At the end of the day, pasasalamatan talaga kita.
Halos hindi ako nakatulog sa nabasa ko kagabi. Kung ano anong emosyon ang naramdaman ko matapos basahin iyon.
You can't reply to this conversation. Learn more.
Naka-blocked na ako kay Ryle! Jusko, salamat talaga, Jerome! *Note the sarcasm*.
Tila nang-aasar pa ang araw ko ngayon. Puyat na nga't lahat. Sermon pa ni Kuya ang naging umagahan ko, idagdag pa rito nang makita ko sa pinto namin si Jerome.
"Bakit ka nandito?" Iritadong tanong ko. Wala ng good morning sa taong puyat!
Napaawang ang bibig niyabsa inasta ko. Hindi ko na lang iyon pinansin.
"Sabay na tayo pumasok." Naka-ngiti pa niyang tugon.
Ang ganda ng ngiti niya. Halatang hindi alam na mas pinalala niya ang sitwasyon. I-block ba naman ako ni Ryle?!
Lumabas na ako ng pinto at sinabayan si Jerome sa paglalakad, ngunit bago iuon ay nagpaalam pa aoo kay Kuya, itong si Jerome naman ay todo ang pagtago kay kuya. Alam niyang ayaw na ni Kuya sa kanya. Galit rin si Kuya kay Jerome at kahit papaano naman ay may takot ito kay kuya.
Hindi ko maiwasang sisihin si Jerome. Siguro ay dahil na rin noong nakita ko si Ryle kahapon. Naisip ko na baka mas nilayuan at iniwasan niya ako dahil sa plano ni Jerome.
"Kasalanan mo 'to eh." Bulong ko habang nanlilisik ang mga mata kay Jerome. Halata ang gulat sa mga mata niya. Nase-sense ko rin ang takot niya.
"O-oh? Anong ginawa ko sayo?" Clueless niyang pagtanong.
"Hindi nga kasi effective yung plano mo!" Sabi ko. Nagpapa-padyak pa ang mga paa ko, mukha akong batang nagta-tantrums.
"Effective yun. Promise!" Natutuwang sabi niya. Mas lalong nangunot ang noo ko.
Kinuha ko sa bag yung phone ko at ipinakita sa kanya yung screenshot na proof na binlock ako ni Ryle. Naka-blurred pa yung huling chats namin.
"Heto. . . So ano yung sinasabi mong effective? Bakit niya ko binlock!!" Nagta-tantrums na sabi ko. Ngumangawa na ako hanggang sa makasakay kami ng tricycle.
"Huh? B-bakit-- I mean, malay mo, napindot lang?" Hindi makapaniwalang tugon niya, tila nilulusutan ang kanyang kapalpakan ng kanyang 'plano'.
"Seryoso ka? Bakit namang mapipindot yun? Sa dami ng buttons, yun pa ang mapipindot?" Nakataas ang kilay ko, nagtataray. Umiling-iling na lang ako lalo na noong wala na siyang masabi.
Hindi na kami umimik habang nasa tricycle kami. Naging tahimik ang byahe namin papuntang school.
_______
Naglalakad kami papuntang room ni Jerome nang makasalubong namin si Ryle, nakasama si Liah. Mukha kaming ewan na nagkakatitigan. Si Liah ay nakatungo lamang, tila iniiwasan ang eye contact. Kitang kita ko rin ang pagtiim ng bagang ni Ryle lalo na't nakita niya kaming magkasama ni Jerome.
Napakagat ako ng labi habang pinagmamasdan siya. Sandali kaming nagkatitigan at sa sandaling iyon, tila nawawalan ako ng hangin. Ang bigat sa pakiramdam.
"Excuse us."
Iyan lamang ang salitang nanggaling sa kanya, malayong malayo sa inaasahan kong sasabihin niya. Ang lamig pa ng tono ng pananalita niya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Ryle. Marahan nitong kinuha ang kamay ni Liah. Na-sense kong lahat kami ay nagulat sa ginawa ni Ryle, kahit si Liah. Narinig kong mahinang napa-mura si Jerome.

BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...