(CHAPTER : 8)

50 37 8
                                    

"Aiish! Naiwan ko yung folder ko. Huguterang bitter, balikan ko lang ah." Pagpapaalam niya.

"Go lang, Mr. Broken." Pang-aasar ko sa kanya habang nakangisi.

Pinanliitan niya pa ako ng mata bago tuluyang umalis. Loko talaga yung lalaking yun...

Nasa tapat lang ako ng tawiran kung saan ako pinag-iwanan ni Ryle sa akin.

Naglilikot ang mga mata ko at kung saan-saan na lang tumitingin, hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang taong matagal ko ng hinihintay... ang taong akala ko ay hindi na magpapakita pa muli.

Nagkatitigan lang kami, kita ko kung paano siya natulala nang makita ako.

Bigla akong kinabahan and at the same time, hindi ko alam kung anong gavawin ko. Pilit kong igalaw ang mga paa ko para tumakbo o lumayo man lang ngunit hindi ko magawa--hindi ko kaya.

Hindi ko man ding narinig ang ibinulong niya ngunit base sa pagbuka ng kanyang bibig- sinabi niya ang pangalan ko... Maris...

Nasa one-fourth pa lang siya ng tawiran nang biglang may humawak sa braso niya at yumakap.

Jerome, Sweetie ... matagal na simula nung tayong huling nagkita at huling nangako sa isa't isa na tayo hanggang huli. Pangako na sana hindi mo na lang sinabi. Hindi pa tayo naghihiwalay pero pinutol mo na agad ang koneksyon natin... hindi pa tayo naghihiwalay pero may bagong girlfriend ka na...

Nakita ko pa siyang tumingin sa akin bago tuluyang umalis.

Umalis ka na namang muli... Ang pinagkaiba lang, dati umalis ka ng mag-isa ngunut ngayon, umalis ka ng may kasamang bagong girlfriend.

Naramdaman kong magluluha na ulit ako pero bigla akong natauhan nang marinig ko si Ryle.

"Oh, tara na Huguterang bitter." Sabi niya na tila ba ay walang kaide-ideya sa luhang tumutulo na.

Walang sabi-sabi. Walang pakiramdam. Kusa na lang gumalaw ang aking katawan para yakapin siya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero masaya ako na niyakap niya rin ako pabalik.

"B-buti ka pa... nagagawa mo pa ring ngumiti kahit... wasak na wasak ka na." Paghahambing ko ngunit may bakas pa rin ng paghuhugot.

"Shhh. Ngingiti ka rin... Hayaan mong tulungan kitang ngumiti ulit." Malumanay na sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

"Salamat...Salamat..." pagpapasalamat ko sa kanya. Kahit papaano, kusang sumibol ang ngiti sa aking mga labi. Siguro dahil na-touch ako sa sinabi niya?

_______

Hindi rin kami nagtagal at salamat din dahil hindi rin traffic sa dinaanan namin kanina.

Sinundo niya pa ako hanggang sa bahay, kung hindi niyo kami kilala, sigurong mapagkakamalan niyong manliligaw ko siya...

Pero hindi...

Dahil siya ay...

Maaalahaning kaibigan ko. And I am proud of that!

Salamat na rin dahil nasa light na ang mood ko ngayon di tulad kanina.

"Pasok ka. Nandito ka na rin naman." Magalang kong anyaya sa kanya.

"Hindi na pero--whoa!? First time ko yata makita kang ganyan,huh?!" Gulat na sabi niya na naginv dahilan ng pagguhit ng pagtaka sa aking mukha.

"What do you mean by 'ganyan'?" Page-English ko.

Mas lumawak pa ang ngiti niya sa labi dahilan para mas maging 'cute' siya.

"Ganyan... I mean, kahit naman minsan ay light na ang mood mo pag kasama ako pero ngayon-- hindi ka nagsusungit! Kung titignan mo,mukhang mas maamo ka pa sa tupa. Hahaha." Pagbibiro niya.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon