"Hindi ko alam ngunit
ang lahat ay nagbago sa isang iglap,
Ang hindi dapat ay hindi sadyang nagawa.Naging manhid, lahat ikinakaya para hindi magkulang.
Nagmahal ng lubos kahit sa simula pa lang ay ubos na ubos na ako.
Patuloy na kumakapit kahit unting-unti na lang, bibitaw ka na.Ilang luha ang nasayang dahil labis na nasaktan.
Ang makulay na mundo ay bigla na lang nagunaw.
Ang ngiti sa labi ay bigla na lang naglaho.
Ang dating ako ay bigla na lang nagbago.Sa sobrang sakit, wala ng nagawa kundi ang bumitaw.
Hinayaan kita, maging masaya ka. . . Kahit sobrang sakit na.
Hindi na makilala ang sarili. Lahat ay nagbago. Ikaw ay nagbago. Tayo ay nagbago. Ako ay nagbago na rin.
Hindi ka pa rin makalimutan kay apatuloy pa ring namumuhay sa sakit.
Ang sakit. Ang sakit pa rin pala.
Sa hindi inaasahan, dadating ang taong magbabalik sa akin.
Ang magbabalik sa nakalimutang kong 'ako.
Hindi namamalayan, unti-unti ng nagbabalik ang ngiti sa labi.
Hindi namalayan, ako'y nakalimot na pala sa sakit.
Hindi namalayan, ako'y nagmamahal na ulit.
Hindi namalayan, nakalimutan na pala kita.
Basta,
Mahal. Minahal kita ngunit hindi na kita kailan mang mamahaling ulit gaya ng nakaraan.
Dahil nangako na ako sa kahapong nagdaan. Kung ako'y magmamahal muli, isusumpa ko'y hindi ikaw.
Dahil sapat nang masaktan ng parehong tao.
Dahil masabi ko rin sayo, hindi ako matalino ngunit natututo ako pag nasaktan ako."Nagko-compose ako ng spoken poetry at kasalukuyan akong nasa park ulit. Nakakamangha na kasabay ng pagsusulat, ay kusang lumalabas ang bawat salita.
Napapangiti na lang ako habang nagko-compose. Gawain ko na talaga 'to mula ng mahilig ako sa pagsusulat ng mga kwento.
Kaya lang, nung minsan ng nabasa ni kuya ang mga sinusulat kong short story nung bata pa ako ay sinabihan niya akong ang bibitter ng mga sinusulat ko kaya walang magbabasa nito.
Lahat naman kasi siguro ay mahilig sa happy ending diba? Ngunit paalala ko lang sa inyo, hindi lahat ay nagkakaroon ng happy ending. Para saan pa ang luha mo nung nabasa mo yung ending ng tragic stories kung ang lahat ay may happy ending? See? Hindi lahat ay nagtatapos sa happy ending.
Hindi porque masaya ka na, happy ending na. Kumbaga, na sa thrilling part o kilig moments pa kayo. Palibhasa'y wala pa sa katapusan, tinatapos mo na agad. (Hugot yown!)
"Naks, galing ah. Inspired ka ba?" Nakakagulat na tanong ni Ryle mula sa likod ko.
Hindi ko namalayan na nakikinig pala siya.
Niyaya niya kasi ulit ako na pumunta sa park ng biglaan kaninang umaga.
Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong mas naiilang ako kay Ryle. Hindi ako masyadong komportablesa tabi niya. Ngunit masaya ako pag nandyan siya.
Ano nga ba itong nararamdaman ko?
Naguguluhan na ako.
Natatakot akong masaktan ulit. Hindi naman kasi ako mangmang para hindi ako maging pamilyar sa mga ganitong sitwasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/170034704-288-k86882.jpg)
BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...