(CHAPTER : 10)

56 36 9
                                        

"Uuwi na agad tayo?" Nanghihinayang na tanong ko.

"Yup! Bakit,ayaw mo pa ba?" Tanong niya.

Sa totoo lang, ayoko pang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama. Hindi ko nga alam kung bakit, hindi pa rin tumitigil ang lakas ng tibok ng puso ko ngayong kasama ko siya pero ayoko pang umalis. Kahit natataranta na ng puso ko,kahit hindi ako napakali,kahit hindi ako kumportable, gusto ko pa ring manatili sa tabi niya.

"Ayaw ko pa sana pero gabi na." Sagot ko sa kanya.

"Sabagay. Ihahatid na kita." Pag-anyaya niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa-ngiti. Gosh! Anu ba ang nangyayari sa akin ngayon? Pamilyar itong feeling na 'to pero hindi ko pa rin ma-explain!

Mas lalo ding bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong sumingkit ang kanyang mga mata dahil sa pag-ngiti.

Wait,wait,wait. . . Don't tell me-- kinikilig ako? No! No! No!

"H-hindi na. Thank you." Pagtanggi ko.

"No. I insists. Ikaw naman, nakakababa ka ng pride. Ako ang lalaki dito kaya natural lang na ihatid ko ang babae."napapakamot sa ulong sabi niya.

"Seriously? I understand na pride ang higut na importante sa mga lalaki pero Ryle, okay lang talaga ako." Pagtanggi ko uli.

Nanatili siyang nagkakamot sa batok at hindi nagsalita.

Tatalikod na ako ng magulat ako dahil sa biglaan niyang paghablot sa aking pulsuhan.

Sa sobrang higpit at lakas ng pagkakahila niya sa kamay ko ay napayakap ako sa kanyang dibdib. Gayun din naman siya na nakahawak ang isang kamay sa aking bewang at ang isang kamah ay sa aking likod. Nakayakap siya sa akin. Nakayuko din siya na para bang nilalanghap ang aking amoy.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginig ang mga tuhod ko. Kusang pumikit ang mga mata ko.

Hindi ko nga alam kung akin ba o sa kanya ang naririnig kong heartbeat. Nakakataranta pero ang saya sa pakiramdam.

"R-ryle. . . "Sabi ko. Halos malagutan ako ng hininga habang sinasabi ko iyon.

"Huguterabg bitter. . . Ang lakas ng tibok ng puso ko." Nakakahumaling at nakakabaliw na bulong niya sa aking tainga.

Nagulat ako sa sinabi niya pero nagpanggap pa rin ako na walang narinig ay binaliwala ko na lang iyon.

"Huguterang bitter,Sure ka na ba na hindi ka magpapahatid?" Dismayadong tanong niya.

"Yeah." Simpleng sagot ko habang tumatango.

"Sayang,gusto pa kitang makasama. Gusto ko pang makausap ang kuya mo." Sabi niya.

Marahan na niyang binitawan ako at humiwalay na sa aming pagyayakapan.

"Si kuya? Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala. May ipagpapaalam lang ako." Nangingiting sagot niya.

"Huh? Anu naman yun? Sabihin mo na, ako na ang magpapaalam para sayo." Sabi ko.

"Wala. . . Usapang lalaki lang." Nakangiting sabi niya.

"Okay. Bye!" Pagpaalam ko.

Bago pa ako makagalaw sa ibang dikesyon ay napatigil na naman ako ng muli siyang lumapit sa akin.

Ngunit mas napatigil ako ng halikan niya ako sa noo.

T-totoo ba ang mga nangyayari ngayon? Ang puso ko. . . Sasabog na.

Slow motion. Parang nag-slow motion ang lahat sa simpleng gesture niya na iyon. Hindi ko maiwasang mapatulala. Ngayon lang na may lalaking humalik sa aking noo.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon