(CHAPTER : 23)

38 23 11
                                    

"Pwede ka bang makausap?"

Iyan ang mga salitang narinig ko, dahilan para mapatigil ako sa pagkain. Nang tinignan ko ang pinagmulan ng boses, nakita kong si Liah pala ito. Ako lang ang mag-isang kumakain sa canteen dahil extended ang klase ni Jerome ngayon. Nakasalubong ko pa siya kanina malapit sa restroom, badtrip na badtrip siya dahil ani niya, nagugutom na raw siya tas nagpa-extend pa ang teacher nila ngayon.

Tumango ako bilang pagsagot. Matapos nito, umupo siya sa upuang kaharap ko. Ipinatong niya ang dalawang siko niya sa lamesa saka ipinagdikit ang dalawang palad niya.

"About saan ba?" Tanong ko. Tinigilan ko ang pagkain at saka tinignan siya. Poker face lang ang naging reaksyon ko.

"About kay. . .Ryle." kagat-labi niyang tugon. Napahinga ako ng malalim. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan.

Ang ganda niya. Asan ang hustisya? Bakit parang mas maganda pa siya kaysa sakin?

Charr, the best itong mukha ko. ;)

"A-anong meron?" Tanong ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ano.

"Sa totoo lang, wala talaga akong alam tungkol sa inyong dalawa. Ang laki na ng utang na loob ko kay Ryle simula nang ipagtanggol niya ako kay Gio--." Tugon niya ngunit pinutol ko ang sasabihin niya. Ang dami pang satsat.

Gulat man, napapahawi siya ng buhok niya dahil ang natural na kulot ng buhok niya ay minsang sumasagi sa mukha niya. Pasimple akong umirap.

"Be straight to the point. May gusto ka kay Ryle,ano?" Nagtatakang pagtatanong ko, hindi ko pinahalatang nagmamaldita ako.

Nanlaki bigla ang mga mata niya, tila mas nagulat sa pagiging taklesa ko. Nag-wave siya ng kamay niya habang paulit ulit na umiiling.

"Hindi--Hindi! W-wala akong gusto sa kanya!" Pagtanggi niya, hindi pa nakaka-recover sa pagkabigla sa sinabi ko kanina.

Wala raw. . . Sino ba kasing babae ang makaka-resist sa lalaking 'yun?

Kahit nga ako na, ehem-- dating huguterang bitter, nahulog rin sa kanya.

"So, ano ang sadya mo?" Pagtatanong kong muli. Rude na kung sasabihin, pero wala talaga ako sa mood.

"I--I want to help the two of you." Tugon niya. Hindi ko alam kung ano ang uunahin sa emosyon ko.

Ang inggit, kasi ang ganda niya mag-english! Spokening dollars ang peg niya!

Ang pride, kasi kahit gustong-gusto kong makapag-usap na kami ni Ryle ng maayos, pero sa isiping, mas malapit pa rin sila, ang hirap ibaba ng pride ko. Lalo na't dati ko na rin siyang pinagselosan.

Ang pagiging hopeful, kasi finally! Sa sinabi niya, magkakaroon ako ng chance para linawin ang lahat para kay Ryle.

At huli, ang pagtataka, bakit niya ako tutulungan? Hmm?

"Tulong?" Pagtatanong ko.

Tumango siya at bahagyang ngumiti.

"I can be the way para magkaayos ulit kayo." May pagka-conyo namang tugon niya.

"Bakit mo naman gagawin 'yun?" Pagtatanong ko ulit. Agarang nawala ang pagkairita sa damdamin ko mula kanina, bagkus ay tila naging interesado pa ako sa usaping ito.

"Uhmm, I don't know either. Siguro, para makabawi man lang kay Ryle?" Tugon niya, halatang hindi rin sigurado sa isasagot.

"Hmmm, eh paano mo naman kami matutulungan?" Pagtatanong kong muli.

Mula sa maamo niyang mukha, sumibol ang maliit na pag-ngisi. Hindi siya nagmukhang astig, bagkus ay nagmukha pa siyang cute lalo na noong tumaas ang dalawa niyang kilay.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon