Nagkulong ako magdamag sa kwarto ko at hindi na inintindi ang mga bisita namin. Bumisita kasi sa amin yung mga kaklase dati ni kuya na naging kaibigan ko rin naman yung iba.
Ginamit ko ang oras na ito para makapag-isa. Para makapag-isip isip kung ano ang gagawin.
Hanggang sa hindi ko na lang din namalayan na nakatulog ako ng hindi pa nalalaman kung ano ang tamang desisyon ko. Kung ano ang gagawin ko sa oras na magkita ulit kami ni Ryle.
Nagising na lang ako sa isang yakap.
Pamilyar sa akin ang yakap na ito kaya hindi na ako nagwala pa. Na-miss ko ito.
Kahit ni minsan, ang nagmamay-ari nitong mga brasong ito ay nakapunta na sa nga mahahalagang events sa buhay ko.
Hinarap ko ang taong nasa likuran ko.
Si mama. . .
Nakangiti niya akong sinalubong.
"Mama. . . Na-miss ko kayo" pa-pungas-pungas ko pang sabi.
"Na-miss rin kita, bunso. Kumusta ka na?" Tanong ni mama habang nakayakap pa rin sa akin.
Napa-ngiti na lang ako ng tipid.
Ano na lang ba ang sasabihin ko? Na okay ako kahit ang totoo ay gulong-gulo na ako?
"'Nak, gala tayo? Sobrang na-miss ko na kasi talaga ang bunso ko." Anyaya ni mama.
"Sure,Ma. Gusto ko pong balikan yung lugar na lagi nating pinupuntahan pag malungkot tayo. Yung lugar na kung saan ay alam na ang mga pinagdaanan nating heartbreak." Madamdaming sabi ko. Hindi ako umiiyak. Ngunit malungkot ako.
In fact, I should be happy, kasi nandito na ulit si Mama.
Pero hindi ko pa ring maiwasang malungkot sa isiping hindi pa ako handa dahil hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang magmahal dahil ayoko pang masaktan ulit.
Halata sa mukha ni mama na ang pagtataka ngunit hindi na niya inatupag pa'ng magtanong.
Matapos ang maikling pagkukumustahan, bumaba na kami para pagsalu-saluhan ang breakfast.
Nang makita ko si papa ay sinalubong ko ito agad ng yakap. Kahit papaano ay masaya ako ngayon dahil sa wakas, sa tagal ng paghihintay, magtatagpo ulit kami. Magkakasama, kakain sa hapag.
Kasabay na rin namin kumain si ate Tina na s'ya pa lang katulong ni mommy kanina sa pagluluto ng agahan.
"Renzo, kailan mo ba ipapakilala sa amin yung girlfriend mo? Lagi mo siyang kinukwento pero hindi mo naman ipinapakilala ng personal." Ani ni papa kay kuya.
"Anytime,pa. Kahit kailan niyo gusto at kapag ready na siya." Laking ngiting sagot ni kuya
"Ganun? Sana naman ay ma-meet na namin siya bago kami umalis ulit. Matagal-tagal ulit bago kami bumalik ng pilipinas pag nagkataon." Sabi ni papa.
Nanatili naman akong tahimik at wala akong balak na magsalita pa unless ay tanungin nila ako.
"Eh, ikaw, Maris? May boyfriend ka na?" Gaya ng inaasahan, tinanong nga ako ni papa.
"Wala po." Nananamlay man, ngunit ayokong ipahalata.
"Manliligaw?"tanong ulit ni papa.
"wala po."sagot ko.
"Maris, baka naman hindi ka pa nakaka-move on sa dati?! Naku, sinasabi ko sayo, hadlang lang 'yan." Pag-iintriga ni mama
"Moved on na po ako. Ganun naman po talaga dapat, di'ba? Dahil paano ka aangat kung lagi kang nakatingin sa nakakasama sa'yo? Tsaka matagal na rin po 'yun, kailangan ng kalimutan dahil wala na rin namang saysay." Matabang kong paghuhugot.
BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Roman d'amour(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...
