(CHAPTER : 19)

47 29 10
                                    

"Are you okay? Saan pa ba masakit?" Nag-aalalang tanong ko kay Ryle habang dinadampian ko ng ice pack ang gilid ng labi niya at ang cheekbone niya.

"Aaah! Aray! A-ako na kaya. . ." Napapa-ungol siya sa sakit.

"Eh?! Ikaw kasi,e kung hindi ka san-" hindi natuloy ang sasabihin ko ng biglaang bumukas ang pinto at iniluwa nyon si Liah.

"Oh my Gosh! I'm sorry! Sorry,Ryle!" Nag-shriek siya papunta kay Ryle.

Gayun na lang din ang panlalaki ng mga mata ko nang yakapin niya ng mahigpit si Ryle.

Nag-chuckle naman si Ryle habang nakayakap na rin kay Liah na iyak ng iyak sa dibdib niya.

Gusto ko ng umirap pero naalala ko,wala pala ako sa posisyon para. . . Magselos?

Ugh! Kainis

Enjoy ka naman? Naka-hokage ka,e!

Hindi ko maatim na tumingin sa kanila ng matagal kaya agad ko na ring iniiwas ang aking paningin sa direksyon nila.

"Bakit ka naman nagso-sorry?" Rinig kong tanong ni Ryle na tila ay natatawa pa.

"~eh. Kung hindi dahil sa akin, sana hindi ka nagkaganto. K-kung hindi ko na lang sana pinansin si Hanz. . ." Naiiyak na sagot ni Liah sa tanong ni Ryle.

Bago pa makapagsalita si Ryle, inunahan ko na ito. Sweetness overload na e. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong. . . Ah! Basta,aalis na ako!

"Uhm, excuse me, kailangan ko na yatang umalis. May klase pa kasi,e" Paalam ko dahilan para mapatigil at mapa-tingin sila sa akin saka tumango.

Nung una, nagdalawang isip pa ako kung saan pupunta pero sa huli, napagdesisyunan ko na lang na bumalik na sa room.

Pagkapasok ko naman sa room, bumungad sa akin ang mga kaklase kong mga nakatungo at nagsasagot sa papel. Mukhang may quiz kami ngayon. Paano 'yan, di ko alam ang lesson. Haaist!

"Oh? Miss Rivera? Kumusta na si Ryle?" Mahinang tanong ni Sir nang makalapit siya sa akin. Marahil, ayaw niyang istorbuhin ang mga kaklase kong nagq-quiz.

Oh, alam ba pala ni sir.

"Okay lang po siya, sir. Nadala na rin po siya sa clinic. Maya-maya lang po sir, baka po dumating na siya." Magalang na sagot ko.

"Okay. Good. You may now take your seat." Sabi ni sir. Di ko ba alam pero sa paraan niya ay nakakatakot dahil sa pagiging strikto ngunit simpleng mabait at maaalalahin.

Papunta na sana ako sa upuan ko ng kuhanin muli ng atensyon ko si Sir.

"Ay,wait. Miss Rivera, bukas ka na mag-take ng quiz,review-hin mo muna yung lesson 27 natin then bukas, before you go home, go to my office para makapag-take ka ng quiz. Make sure na binasa mo yung lesson 27. Also, same with Mr. Acuesta (Ryle), paki-inform na lang siya para bukas." Seryoso at maawtoridad na sabi ni sir.

"Ah, sure, sir." Sagot ko na lang.

Okay lang 'yan, atleast, di ako magte-take ngayon. Nice!

"By the way, you can go now miss Rivera." Sabi ni sir na nagpalaki ng mata ko. Wut?

"Sir? Uhmm, E-Early dismissal?" Di makapaniwalang tanong ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni sir at ng katabi ko.

"No, I mean, pinapapunta ka sa guidance office." What?!! Nak ng--!

Bumagsak ang mga balikat ko at tumango na lang. Ano pa bang magagawa ko? Guidance 'yun,e!

Matamlay akong tumayo, yung ibang mga kaklase ko ay nakatingin na sa akin pero karamihan, nakatungo pa rin at focus na focus sa paper.

_______

Hindi ako makapag-salita o maka-singit man lang, patuloy sa pagbabayangan ang dalawang lalaki na animo'y kaunti na lang at magpapatayan na sila.

"E, bakit mo kasi ginawa 'yun?!"-Ryle.

"Bakit ba nangingielam ka?! Away naman namin 'yon?!"-Gio na kaaway ko na rin.

"Eh kasi nga,sumosobra ka n-" hindi na ituloy ni Ryle ang sasabihin niya ng sitahin na sila ni Mr.Roo.

"Enough! Di man lang kayo nahiya. Nasa guidance office na kayo't nag-aaway pa kayo!" Sigaw ni Mr. Roo dala ng kairitahan. Sino ba naman ang hindi magagalit sa dalawang ito?.diba?

"Sorry po./sorry po." Sabay na pagso-sorry nila dahilan para mapatingin sila sa isa't isa at magsamaan ng tingin.

Umupo ako sa hilera ng upuan ni Ryle ngunit nag-leave ako ng isang seat sa pagitan namin.

Awkward kung tatabi ako kay Ryle at delikado naman kung tatabi ako sa kaaway.

Wala pang minuto ay nagbukas muli ang pintuan at iniluwa nito si Liah na naka-poker face.

Halos umangat naman ang lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko ng pumwesto si Liah sa pagitan namin ni Ryle.

Geez. Mukhang mali ang naging desisyon kong hindi tumabi kay Ryle. Ayoko ng ganito.

Napakagat na lang ako sa aking lower lip upang pigilan ang emosyong nararamdaman ko.

"Now, explain." Seryosong at maawtoridad na sabi ni Mr.Roo.

"Siya po yung nauna!/Siya po yung nauna!" Sabay na sabi nung dalawang lalaking kanina pa nagbabangayan na nakaturo pa sa isa't isa. Mas lalong tumalim ang titigan nila.

Natameme kaming dalawa ni Liah habang si Mr.Roo naman ay nakahawak na sa kanyang sentido. Di ko na ring maiwasang hindi umiling. Hays, grabe talaga ang tama nitong dalawa.

_______

Napagdesisyunan na ni Mr.Roo na parusahan na lamang kami dahil sa away na ginawa namin, lalo na nung dalawang lalaki.

Na-suspend kaming dalawa ni Liah ng tatlong araw kaya sa Monday na ang balik namin. Yung dalawa naman ay suspended din ng tatlong araw ngunit maglilinis din sila ng Rooms dahil sila talaga ang may pinakamalaking kasalanan.

Nadamay pa ako. Tsk!

Huminga ako ng malalim at kumuha pa ng lakas upang makausap si Ryle. Walang malisya, iniutos ni Sir sa akin na i-inform ko si Ryle para bukas.

"Uhm, pwede ba kita makausap?" Tanong ko.

Halos kailanganin ko na ang jacket sa lamig ng tingin niya. Kumirot ang puso ko sa nakikita kong reaksyon ng mukha niya.

"Ano yun?" Malamig na tanong niya.

Inilihis ko ang tingin ko sa kanya. Ayoko tignan ang panlalamig niya sa akin.

"Nag-quiz sila kanina kaya pinapasabi ni sir na bukas na tayo mag-quiz. I-reviewhin daw natin yung lesson 27." Tina-try kong maging seryoso sa harapan niya.

"Okay." Simpleng sagot niya.

Napa-tungo naman ako sa inasal niya. Wala ni isa sa amin ang gumagalaw ngunit hindi namin magawang magtitigan sa isa't isa.

"May kailangan ka pa?" Tanong ni Ryle.

Halos manhina ako sa panlalamig niya. Nagiging emosyonal na naman ako.

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya dahilan para mapatingin siya aa akin at mapatigil.

°•°•°•°•°•°•°•°•°(Closing)•°•°•°•°•°•°•°•°
MY's/H: "MINSAN, HINDI MO NA KAILANGAN PANG MAGSALITA. LUHA LANG,SAPAT NA PARA MAIBSAN ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN MO."

FEATURED SONGS(In the video) :
- Humph! by PENTAGON
- Color You by Chai ft. Sam Kim

VOTE ‖ COMMENT ‖ FOLLOW

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon