(CHAPTER : 17)

42 31 8
                                    


Hindi ako nakapag salita agad. Really? Ga'nun ba talaga ako ka-obvious?

"See? Silence means yes. Hindi ka nga okay." Sabi pa niya habang napapailing-iling pa.

Pansin ko lang. . .

Bakit ba problema ko lagi pinag-uusapan niyo?

"Haays. Ano bang problema mo? May sari-sarili na tayong mundo hindi tulad ng dati, may sarili kang problema kaya yun na lang ang problemahin mo." Masungit kong sabi kay Jerome.

Alam kong nagulat siya pero sorry na lang dahil wala ako sa mood.

"Ano pa ba ang ginagawa ko? Kaya nga ako nandito e, dahil ikaw ang problema ko." Nang maka-recover siya sa gulat ay naging seryoso naman siya sa pagkakabigkas ng bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ngayon.

"What do you mean? Ako? Paano naging ako? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, nadamay pa ako dyan?" Puno ng pagtataka kong tanong but I'm still trying to sound sarcastic.

Napailing naman siya.

"Sa tingin mo ba, tapos na tayo? Ni wala nga'ng nanyaring 'break-up' sa atin e, and nandito ako to talk about our past and make it clear for the both of us." Sabi ni Jerome.

Wala pa pala kaming break up. . .

Does that mean na kami
pa rin na. . .naglolokohan lang?

"So, this conversation. . . It maybe the end of ours or a start of a new chapter between us?" Wala sa sariling sabi ko ng ma-realize kung para saan nga ba ang pag-uusapan naming ito.

Well, this topic is kinda sensitive. No, I mean sensitive pala talaga ito. Ofcourse, it's our harsh past!

Ayan, napa-English na naman ako.

"Yes? Parang ganon na nga. . ." Medyo alinlangan ang pagkakasabi niya base sa tono ng kanyang pananalita. "Wait, is that. . .uhm, sino nga ba 'yun?" Nanlalaki ang mga mata niya habang nakaturo sa kung saan.

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng hintuturo niya.

"Si Ryle." Pagtatama ko sa pangalang hindi niya masabi.

"Oh, 'yun. Nakuha mo."tatango-tango niyang sabi.

Pinagmasdan ko si Ryle na naglalakad patungo sa kabilang side. Malayo ang distansya namin pero magkaharap lang kami, nasa magkabilang side kami ng court.

Hindi ko rin maiwasang magtaka, it is very unusual na makita ko siya dito dahil ayaw niya sa basketball court specially, sa court ng school na 'to, kesyo, mayayabang daw yung mga players at naiirita kuno siya sa mga babaeng halos mag-drool na sa mga players ng basketbball. Sa pagkakaalam ko rin ay minsan na siyang may nakaaway dito noon na babae at player base sa kwento niya noon.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin. Pansin kong nakatingin pa rin si Jerome sa akin mula sa gilid ng mata ko kasi ay nakikita ko siya.

Habang ako, hindi ko maiwasang hindi tignan si Ryle. Nakita kong magtina-tawagan siya sa phone niya.

Hindi na ako magtataka kung yung babaeng kasama niya lagi ay yung tinatawagan niya.

Maharot pa naman yan.

"Sorry. Sorry kung isa ako sa dahilan kung bakit ka nasaktan." Nakatungi at malumanay niyang sabi dahilan para mapa-tingin ako sa kanya.

"Minahal kasi kita ng sobra kaya ako ang labis na nasaktan."sabi ko na oarang nirmal lang ang pinag-uusapan namin.

"No,sorry. Kung hindi ako nagloko, sana masaya pa rin tayo. Sana hindi ka nagkakaganito." Pagso-sorry niya ulit.

"Alam mo ba. Galit na galit ako sayo noon?" Sabi ko. Naluluha na naman ako. Kaya ayokong pinag-uusapan ang topic na ito e.

Natigilan siya sa sinabi ko. Oo, harsh na kung harsh pero part talaga 'to ng closure. Syempre, kung gusto mo sumaya,kailangan mong magpatawad muna. At para mapatawad, kailangan mo ng reasons.

"N-nung nalaman ko ang totoo. Feeling ko gumuho yung mundo ko. Halos mabaliw ako nun dahil first break up ko 'yun. Alam mo naman yun di'ba?" Sabi ko habang maluha-luha na.

Hindi siya tumingin sa akin pero patuloy siya sa pagtango na animong pinakikinggang mabuti ang lahat ng sasabihin ko.

"Ilang araw at ilang linggo din akong nagkulong sa kwarto ko. Halos di na makausap. Halos hindi na rin ako kumakain dahil umaasa pa rin ako nun na magiging tayo pa." Dito na ako napatigil at nagsimulanh umiyak. Hindi ko na napigilan e.

Nakita kong nakatingin sa akin si Ryle na animong pinanonood kami.

"M-may kasalanan din naman ako. K-kung sana lang ay naging sapat na akong girlfriend para sayo e hindi ka na maghahanap pa ng iba." Hindi ako makatingin sa kanya.

Tanging nararamdaman ko lang ay ang paghagod ng kamay niya sa likuran ko.

"Naging mabuti ka. Sadyang hindi lang ako nakuntento." Sa pagkakarinig ko sa boses niya,alam kong naluluha na rin siya.

"F-for two years. . . Naging masaya naman tayo diba?" Tanong ko, this time, napatingin na ako sa kanya.

"Syempre. For two years. Ang saya saya ko nun. You make me the happiest person for two long years." Sagot niya habang nakasilip mula sa labi niya ang tipid na ngiti.

"M-minahal mo naman ako. Diba?" Tanong ko ulit.

Tumango lang siya bilang sagot.

"Then, b-bakit tayo nagkaganoon? B-bakit nauwi sa. . . Ganito? Bakit naghanap ka ng iba?please, Jerome. Be honest, i want to know the whole story. Kung paano,kung kailan, at kung b-bakit?" Emosyonal na tanong ko.

"N-naalala mo nung umalis ako dito? Tas few months later, nalaman mo na lang na nandito pala ako sa pilipinas kasama si Jenna after 2 months na walang convo between us. A-ang totoo niyan,pumunta talaga ako sa America. Pero bago pa ako pumunta 'nun, may something na sa amin ni Jenna pero di ko masasabing nagchi-cheat na ako 'nun. For 1 month, nagpatuloy ako sa pakikipag-usap sayo kahit LDR, hoping na maayos ko yung sarili ko. K-kasi ayoko kang masaktan. Pero the next 2 months na nandun ako,di ko naiwasang hindi kausapin si Jenna kasi makulit siya. At dun na ako hindi nakapagpigil sa totoong nararamdaman ko. 6 months lang ako sa America tapos pinilit ako nun ni Jenna na wag ng sabihin sayo na uuwi na ako para maging malaya kami. G-gosh. I'm sorry. Di ko sinasadyang saktan ka. Promise,sinubukaan ko pang mag-work yung relation natin." Naiiyak na na sabi niya.

Nilapitan ko siya at niyakap at saka hinagod-hagod ang likod niya upang patahanin.

"Shhh. I understand. T-thank you. Thank you dahil pinilit mo pa ring magwork, thank you dahil sinubukan mo pa rin." Nakangiti na akong nagsasalita. Atleast ngauon, na-enlighten na ang mood ko.

"Sorry. Sorry talaga!" Sabi pa niya na parang batang inagawan ng kendi.

"Siguro, heto talaga yung itinadhana sa atin. Siguro, we're meant to be broken coz' it's the only way to find the right one for us." Naka-ngiti kong sabi.

"Yah, siguro nga. Thank you for understanding." Napatahan na siya at ngayong nagpupunas na ng luha.

"No,thank you for making me understand." Sabi ko.

"Do I still have a chance? Second chance?" Tanong niya na ikinabigla ko.

"What do you mean?"

"Do I still have a chance para ayusin 'to?" Sabi niya.

Napa-ngiti na lang ako at tumango.

Wala e, siya pa rin naman yung nakilala ko mula sa past, yung lalaking minahal ko ng sobra.

"Syempre, lagi naman. Kahit third o hanggang ilang chance pa 'yan. Coz' I'll always treasure you." Napangiti ako habang sinasabi yun.

Relieved na ang puso ko.

"Talaga?! Thank you! Thank youuuu!!!" Sumisigaw na siya sa tuwa kaya natawa na rin ako.

Pagkasigaw niya nun ay agad-agad siyang yumakap sa akin ng mahigpit na akala mo e wala ng bukas.

°•°•°•°•°•°•°•°(Closing)•°•°•°•°•°•°•°•°
MY's/H: MINSAN, SA SOBRANG DAYA NG TADHANA, NAKAKALIMUTAN KO NA MAGING MASAYA.

FEATURED SONGS(In the video) :
-Moon River by Renee Dominique
-Grey by Skylar Grey

VOTE ‖ COMMENT ‖ FOLLOW

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon