(CHAPTER : 25)

37 23 10
                                    

Hindi ako mapakali, ni hindi ko mapigilang mag-tap ng fingers ko sa hita ko. Wala pang dumarating sa relatives niya bukod sa kuya niya kung kaya't nakalipat na rin siya sa private room.

Hindi ko magawang pumasok sa loob ng kwarto ni Ryle dahil tingin ko ay hindi ko kakayanin na makita siyang nasa ganoong kalagayan.

"Jusko! Si Ryle!" Rinig kong tinig mula sa babae, tila nagpa-panic at nagmamadali.

Sinundan ko ng tingin ang babaeng iyon, ang tantiya ko ay nasa early 50s lamang ito. Matangkad at may pagkamorena. May kasama itong lalaki, na tingin ko'y nasa mid 50s, matangkad rin ito at maputi, ngunit mahahalata rito ang pagkapilipino. Marahil ito na ang nga magulang ni Ryle.

Nang dahil sa pagmamadali, hindi na nila kami napansin ni Jerome, marahil ay ang tanging atensiyon nila ay ang puntahan ang anak nila.

Gusto ko silang makilala at gusto kong magpakilala pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras para doon.

"Maris, bibili lang ako ng tubig. Okay ka lang ba rito?" Pagtatanong ni Jerome na ngayon ay nakatayo na.

"O-Oo naman. Salamat, ha." Kalmado at mahinang sambit ko, saka ko siya binigyan ng tipid na ngiti. Naubos na yata ang luha ko kaya hindi na ako makaiyak. Gayunman ay ang bigat pa rin ng nararamdaman ko.

Hindi ko maiwasang mapapikit habang ang mga siko ko ay nakapatong sa hita ko, at ang mga kamay ko ay tinatakpan ang mukha ko. Nakailang langhap na ako ng hangin upang i-clear ang mind ko. Tanging mga kilos lamang ng tao ang mga nararamdaman at naririnig ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, kung kaya't napabalikwas ako at tiningnan ang taong nagbukas ng pinto ng room ni Ryle. Nakita ko ang kuya niya. Minsan na niya itong naikwento sa akin, ngunit ngayon ko lang nakita ang kuya niya sa personal. Sa pagkakatanda ko rin ay ang pangalan ng kuya niya ay Francis.

Nadako ang tingin niya sa akin, walang emosyon ang mukha niya, ni walang bahid ng pagkagulat, pagkataka o ano--sabagay, nagkita na nga pala kami kanina, siya rin ang tinawagan namin gamit ang speed dial ng phone ni Ryle. Tumango ako bilang paggalang at pagbati rito.

"Kumusta na siya?" Pagtatanong ko.

"Unconscious pa rin. Ang sabi ng doctor ay baka dahil ito sa pagkakabunggo sa kanya at sa over fatigue, naagapan naman din ang kundisyon niya kung kaya't hindi nalagay sa peligro si Ryle." Page-explain niya. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko.

Magiging okay siya. . .

"Ganun ba? Salamat." Nahihiyang sambit ko.

"Bakit hindi ka na pumasok sa loob? Kanina pa kayo ng kasama mong nandito sa labas." Pagtatanong niya, ni walang ekspresyon akong nakikita sa mukha niya kundi ang pagod. Marahil ay busy siyang tao.

"H-hindi muna. Saka na lang siguro kapag. . . Kaya ko na." Nakatungo kong sambit, nahihiya pa rin. Naramdaman ko ang paghinga niyang malalim. Dahil nakatungo rin ako ay nakikita ko ang pagkilos ng kamay niyang ipinasok niya sa kanyang bulsa ng pantalon.

"Ikaw bahala. Mauna na rin ako at may trabaho pa ako. Salamat rin pala sa pagdala rito kay Ryle." Sabi naman niya bago tumalikod. Ni hindi na ako nakasagot dahil sa pagtalikod niya.

Bumalik ako sa pwesto ko, umupo muli ako at ipinatong kong muli ang siko ko sa hita ko habang ang mga kamay kobay nakatakip sa mukha ko.

Napapitlag ako nang makaramdam ako ng pag-vibrate sa bulsa ko kung saang nakatago ang phone ko.

Walang gana ko iyong kinuha ngunit gayun na lang ang kaba at pagkagulat ko ng makita ang pangalan ni kuya ko sa screen. Tumatawag siya!

Gosh, nakalimutan kong i-inform si kuya!

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon