"Nakakainis ka naman eh!"
Pag-singhal ko sa kanya, mas lalo pang kumulo ang dugo ko nang marinig ko pa siyang tumawa.
Inambaan ko siya ng palo, at todo iwas naman siya, nakuha niya pang magsumbong sa mama niya.
"Ma oh! Nakita mo 'yun, ma?" Pagsusumbong niya. Tila dinapuan ako ng hiya, nang tignan ko si Tita Rosy, nakita kong sumilay ang munting ngiti.
Ngunit ang sunod niyang ginawa ay ang nagpagulat rin sa amin, pinalo ni Tita Rosy si Ryle kung kaya't napadaing ito.
"Nakakainis ka kasi, pinapakaba mo kami!" Hindi ko matinigan kung galit o nagbibiro ba si Tita Rosy sa pagkakasabi niyon.
Napahinga ako ng malalim habang iniisip ang nangyari kanina.
"Call doctor Ivañes! He need to see this patient!" Pag-utos ng head nurse habang chine-check ang vitals ni Ryle. Hindi ko masyado makita ang nangyayari,
Pero sana, okay ka lang . . .
Ilang sandali lang ay dumating na ang doctor, na wari ko'y si Dr. Ivañes. Kusang humawi ang mga nurse na pinalilibutan si Ryle upang bigyan ng daan ang doktor.
"Mr. Ryle, if you can hear me, could you press my hand?. . . I see, the patient is responding."
Kung ano-ano pang test ang ginawa sa kanya. Nabuhayan kaagad ako ng loob ng masilayan ko siyang nakabukas na ang mga mata.
Gising na siya. . . Gising na si Ryle!
"Maiwan ko na muna kayo, ahh. I'll call your dad and your kuya." Nakangiting paalam ni Tita Rosy. Pasimple pa siyang kumindat kay Ryle na animo'y hindi ko ito mapapansin.
Nang marinig naming tumigil ang tunog ng footsteps ni Tita Rosy ay tila bumalik kami sa dati--noong panahon na okay kami.
Medyo nanghihina man ang katawan niya ay pinilit niya pa ring umupo. Ilang segundo niya pa akong pinagmasdan bago magsalita.
"Sorry."
Napangiti pa ako nang sabay kaming nagsabi niyon. Walang segundo ang isinayang ko at kaagad ko na siyang niyakap ng mahigpit. Mas lumaki ang ngiti ko nang maramdaman ko rin ang pagyakap niya.
"Hindi mo kailangang mag-sorry. Ako rin yung may mali, masyado akong naging matigas to the point na sobra na pala kitang sinasaktan." Sabi ni Ryle nang hindi pa pinuputol ang yakapan naming dalawa. Mas ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
Hindi niyo lang alam, kung gaano ako na-relief ngayon. Sobrang saya dahil una, okay na si Ryle at pangalawa, okay na rin kami.
"Pareho naman tayong nagkamali eh. Hindi ka naman kasi magkakaganyan kung walang dahilan, diba? Naiintindihan naman kita, kung hindi sana ako pinangunahan ng takot ko, hindi tayo aabot sa point na 'to diba?" Mahinang sabi ko saka bumitiw na sa yakap naming dalawa.
Napahinga siya ng malalim, hindi man lang niya ako iniwasan ng tingin. Medyo nakakapanibago dahil matagal rin kaming nag-iwasang dalawa, pero sobrang gaan sa loob.
"Na-miss kita." Nakangiting saad niya. Syempre, kinilig ang lola niyo. . . Marupok 'to eh.
"Na-miss rin kita." Kinikilig na sabi ko. "Alam mo ba. . ." Pabitin kong sambit.
"Ano?"
"Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo o ano. Hinabol mo nga ako, pero tingnan mo naman ang nangyari sayo ngayon." Inaamin ko, medyo naggi-guilty pa rin ako sa nangyari.

BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Storie d'amore(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...