Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi sa kakaiyak.
Oo, umiyak ako. Ngunit tama bang dahilan ng pag-iyak ko ay yung pag-confess ni Ryle?
I should be happy, right?
Kasi, yung taong mahal ko ay mahal din ako
Kaso, iba eh. Ayoko na. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng magmahal.
Tinungo ko ang daan sa school ng wala sa sarili. Ni hindi ko nga namalayan na tumigil na pala ang tricycle na sinakyan ko, lumagpas pa ang jeep sa school namin bago ako maka-'para sa driver, muntik ko pang makalimutan magsuot ng medyas.
"Huguterang bitter!" Rinig kong sigaw ni Ryle mula sa malayo.
Ngunit hindi ko nagawang lumingon, sa halip ay nagkunwaring walang narinig saka tumakbo ng mabilis palayo sa direksyon niya.
Iiwasan ko siya. Oo, tama yan, iwasan mo siya.
Hindi ko namalayang napadpad na pala ako sa CR ng mga babae. Hinihingal akong humarap sa salamin. Kita ko rin naman sa gilid ng mga mata ko ang dalawang babae na mukhang maarteng pa-sosyal na tila nandidiring tumingin sa akin. Inirapan ko sila at sinadyang kong ipakita yun. Porque pawisan lang ako ngayon, sa tingin niyo, mabaho na ako? Kung ipalamon ko kaya make ups niyo sa nguso niyong pulang-pula?!
Baka nga mas mabango pa yung CR kaysa sa mga kilikili niyo!
Hindi ko sila pinansin at di rin naman nagtagal ay umalis rin silang dalawa. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang panyo ko, tsaka ko sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri at itinali ito.
Sa hindi inaasahan, nag-iintay lang pala si Ryle sa labas ng CR.
Ilang layo lang ang distansiya niya mila sa kinaroroonan ko ngayon. Nagkatinginan kami at mabilis kong inilihis ang paningin ko sa direksyon niya saka nagmamadali ulit naglakad patungo sa classroom.
Ngunit mabilis niya akong naabutan. Mabilis ngunit marahan niya ring hinawakan ang aking kamay na naging sanhi ng pagkakahinto ko sa paglalakad-takbo.
Bago pa siya mag-open ng topic, inunahan ko na siyang magsalita.
"Oh?! Ikaw pala! Pasok na 'ko, huh?! Baka ma-late ako sa klase." Pagpapalusot ko.
"Sabay na tayo." Sabi niya.
"Ay! May dadaanan pa pala ako." Pag-iiba ko.
"Saan?" Tanong niya.
"Basta,dyan lang." Sabi ko. May pangiti-ngiti pa ako kunwari para hindi mahalata.
Hindi nga ba halata?!
"Samahan na kita." Pagboluntaryo niya.
"Hindi na. Mabilis lang ako." Pagtanggi ko.
"Samahan na nga--" hindi na naman iyo natuloy ng inunahan ko siya.
"Sige, una na ako,huh? Bye!"Nag-aatubili kong sabi saka kumaripas ng takbo.
Sorry, Ryle. . . Ito lang ang paraan ko para kalimutan ang feelings ko sayo.
At sorry, kung natatakot akong mahalin ka.
Dumaan ako sa garden ng school ng mapansing hindi nakasunod si Ryle sa akin. Hindi rin ako nagtagal doon dahil may nakakita sa akin na teacher at sinita ako.
Nang makapasok naman ako sa room,nakita ko si Ryle na papalapit sa akin. Laking pasasalamat ko ng kasabay kong pumasok ang teacher namin para sa Social study subject kaya napahinto siya sa binabalak niyang pagpunta sa akin.
"Students, I'll give you fifteen minutes to review and at seven o'clock. We'll start your quiz." Pag-announce nung teacher namin.
Aligaga kami ng mga classmates kong mag-review. Mahirap yung lesson namin nung nakaraan at brutal pa kung magbigay ng quiz yung teacher namin. Mabait naman yun pero strick sa subject niya at sa mga grades namin.

BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...