Ngayon, hindi ko na talaga napigilan ang aking luha. Ang mga mata ko na punong-puno ng emosyon ngunit hindi maisaliwalat. Hindi maipaliwanag.
"Anak, ano ba ang nangyayari?" Nag-aalala at gulong-gulo na rin na tanong ni mama.
"Ma, bakit naman kasi ganun? Minahal ko yung tao na mahal rin pala ako pero ang problema, hi-hindi pa yata ako m-moved on. Hindi pa ako handa." Naiiyak pa ring sabi ko
"Hindi ka magmamahal ng tao kung hindi ka pa moved on. Isa pa, nak, bakit mo mamahalin ang tao kung hindi ka pa pala handa? Sa tingin ko, mahal mo na yung lalaking sinasabi mo, handa ka na ngunit hindi mo magawang magpatawad sa past. Moved on ka na sa feelings mo para sa kanya pero hindi ka pa totally moved on sa pinagsamahan niyong memories." Pagpapaliwanag ni mama.
Moved on na ako? Sa feelings.
Hindi pa ako moved on?sa memories. Sa sakit.
Handa na ako? Parang hindi pa rin.
Masakit pa? Oo, minahal mo e, iiwan ka pa.
"Hindi mo pa siya matawad kaya hindi mo pa magawang magmahal." Dagdag ni mama.
Ako ngayon ang nanatiling tahimik. Nakikinig sa mga salitang binabato ni mama.
"Maris, alam kong mahirap magpatawad, hindi madaling makalimot. Pero iyon yung dapat nating gawin para maging masaya tayo." Dagdag ulit ni mama.
"Eh, mama, ano ng gagawin ko?" Tanong ko.
"Hindi na ako ang magde-decide d'yan. Advice lang ako pero ikaw ang sa gawa. Depende na lang sayo kung ano ang susundin mo, puso o utak. Dahil hindi laging tama ang puso ngunit kahit gaano katalino ang utak, nagkakamali rin ito." Pagpapaliwanag na naman ni mama.
Mas lalo ding umingay ang pag-iyak ko. Salamat na lang dahil walang taong dumadaan sa gantong oras. Sa laki ba naman at tago ng ligar na ito ay hindi talaga puntahin ng mga tao.
"Matagal na 'yun. Binabaon na dapat. Leave the past to live the present."Dagdag pa ni mama.
Wala akong masabi. Niyakap ko ulit siya. I hugged her tight. Her arms are my comfort zone, her words are powerful for me.
"Maris, sorry din. Alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon. Nagkulang ako. Inisip lang namin ng papa niyo ang pangangailangan niyo sa pera pero nakalimutan namin na mas higit na kailangan niyo pala kami. Bilang magulang niyo. Pasensya na kung laging kuya o tita mo lang ang nagsasabit sayo ng medal sa graduation. Pasesnsiya na kung hindi tayo makakuha ng picture nating magkasama dahil nasa malayo ako. Nagkulang kami bilang magulang niyo." Punong-puno ng emosyong sinabi ni mama.
"Ma, hindi kayo nagkulang. Inisip niyo lang ang pangangailangan namin pero hindi niyo kami pinabayaan. Hindi pa kayo humihingi ng sorry, napatawaf ko na kayo dahil kayo yung naiintindihan at lagi kong iintindihin." Emosyonal na sabi ko.
"Salamat, anak."pasasalamat ni mama.
"Ma,thank you. You made me feel better." Sabi ko.
Matapos ang ka-dramahan session,naging mabilis ang oras, nagkuwentuhan pa kami ni mama hanggang sa tumila na ang iyak ko.
"Haaays, dalaga na talaga ang anak ko. Umiiyak na sa lalaki." Pagpapaalala muli ni mama sa gitna ng sandaling katahimikan namin
"Mama naman. . ." Nahihiyang sambit ko.
"Joke lang. Basta, gusto ko makilala yang Ryle na 'yan huh?! Kapag sinaktan ka niya gaya ng ginawa ni Jerome, papagulpi ko yun sa papa at kuya mo." Pagbabanta ni mama na siyang naging dahilan ng pagtawa ko.
"Sige, ma. Madalas naman siya pumunta sa bahay natin lately."sabi ko. Bumalik ang tamlay, ngunit kumpara kanina, mas na-enlightened na ako.
"Talaga? Nanliligaw na pala siya bago umamin."patango-tangong sabi ni mama.
"Hindi rin ,mama. Wala siyang sinabi." Sagot ko.
"Ayys? Kailan mo balak sagutin? Hindi madali yung iwas ka lang ng iwas,huh?!" Pagpapaalala ni papa.
Natuop ang bibig ko. Naisip ko na tama nga si mama. Mahirap, pero yun muna ang gagawin ko.
Iiwasan ko siya hangga't kaya ko.
Iiwasan ko siya hangga't buhol-buhol paa ng nararamdaman ko.
At pagnagkataon na nawala ang nararamdaman ko sa kanya, then stop na. Tigil na.
Ngunit kung mahal ko pa rin siya, then go. Go with the flow, bahala na kung masaktan ako.
"Oo nga pala, nag-usap kami ng daddy mo, magkita na lang daw tayo sa plaza saka tayo magba-bonding ng mag-anak." Pag-iiba ng topic ni mama nang hindi ako sumagot.
"Sure, ma. Anong oras po?"tanong ko.
"Pwede namang ngayon na. Text na lang natin papa at kuya mo na papunta na tayo dun."sagot ni mama habang hinahanap ang cellphone niya sa bag niya.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Natatawa pa kami ni mama na nagtungo sa plaza dahil kung ano-ano pa ang kalokohang ginagawa namin ni mama habang tinutungo ang plaza. Pumila muna kami sa sorbetes na pinagpipilahan din ng nakararaming bata, kaya naisipan na rin naming magpaunahang makaubos ng ice cream pero ang ending, tawa lang kami ng tawa habang hawak pa namin ang ice cream na dapat ay kakainin namin. Nagpaunahan din kami ni mama makapunta sa puno. Tawa lang talaga kami ng tawa.may edad na si mama pero healthy pa siya kaya nakakatakbo pa. Sa katunayan pa nga, siya pa ang naghamaon ng takbuhan.
Nang makarating kami sa plaza, nakita na namin sila kuya Renzo at papa ngunit buong gulat ko nang nandoon rin si ate Angel, girlfriend ni kuya. Ngunit mas nangasim ang mukha ko nang makita kong magka-holding hands pa sila.
Naka-ngisi pa si kuya habang nilalaro-laro ang kamay ni ate Angel, hindi ba sila naiilang kay papa? Sabagay nga naman, okay lang kay papa na magka-girlfriend si kuya kaya siguro hindi na siya naiilang.
"Oh? Nandyan na pala kayo." Bati sa amin ni papa.
Mabilis na tinungo ni mama ang direksyon ni papa para makipag-beso. Gayun din naman ako para batiin si Ate Angel, nagmano din ako kay papa.
"May bago pala tayong kasama. Renzo, Girlfriend mo?" Tanong ni mama ng mapansin si Ate Angel.
Magalang naman na nagtungo si Ate Angel kay mama para magmano, gayun din si kuya.
"Yes,ma. Si Angel po." Pagpapakilala ni kuya na animong proud na proud sa girlfriend niya at tila ba'y siya ang pinaka-swerteng lalaki. Lagi niya ring sinasabi yun sa akin, napapairap na lang ako sa tuwing sinasabi niya yun. Ang cheesy!
"Nice to meet you, Angel. Mukhang magkakasundo tayo." Nangingiting sabi ni mama kay Ate Angel.
"Nice to meet you din po, tita." Magalang na sabi ni Ate Angel. Mala-Maria Clara si Ate Angel at sobrang bait niya pero minsan din, sobrang kulit niya.
"So, let's go? Pag-anyaya ni papa.
Nagpunta kaming mall. Wala na kaming ibang ginawa kundi ang kumain lang, at kasama na rin dun ang mahabang pag-iinterview kay Ate Angel at kuya Renzo. Bakas sa mukha nila mama at papa ang saya at pananabik. Feeling kasi nila, masyado na silang tumatanda kaya gusto nila, hangga't kaya pa nila, masaksihan nila ang mga happenings sa buhay namin ni kuya.
Sa katunayan nga, naiilang ako. Parang ako pa yung nakiki-third wheel sa kanila. Ako lang yung walang mapagholding hands, ako lang yung walang mahaharot o kung ano pa ang matatawag niyo dun.
And here we go again, bitter mode: ON!
Can someone help me out of here?
I feel lonely. . .
Sana nandito ka. . .
°•°•°•°•°•°•°•°(Closing)•°•°•°•°•°•°•°•°
MY's/H: ANG HINDI NATIN MAHANAP SA KAIBIGAN AY NAHAHANAP SA PAMILYA; ANG HINDI NATIN MARANASAN SA PAMILYA AY MARARANASAN SA KAIBIGAN."FEATURED SONGS(In the video):
-Someday by PENTAGON
-The Simple Things by Michael CarreonVOTE ‖ COMMENT ‖ FOLLOW

BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...