na 'Huguterang bitter' ng mga taong nasa paligid ko.
"Ewan ko, ikaw ba, ano gusto mo? Pwede namang pang-ballroom like waltz,cha-cha etc. Pwede ring yung mga modern na sayaw." Sagot ko.
Napa-tango naman siya at base sa nakikita ko sa mukha niya, mababasa mo rin na nag-iisip din siga ng sasayawin namin.
Hmmm.. may napansin lang ako sa kanya... masyado siyang seryoso. Hindi ako sanay sa ganto niyang pag-uugali.
May problema ba sa kanya? O baka naman siguro OA lang ako?
Gayun pa man, hindi ko na inintindi ang pagiging seryoso niya. Mas mabuti nga ng ganto, pag seryoso siya, mas mabilis namin magagawa ang task namin.
"What if kung traditional dance na lang ng mga pilipino? Like tinikling, cariñosa, pandanggo sa ilaw o sayaw sa bangko." Suggestion niya.
"Good idea. Mas may dating siguro kung sayaw sa bangko na lang ang i-perform natin. Common na kasi yung tinikling and cariñosa." Sagot ko naman sa kanya.
"okay. Let's start. Wait-- research pala muna." Sabi niya.
Naglabas naman kami ng isang gadget para sa research. Mabilis lang iyon kaya mabilis kaagad kami naka-proceed sa sayaw.
Kumuha siya ng mahabang bangko. Inalalayan niya akong pumanhik sa ibabaw ng bangko.
"Shet. Nakakatakot naman 'to." Sabi niya nang siya na ang pumanhik sa ibabaw ng bangko.
"Nakakatakot talaga kaya kailangan mong mag-ingat dahil once na nahulog ka, masasaktan ka." Paghuhugot ko. Nakita ko naman ang ngisi niya.
*Few Minutes later...*
Hanggang ngayon, hindi pa rin namin nape-perfect yung sayaw pero pursigido kami na matutunan iyon.
Halos hindi mapagbitaw ang aming mga kamay dahil sa pagtalon-talon namin upang makipagpalitan ng pwesto sa magkabilang side ng bangko.
"Okay, again. 1...2...3!" Pagbibilang niya.
Sa hindi inaasahan, dumulas yung isa niyang paa sa bangko pagka-talon namin.
Tatawa na sana ako pero sa kasamaang palad, dahil magkahawak kami ng kamay ay nahila niya rin ako dahilan para pareho kaming mahulog... sa bangko.
Hindi ko alam pero ang naudlot na tawa ko kanina ay ngayon lang lumabas kahit alam kong isa ako sa nahulog din.
"Hahaha! Loko 'to! Sana binitawan mo na lang ako." Natatawang sambit ko. Tumatawa rin siya.
"Hahaha! Sinadya ko talaga yun. Gusto kong makita yung mukha mo pag nahulog ka na." Napag-trip-an na naman ako neto.
BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Roman d'amour(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...