(CHAPTER : 5)

64 45 16
                                    

*DISMISSAL *

Kahit na tumigil na ang luha ko. Hindi pa rin nawawala ang bigat ng loob ko.

Malalim na pagpapakawala ng hininga ang ginawa ko para pakalmahin ang bigat ng loob ko kahit papaano.

Medyo napatalon na lang ako ng may biglang sumulpot sa tabi kong upuan.

Syempre, hindi na unexpected yun sa akin dahil isa lang naman ang mababalak na tumabi sa akin kundi si Ryle.

Naka-yuko siya sa table. Mukha siyang tinalikuran ng mundo at pasan-pasan niya ang lahat ng problema sa mundo.

"Wala na kami." Emosyonal na sabi niya.

Nagulat man ako pero napa-ngisi ako sa kadahilanang may napatunayan na naman ako tungkol sa pag-ibig.

"Lahat naman kasi ay may katapusan." Bitter kong sabi.

"Naranasan mo na 'to diba? Madali bang mag move on? Shet! Ang sakit pala." Sabi ni Ryle.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ko at biglang lumungkot ang mata ko.

"To answer all your questions, Oo, naranasan ko na, kaya nga ako ganto ngayon e. Kung mahal at minahal mo talaga, mahirap talagang mag-move on. And yes, masakit talaga ang ma-broken hearted. Kaya nga, I don't need a lover, as long as I live hindi ako magmamahal. Well, mamahalin ko lang ang sarili ko dahil alam kong hinding-hindi ako kayang saktan ng sarili ko kung ito lang ang mamahalin ko. May tiwala ako sa puso ko." Sabi ko.

"Moved on ka na ba?" Tanong niya na ikinabigla ko.

Hindi ako maka-sagot at alam kong hinihintay niya ang sagot ko. Nang walang narinig na salita mula sa akin ay napa-tingin naman siya sa aking gawi dahilan para makita ko ang mata niyang pulang-pula na sa kakaiyak.

"A-uhm... s-syempre! Moved on na ako!" Mapag-kunwaring sagot ko. Nauutal pa ako sa pinagsasasabi ko.

To tell you honestly, Hindi ko pa alam kung move on na ako.

"Kung move on ka na, bakit ang bitter mo pa rin?" Tanong na naman niya.

"Syempre, nasaktan ako e. May pinagdaanan ako, sigurong sapat na dahilan na 'yun para maging ganito ako." Sagot ko naman.

Silence...

Katahimikan ang namutawi sa aming paligid.

Kami na lang ang tao sa room dahil uwian na.

"Ayoko ng magmahal... nakakasakit e. Sa una ka lang papasayahin pero sa huli, doble naman ang sakit" sabi ko sa gitna ng katahimikan namin.

Wala pa rin siyang sinabi at nanatiling tahimik. Bumuntong-hininga na lamang ako.

"Nagsisisi nga ako kung bakit ko siya minahal... sana, hindi ko na lang siya nakilala..."  bitter ko na namang sabi.

"Basta ako, hindi ko pinagsisihan na nasaktan ako... na nakilala ko siya." Sabi niya.

Aba! Ang tibay nito ah! Broken hearted na nga, ganun pa ang mga sinasabi niya.

"Hmm? Bakit naman? Yan ang problema sa inyo e. Sinaktan ka na nga, pinagtatanggol mo pa..." bitter kong sabi kay Ryle.

"Syempre... hindi naman basta-basta mawawala ang pagmamahal sa isang iglap. Sabihin mo man na gusto mo nang tigilan ang nararamdaman mo, hindi mo magagawa dahil mahirap diktahan ang puso." Sagot niya sa akin.

Tumingin siya sa mga mata ko at seryosong-seryoso niya itong sinabi.

Napa-ngiwi naman ako dahil sa sagot niya.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon