(CHAPTER : 20)

41 26 10
                                    

"I'm sorry."

"For what? Bakit ka nagso-sorry?" Walang buhay ang mata niya. Ayoko ng ganito.

"Hindi ko na dapat sinabi yun." Naka-tungong sabi ko.

"Look,ayoko munang pag-usapan 'yan. Sa tingin ko, kailangan mo pa ng 'space'."pinagdiinan niya sa harapan ko ang salitang 'space'.

Kusa na lamang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.

Walang pasabi, tumalikod na siya at iniwanan akong mag-isa.

Ang sakit. Nakita niya akong umiyak ngunit parang wala lang sa kanya.

Please. . . Wag ka na namang ganyan ohh.

Ngayon, naiintindihan ko na rin siya kahit papaano.

Haays. Napaka-stupid ko!

"Maris!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses.

Halos mapatalon ako sa gulat at nang mapagtanto kong si Jerome pala iyon ay agad kong pinunasan ang luha ko.

Agad rin akong ngumiti at mahinang tumawa, sa ganong paraan, hindi ko maipapakita ang 'weak' side ko.

Napawi ang ngiti niya ng maramdaman ang peke kong ngiti.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

Walang pasabi, niyakap ko siya ng mahigpit.

Mula dito, hanggang sa malayo, ang distansiya namin ni Ryle ay tanaw ko pa rin.

Natigilan na lang ako ng lumingon siya sa akin. Mas kumunot ang kanyang kilay at mamula-mula na siya.

Bumitaw ako ng yakap kay Jerome.

Naramdaman ko ang kamay niyang kumapit sa akin ng pagkahigpit-higpit dahilan para malipat ang tingin ko sa kanya.

"Halika. . . May pupuntahan tayo. " anyaya niya na ipinagtaka ko.

"Saan naman?" Tanong ko.

Nagulat ako ng takpan niya gamit ang isa pang kamay niya ang aking bibig.

"Hushh, don't ask. Basta." Sabi niya aa akin. Mas lalo naman akong nagtaka.

Tumakbo siya dala ang kamay ko.

"Teka-- may klase pa tayo!" Sabi ko habang hinahabol ang aking paghinga dahil sa pagtakbo namin.

"Oo nga."sumibol ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

"Teka, teka nga! May asthma nga ako diba!" Pagpipigil ko sa kanya..

Nang-ma realize iyon, napatigil siya at nagpaumanhin saka muling nagpatuloy.

"Okay,fine. Sorry." Malumanay niyang sabi.

_______

"Seryoso? Bakit dito?" Mahina akong napatawa habang sinasabi iyon.

"Favorite mo yung ice cream, diba? Strawberry flavor pa nga tas nasa cup. Ayaw mo ng nasa cone kasi mas gusto mo yung ice cream." Nakangiting sabi niya.

Napangiti rin ako habang namamangha dahil naalala niya pa yung mga favorites ko. Dati, kapag may tampuhan kami, ice cream ang ginagawa nyang comfort food para sa akin.

"Naalala mo pa pala yun." Sabi ko.

"of course! Lahat ng moments na kasama ka, hinding hindi ko makakalimutan?" Natatawang sabi niya.

"Talaga lang ahh." natatawa na ring sambit ko.

"Oo! Sige, try me. Ask questions and I'll answer it." Sagot niya na tila ay proud na proud pa.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon