(CHAPTER : 3)

93 49 18
                                    

Pagkauwi ko, sinalubong agad ako ni kuya. Normal na ang pag-uusap namin na para bang nakalimutan ang nangyaring pagwo-walkout ko kanina.

Nakita niya yung tutang hawak ko. Hindi siya makapaniwalang may dala akong tuta.

"Oh? B-ba't may tuta kang dala? Maba-bike ka lang tas pag-uwi mo may kasama ka na?" Mahinahong sabi niya.

"Wag mo na itanong kuya, basta may nagbigay sa akin ng tuta." Sabi ko naman.

Kinuha niya yung tuta at pinaglaruan. Grabe, ang cute nila... parang mag-ama, *chuckle*

"Hoy! Anung itinatawa-tawa mo dyan." Tanong ni kuya pero ang tingin at atensyon ay nasa aso pa rin.

"Wala, may naisip lang." Sagot ko.

"Ano nga?!" Medyo napapalakas na tanong niya pero hindi mo mahahalata na galit na siya.

"Naisip ko lang na mukha kayong mag-ama. Bwahahaha!" Sabi ko sabay tawa na ikinakunot ng mata niya.

Napa-mura pa siya ng wala sa oras kaya mas lalo akong natawa.

_______

*NEXT day*

At school...

Nagbabasa ako ng horror story sa classroom ng mahagip nang may epal na nangalabit sa akin.

Kusa akong napatingin, hindi na ako nagulat ng makita ko ang mukha ni Ryle na todo sa ngiti.

Inirapan ko siya at bumalik ako sa pagbabasa ng libro pero mas kumulo ang dugo ko ng kalabitin niya ulit ako.

Hindi ko pa rin siya pinansin, basta nangunot ang kilay ko sa galit at gusto kong ipakita sa kanya iyon para malaman niya na malapit ng tumama ang palad ko sa bunbunan niya.

Muli, kinalabit na naman niya ako pero this time, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Binatukan ko siya at saka tinignan ng napakadilim.

"Ano ba!? Naiirita na ako, huh!" Inis na sabi ko.

"Lah?" Nanlalaki niyang tanong.

"Tse! Dun ka nga! Hindi porket wala girlfriend mo, kung ano-ano na ang ginagawa mo!" Galit pa ring sabi ko.

"Bakit? Ano bang ginagawa ko pagnandito at wala ang girlfriend ko?" Painosente niyang tanong.

"Pagkasama mo girlfriend mo, ang sweet sweet mo, pag kasama mo ako, mukha kang demonyo sa kakulitan! Bwiset! Kakairita ka na! Iniistorbo mo ako!" Sabi ko habang idinuduro siya.

"Ganyan naman kasi kayong mga lalaki e, pagnandyan girlfriend niyo, kunwari loyal pero pagnakatalikod na, kung kani-kanino na lumalapit. Tsk tsk" pabulong kong hugot pero sapat na para marinig niya.

"Hindi naman lahat-- teka, gusto mo sigurong maging sweet din ako sayo,'no? Nak ng-- may gusto ka siguro sa akin! Hays! Ang hirap talaga pag may ganitong mukha, pati huguterang bit--" hindi na niya natuloy ang pagpapahangin niya ng minadali kong tanggalin ang sapatos ko at ibato yun sa kanya kahit malapit lang kami sa isa't isa.

Kamalas-malasan namang nasalo niya iyon gamit ang dalawang kamay. Nakakuha din siya ng tiyempo para makaganti sa akin.

Tumakbo siya palabas ng classroom dala-dala ang sapatos ko kaya wala akong choice kundi ang habulin siya kahit yung isa kong paa ay naka-medyas lang.

Paulit-ulit ko siyang tinatawag pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Shit! Napahawak ako sa chest ko ng maramdaman ko ang paghirap ng aking paghinga. May asthma ako at kamalasmalasan pa ay inuubo pa ako.

Habang tumatagal, mas nagiging mabigat na ang paghinga ko dahilan para mas bumagal din ang pagtakbo ko.

Hindi ko na lang namalayan na napaupo na pala ako sa sahig at napasandal sa wall.

Kung kanina ay si Ryle pa ang hinahabol ko pero ngayon, hininga ko na ang hinahabol ko.

"Hala, miss, are you okay?" Narinig kong tanong ng babae. Bakas sa kanya ang pagka-taranta at the same time, ang pag-aalala.

Hindi ko magawang sumagot, sa ngayon, hanggang tingin lang ang magagawa ko.

"Huguterang bitter!" Narinig ko ang boses ng lalaking may dahilan kung bakit ako inatake ng hika.

Walang ano-ano, naramdaman kong binuhat niya ako. Naiinis man ako sa kanya pero hinayaan ko na lang siyang gawin iyon.

_______

"Uy. Sorry na. Hindi ko naman alam na may asthma ka pala." Pahihingi niya ng paumanhin.

Hanggang ngayon, masasabi kong nag-guilty talaga siya.

Kasunod ko siyang maglakad. Deadma lang ako sa presensiya niyang nakakairita.

Mas binilisan ko ang paglalakad ko at gayun din naman siya.

Kahit mabilis na akong maglakad ay nagulat na lang ako ng sumulpot siya sa harapan ko.

"Sorry na. Treat kita?" Pagpapa-cute niya.

Napa-mura ako sa isip ko.

Ugh! Why so insensitive?

"A-yo-ko" pagbibigay diin ko sa salita.

Tsk! Matapos mong gumawa ng kasalanan, magso-sorry ka?

Parang lovelife mo,

Matapos makipag-break, babalik agad. Duh?! Is that you really what you called love? Magbe-break pero wala pang 1 week, sila na ulit?

"Huuuy! Sige na, please?" Pagmamakaawa niya.

Mukha siyang aso'ng ulul!

"Yung girlfriend mo!" Pasigaw kong sabi dahilan para magulat siya.

Kaagad siyang napa-tingin sa direksyong itinuro ko. Napa-kamot naman siya sa ulo nang hindi niya nakita ang girlfriend niya.

"Ayys! 'Kaw talaga. Galit ka lang e." Sabi ni Ryle tapos tinusok niya ang baywang ko.

"Anu ba! Bakit kayo ganyan? Kung kelan nangyari na, nasaktan niyo na tsaka kayo magso-sorry. Masabi ko lang sayo, huh? Madaling magsabi ng sorry pero hindi madaling magpatawad at makalimot." Paghuhugot ko ng may halong inis na rin.

"Haays, huguterang bitter..." pabulong niyang sabi habang napapailing pa.

"Hindi mo ko kailangang ilibre kung karma pa lang ay sapat na pambayad sa ginawa mo sa akin." Sabi ko habang naka-tingin ng diretso sa mga mata niya.

For the second time, nagwalk-out na naman ako.

Gosh! Puputok ugat ko dun!

_______

Tinatamad ako mag-jeep kaya napilitan akong mag-tricycle.

Mas lalong haggard sa bangs pagnag-jeep ako.

"Kuya, bayad po." Sabi ko kay manong driver habang inaabot sa kanya yung bayad.

"Hija, wala ka bang barya dyan? Wala pa akong panukli e." Sabi ni manong.

"Kuya?! Bakit kayo ganyan? Sobra-sobra na ngang binibigay sa inyo, wala pa kayong panukli? Tapos naghahanap pa kayo ng barya sa akin?" Pagtutukoy ko sa sitwasyon namin pero syempre, dahil ako si huguterang bitter, may halong hugot dun.

Napa-iling naman si manong. Bumaba ako sa tricycle niya at saka may inabot.

"Manong heto po, may barya po pala ako." Sabi ko at inabot ko naman yung barya sa kanya, siya rin naman ay binalik sa akin yung buong pera.

Ganyan nga manong, matuto tayong huwag angkinin ang hindi atin.

"Hay, 'tong batang to." Pabulong niyang sabi habang tumatawa.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•(Closing)°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

MY's/H: "MATUTO TAYONG MAKUNTENTO SA KUNG ANO ANG IBINIGAY AT MERON TAYO."

Songs Featured(in the video) :
- Shine by PENTAGON
- Wannabe by ITZY

VOTE ‖   COMMENT  ‖  FOLLOW

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon