(CHAPTER : 18)

49 30 15
                                    

Masaya akong naglalakad sa corridor habang naka-akbay sa akin si Jerome.
Naiilang ako sa akbay niya pero hinayaan ko na lang siya.

"Bati na kami~" Bulong na naman niya. Kanina pa niya binubulong yan ng pakanta.

Hindi ko lang siya pinapansin kahit alam kong nagpapansin lang siya sa akin kaya bulong siya ng bulong.

"Oy! Bitaw na. Nandyan na ako sa room ko." Sabi ko sa kanya.

Gaya ng iniutos ko, ibinaba niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Okay. Uhm, bye." Paalam niya.

Ngumiti naman ako at saka tumango.

"Bye!"Paalam ko rin.

"Hey, wag mo kalimutan. Just call me pag kailangan mo ako." Sabi niya sabay wink.

Napairap naman ako sa sinabi at pag-wink niya.

"Oo na! Sige na,shuppi! Male-late ka na sa klase mo." Paalala ko.

Iwinagayway ko ang mga kamay ko na parang nagtataboy sa kanya.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng room.

Hindi pa ako tuluyang nakakaupo sa room,unang hinanap na ng mata ko ay si Ryle. Wala pa siya sa upuan niya.

Baka nasa court pa siya?

E,kaso baka pagalitan siya ng LF namin dahil baka ma-late siya?

Sunduin ko na lang kaya?

Or tawagin?

O kaya naman. . .

Ay,oo nga pala. Di nga pala kami okay.

Pero paano nga ba siya?

Aarrgh!!! Bahala na nga!

After five minutes, dumating na din yung LF namin. Kaya lang, wala pa si Ryle.

Nasaan na kaya 'yun?

Pero mukhang sanay na yung LF namin na laging may nale-late sa klase niya lalo na after break time.

Sa katunayan nga, hindi lang si Ryle ang wala pa sa room ngayon. Wala pa rin yung iba kong classmates na tambay sa clinic at principal's office. Lagi naman late yung mga yun.

Ewan ko ba, bigla akong maiihi. Akala ko kasi talaga kanina ay late na ako kaya kahit naiihi na ako ay pinigilan ko na lang.

Bago pa magsimula yung LF namin, nagtaas akong kamay para magpaalam na magre-restroom.

"Miss Rivera. Pakitawag na rin yung mga classmates mo na wala pa. Thank you." Pakiusap ni sir,yung LF namin.

Napatango naman ako ng may tipid na ngiti bilang sagot.

Hindi pa ako nakakalayo ng classroom namin nang madatnan ko yung mga 'astig'/nagmamala-astig' kong classmates na naglalakad. I think, pabalik na sila ng room?

Naka-ngisi lang sila lagi. Laging may angas pag naglalakad. Poker face lang ang peg nila. Mahilig magsulat sa braso o kamay nila ng kung ano-ano gamit ang ballpen.

"Uhm, pinapabalik na kayo ni Sir." Nahihiya kong sabi.

Poker face pa rin sila habang yung iba ay tumango lang.

Astig pa ba tawag 'dun? O weird na. . . Baliw?

Habang tinutungo ko ang restroom,napapalinga ako sa paligid, umaasang makita ko si Ryle.

Pagkatapos kong gawin ang nais kong gawin sa restroom,binalikan ko yung room namin.

Bahala mga siya!

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon