"Makinig! I want that all your eyes are on me at wala ng iba!" Sigaw ng teacher namin.
Ma'am, kahit sabihin mo pa yan... may lilingon at lilingon pa rin sa iba at maghahanap ng iba... don't ask someone to do something, dahil dun, mas lalo mo silang pinapalayo...
Tsk!
Matapos ang discussion with Ma'am, break na.
See? Kahit anong tagal na nyan... mauuwi at mauuwi pa rin yan sa break.
Alam niyo, guys, ang lovelife niyo parang schedule lang sa school niyo... paiba-iba, papalit-palit, nakakapagod pero may matututunan ka, at laging mauuwi sa break.
Hmp!
Mag-isa lang ako sa table ngayon sa canteen, alam ko naman na walang gustong kumausap o lumapit man lang sa akin dahil sa pagka-bitter ko, ni kaibigan nga ay wala e.
"Hi." Tanong nung lalaking classmate ko at umupo sa harap ko.
Tsk, malamang, napilitan lang 'tong maki-share ng table sa akin kasi wala nang maupuan sa iba.
Binati ko lang siya sa pamamagitan ng pag-taas kilay at saka ibinalik sa phone ang atensyon na patuloy pa rin sa pagsubo ng carbonara.
"Sungit naman nito..." sabi pa ni Ryle--Ryle ang pangalan nito...
Gayunpaman ay hindi ko pa rin nagawa siyang pansinin dahil alam ko--pag mas lalo ko pa siyang pinansin ay mas hahaba ang kwentuhan namin at di ko feel ang ganun.
"Sungit nga talaga." Sabi nanaman nito pero nanatili pa rin akong walang kibo.
"Huy! Classmate na laging humuhugot at napaka bitter!" Tawag niya sa akin--wala na naman akong pakialam sa kanya... hindi man lang ako nagalit or what.
"Bingi ka ba?" Tanong niya na parang bang may pagkasarcastic na sa tono ng pananalita niya, at ako? Walang paki pa rin!
"'Lah siya? Ngayon na nga lang kita pinansin e, ganyan ka pa?"naka-nguso niyang sabi at this time, naramdaman at nakita ko na siyang lumapit sa akin at tumabi dala-dala yung tray ng pagkain niya.
Kinalabit-kalabit pa niya ako pero lumingon ako sa ibang direksyon na para bang ginagawang mulyo lang siya na nagpaparamdam.
"Malala na yan, patingin ka na... pero seriously, may nagawa ba ako?" Tanong niya habang naka-tingin sa akin.
This time, hindi ko na napigilang hindi kumibo.
"Oo! Ang harot-harot mo at ng girlfriend mo! Nakakairita! Papangunahan na rin kita, huh? Wala akong gusto sayo pero naiirita talaga ako sa mga couples na mahaharot kagaya niyo tas iiyak-iyak pag tapos na! Like,hello? Is that what you called love? Sus! Umaarte lang kayo! Hindi kayo tatagal! Maghahanap ka rin ng ibang babaeng mapapaiyak mo bukod dyan sa girlfriend mo ngayon. First GF mo ba? Tsk! Kaya pala masyadong maharot pa!" Mahabang mala-speech ko at nakita ko pa siyang napanganga. Hehe.
Bitterness mode: On!
Tinalikuran ko na siyang nakanganga pa rin.
Hayst! Kaya sigurong ayaw nilang lumapit sa akin dahil baka umatake nanaman yung pagiging bitter ko e, wala na halos yatang single ngayon kahit highschool pa lang. Hays, kabataan talaga nowadays, maiinlove daw sila kuno ng maaga at for sure, maaga din yang iiyak, maaga ding maghahanap ng bago at iiyak muli. Cycle lang yan hanggang sa maging habit mo na pala.
Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko na siya nilingon.
Bahala siya d'yan!
_______
Pagkapasok ko sa room after break time ay wala pa si Ma'am, kinabahan pa naman ako dun! Kaya nga ako pumasok ng maaga, hindi lang dahil sa lalaking yun kundi dahil akala ko maagang dadating si Ma'am. Tsk! Yan na naman ako e, e-effort-effort na bumalik ng maaga dahil sabi niya, maaga daw kami pumasok for the quiz pero siya rin naman 'tong hindi tumutupad sa usapan.
Hay buhay...
Masakit kaya yun! Yung ginawa ni Ma'am.
Umasa ko na dadating siya ng mas maaga kaya pumunta ako ng maaga. Umasa ko! Umasa ko! Lahat kayo, paasa! Pare-pareho lang kayo-- mga paasa!
"Huy! Ano binubulong-bulong mo dyan? Bitter nanaman siguro 'to! Gigil na gigil ka oh! Kagaya kanina!" Nagulat ako sa biglang sabat ni Ryle. Yeah, tama kayo-- yung kausap ko kanina sa canteen!
Tinignan ko siya ng masama kaya nanlaki ang mata niya at napa-atras sa sama ng tingin ko.
"Bakit kayo ganyan? Bigla na lang dadating at bigla na lang ding aalis? Para ano? Para sa panandaliang saya? Hindi niyo alam kung gaano ka sakit ang maiwan no!" Bulyaw ko sa kanya.
Napa-kamot naman siya sa ulo na tila ba ay hindi malaman ang sasabihin sa akin. Napangisi naman ako sa nakita kong mukha niya.
"H-hindi n-naman lahat ay kagaya ng pinaghuhugutan mo. Yung iba, umaalis nga pero bumabalik din, hindi niyo lang tinatanggap muli." Nakayukong sabi niya.
Hindi ko alam kung hugot niya din ba yun o kung ano pero aaminin ko sa sarili ko na nagulat talaga ako pero hindi ko lang pinahalata. May pinagdadaanan din ba siya?
"Bakit? Sa tingin mo ba ay madaling tanggapin ulit ang nakaalis na?" Tanong ko sa kanya ngunit may kasamang hugot. Nanliliit na ang mga mata ko.
"Malay mo naman kasi... hindi siya umalis" Sagot niya pero this time naka-tingin na rin siya sa akin at walang kaemo-emosyon ang mukha.
"Eh ano kung ganon? Pinagtagpo lang? Huh! " argh! Nakakainis na kausap to ah! Binabara ako neto!
"Hindi. Malay mo napadaan lang dahil baka hindi siya yung taong para sayo." Hugot niya pero hindi pa rin nagbabgo ang mukha.
Nagulat ako sa sinabi niya. Talagang nakaka-amaze! Hindi ko alam na magagawa niyang sagutin ang mga hugot ko at makipagsabayan sa mga ito. Kakaiba! Pero syempre, dahil ako ang tinaguriang huguterang-bitter, hindi ako magpapatalo!
"Hays, bakit ba kasi kailangang magmahal, e masasaktan ka rin naman. Bakit ba kasi kailangang may dumating kung hindi rin naman ito para sayo. Masakit diba? Ano pa nga ba magagawa ng love? Nakakasakit lang yan, kaya nga maraming nabo-broken hearted e." Mataray na sabi ko.
"Dyan ka nagkakamali. Love can make you perfect." Sagot niya kaya napa-taas naman ako ng kilay.
"Perfect? Tch! Kalokohan! Nobody is perfect! "Asik ko. Nanggigigil na ako sa lalaking ito ha! Please po paki awat ako at baka mag papunta pa ako ng ambulansiya.
"Para sayo ba, ano meaning ng 'perfect'?" Tanong niya. Muli, natigilan ako. Magaling nga 'tong lalaking to.
Hindi ako nakasagot.
"Perfect, ginagawa ka nitong perfect kasi nagagawa mo ang mga unexpected things, nagagawa mong magmulti-task. Nagiging masaya, nagiging malungkot. Nasasaktan. Lahat ng emosyon mararamdaman mo pagdating sa love and that's what makes you perfect." Confident niyang sabi.
Magaling! Magaling!
Pero mas magaling ako! Napa-ngisi ako.
"Wow! Nagagawa ang unexpected things? Nagagawa mo rin bang lumipad gaya ng ibon pag nagmamahal ka?"pilosopo kong tanong. Wala na akong hugot ngayon dahil inagawan ako ng lalaking ito.
Wala siyang nasagot sa tanong ko. Hahaha!
Love... magagawa mo pala ang lahat ah, e bakit hindi mo magawang lumipad kung ganon?
Napa-pikit siya ng mariin at napakamot sa ulo, hindi malaman kung paano ipapaliwanag sa akin.
Tsk tsk tsk... lesson learned, Don't dare to mess with the huguterang bitter.
°•°•°•°•°•°•°•°•(Closing)°•°•°•°•°•°•°•°•°
MY's/H: "MAY MGA TAONG HINDI NAKALAAN PARA SA ATIN PERO DADATING SA BUHAY NATIN NG MAY DAHILAN"
FEATURED SONGS(In the video) :
- Naughty Boy by PENTAGON
- Blank Space by Taylor Swift
- Go Go by BTSVOTE ‖ COMMENT ‖ FOLLOW
BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...