(CHAPTER : 24)

31 23 12
                                    

Ilang malalalim na hinga na ang nagawa ko habang pinagmamasadan si Ryle mula sa malayo. Unconsciously, napapahigpit ang paghawak ko sa laylayan ng damit ko.

Nagse-selpon lang siya, ang tagal ko ng pinagmasdan ang mga facial expressions niya. Ang pagkunot ng noo niya, ang pagkagat niya sa labi, ang mahinang pagtawa niya habang nakatitig sa selpon niya.

Nabalik ako sa wisyo ko nang magvibrate ang hawak kong phone. Halos mapatalon pa ako sa gulat. Unknown number lang ang nakasulat, gayun man ay sinagot ko pa rin ito.

"Hello?"

"Maris! Where are you?" Tila nafu-frustrate at hindi makapaniwalang pagbati ng mula sa kabilang linya.

"Nandito na. Natatakot ako eh. Baka magalit siya." Tugon ko sa tanong ni Liah, ang kausap ko sa selpon.

"Don't tell me, magba-backout ka? Ako na talaga ang pupunta kapag nagbackout ka." Sabi niya, mahihimigan pa rin ang pagkamahinhin sa boses niya.

Napakamot ako sa ulo ko. May choice naman ako kung magba-backout ako o tutuloy eh. Sabihin na nating mas malaki ang risk kapag tumuloy ako, ngunit last chance ko na ito. Mabuti nang ituloy ko. Napahinga ako ng malalim bago tumugon sa kausap ko.

"Heto na. Pupuntahan ko na. . ." Kalmadong sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot o reaksyon ni Liah dahil gumawa na agad ako nbg hakbang papalapit sa direksyon niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga paa kong nagagawang kumuha ng lakas upang lumapit sa direksyon niya kahit pa nanghihina ang tuhod ko.

Nahagip ko ang mga mata niyang nagtataka sa presensiya ko nang makatayo ako sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Pambungad niya sa akin.

"Para i-meet ka, para kausapin ka, para ayusin ang lahat." Tugon ko, sinusubukan kong magmukhang seryoso at sincere ang pananalita ko.

"Nasaan si Jerome? Alam niya ba ang tungkol rito?" Kalmado ngunit medyo naiilang niyang tanong. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.

"At bakit naman niya dapat malaman?" Nagtatakang tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin ngunit nakita ko ang pagtiim ng bagang niya. Nanatili pa rin akong nakatayo sa harap niya, napapakagat ako ng labi ko sa nararamdaman kong awkwardness sa pagitan namin.

"Talk."

Iyan ang isang salitang narinug ko mula sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko at tila nagpanic ang buong sistema ko. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang umurong siya sa kabilang side ng upuan upang makatabi ako sa kanya. Sinilip niya ako pataas at saka iminuwestra ang kamay niya, gesture na umupo ako sa tabi niya. Tipid akong napangiti.

"Mahal kita." Panimula ko. Nahuhugot ko ang hininga ko nang sabihin ko iyon. Muli, napahinga ako ng malalim, tila kumukuha ng lakas. "Sorry, kung pinaramdam ko sayo ang ka-t*ngahan ko sa love noon. Sorry, kung naramdaman mong hindi ka enough para sa akin--pero mahal talaga kita." Sabi ko.

Nanatili siyang nakatungo at tahimik, tila hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

"Inaamin ko naman na nag-doubt ako noong una rin sa intensyon mo. Pakiramdam ko rin kasi, hindi pa talaga ako handa para sa relationship na 'yan. Pero iba na ngayon. Ready na ako mag-take ng risk." Sinsero kong sambit ngunit tulad kanina, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. Nananahimik lang siya.

"Ryle. Alam mo naman yung past relationship ko with Jerome, hindi ba? Dahil doon, binsagan mo rin akong Huguterang Bitter. Ryle, let's fix this na, ha? Ayusin na natin 'to. Naiintindihan mo naman ako, diba?" Pagtatanong ko matapos magpaliwanag.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon