Ihahatid sana ako ni Ryle pero tumanggi ako. Hiyang-hiya naman ako sa broken hearted,ano?
Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin, naka-hinga ako ng maluwag ng hindi ko nakita si kuya.
Ayoko kasing makita niya ako ng ganito amg suot ko. Kung naalala niyo kasi, pinahiram ako ni Ryle ng t-shirt niya at hanggang ngayon ay hindi pa ako nagpapalit ng damit since masyadong mainit sa katawan ang blusa. Nagpunas lang ako ng pawis ko kanina.
Pero nag-enjoy talaga ako dun,ah! Hindi ko kasi inaasahan na makakapaglaro ako ng one v one, sa lalaki pa!
I felt relieved nang narating ko na ang kwarto ko. Hindi ako nakita ni kuyang iba ang suot na damit. Agad akong nagpalit ng damit.
Pagkatapos kong magpalit ng damit, bumaba ako at nakita ko yung isang katulong namin na nagluluto. Kakabalik lang niya galing probinsiya niya dahil nagkasakit ang nanay niya.
"Ate Tina, nasan po si kuya? Hindi pa po ba umuuwi?" Tanong ko.
"Hindi pa siya umuuwi pero pinapasabi niya sayo na may bibilhin lang daw siya para sa aso niyo." Sagot niya habang ang atensyon ay nasa pagluluto pa rin.
Tumango na lamang ako.
Sumitsit ako para tawagin si Roofy. Si Roofy ay yung tutang ibinigay nung babae... Kung naaalala niyo pa.
Tinuturuan ko pa lang si Roofy nang dumating si kuya, sinalubong naman kaagad iyon ni Roofy na nangunguna pa sa akin.
"Kakauwi mo lang din?" Tanong sa akin ni kuya habang hinihimas ang balahibo ni Roofy. Nabasa na niya siguro yung message ko sa kanya kanina bago ako maglaro ng basketball...
"Yep. Halos kakarating ko lang." Sagot ko kay kuya.
Nakita ko naman na napatango siya sa sagot ko.
Nagtaka na lamang ako nang tumunog ang phone ko, may nag-pm sa akin mula sa messenger.
Gayun na lang ang pagtataka ko ng makita ko ang pangalan ni Ryle.
From:Ryle Alvero
Hey, nakauwi ka
na ba?Hindi ko inaasahan na magme-mesaage siya sa akin para tanungin kung nakauwi na ako. Wow lang...
Bago ako magreply, pumunta muna ako sa kwarto ko para magkaroon ako kami ng privacy kahit through message lang ito. Baka mabasa ni kuya ang pinag-uusapan namin at asarin pa ako na baka manliligaw ko si Ryle. Ganun naman si kuya e. Siya pa ang nagpu-push sa akin na magboyfriend daw ako para mapaniwala siya na nakamove on na ako. -_-.
From:Maris Bernaldez
Yep. Kani-kanila
lang. Okay ka na ba?From:Ryle Alvero
Trying to be okay.From:Maris Bernaldez
Hayaan mo na yun.
Ang hirap kasi sa atin,
Masyado tayong
nabubulag pagdating
sa love.Kunwaring
wala lang pero sa
loob-loob natin,
sobra na. Hindi na
natin nagagawang
magsalita dahil
ayaw nating
magkaroon pa ng
mas malaking issue
pero sa loob mo,
sumisigaw ka na.From:Ryle Alvero
Yeah, tama ka.
Kahit alam ko na
may iba siyang
napupusuan,
nagbubulag-bulagan
lang ako... mahal ko e.From:Maris Bernaldez
Pero ngayon,
mabuti na ring
ma-realize mo na
hindi talaga kayo
para sa isa't isa.
Maybe, tama nga sila,
pinagtagpo pero hindi
itinadhana.
Alam kong naghiwalay
kayo nang may reason.

BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romansa(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...