Isang linggo na rin siguro nung huli kaming mag-usap ni Ryle.
Isang linggo na rin ang lumipas ng nag-iiwasan kaming dalawa.
As in, walang text, walang tawag, at mas lalong walang personal conversations.
Panibagong araw na naman para sa school. Nakakatamad. Nakakawalang gana lalo na kung maiisip mo na ang taong mahalaga sayo ay hindi mo makausap.
"Ma, bye. Alis na po ako." Matamlay na pagpaalam ko.
"Hey! Cheer up! Lunes na lunes ganyan ka umakto. Hay naku! Wag mo simulan ang araw ng ganyan!" Paninita sa akin ni mommy.
Pasimple akong nag-mock sa sinabi niya ng may pangit na mukha.
"Hoy, Maris! Nakikita kita!" Sigaw ni mama dahilan para manlamig ako at tumakbo sa labas.
_______
Malapit na ako sa room ng madatnan ko ang nakatalikod na lalaki sa harap ng classroom namin, nakapatong pa ang kanyang kaliwang siko sa pinto ng room upang suportahan ang kanyang balanse. Pamilyar ang hubog ng kanyang likod at nang lumapit pa ako napansin kong hindi lang siya ang nandoon, may kasama itong babae pero ang worst, nang makilala ko na ang lalaki, Si Ryle pala!!!
Kung ano-ano na ang pumasok sa aking isip!
Sino ba yang babaeng yan?
Ano ginagawa nila? Nag-uusap? Naglalandian?
Bakit pa may pahawak-hawak pa yung babae sa balikat ni Ryle?
Bakit sila nandyan?
I think, makakapatay ako ngayon ng mukhang palaka. Kung makahawak!
"Excuse me, may dadaan na magandang bitter." Pagpapapansin ko at saka dumaan sa gitna nilang dalawa dahilan para mapabitaw ang babae kay Ryle.
Nakita kong umirap yung babae, si Ryle naman ay parang wala lang.
_______
Sa loob ng isang araw, ilang beses ko ring nakita si Ryle kasama ang babaeng 'yun.
Naiinis ako. Nakakainis! Hanggang ngayo'y kumakain na ako ay iniisip ko pa rin kung sino ba yung kasama niya.
Ang akala ko ba time and space lang?
May kapalit na ba ako agad?
O baka naman. . . Hindi niya talaga ako mahal?
Nakapila na ako sa canteen para makabili ng pagkain ko. May pagkamahaba ang pila pero mas nakakairita yung mga sumisingit.
Nagulat na lang ako ng may tumulak sa akin. Alam kong hindi sadya yun pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ko ang taong nakatulak sa akin.
Gayun na lang din ang panlalaki ng mga mata ko ng makilala ang taong 'yun. Features pa lang ng kanyang likod ay kilalang kilala ko na.
Ryle. . .
Gusto ko syang yakapin dahil sobrang namimiss ko na siya pero naalala ko, hindi nga pala maganda ang relasyon namin ngayon.
Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Bigla na lamang siyang humarap at halos magdikit na ang tip ng ilong namin.
Sa paraan niya ng pagtitig sa sandaling iyon ay damang-dama ko. Naroon pa rin ang makapagdamdamin niyang tingin.
Bigla-bigla, nagulat na lang ako sa sunod na nangyari.
May kung sino ang hindi sadyang tumulak sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse at dahilan para. . . Madikit ang labi ko sa gilid ng labi ni Ryle.

BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...