"Asaan na ang groom?!"
Nagpapanic na pagtatanong ni mommy. Kahit ako ay nafu-frustrate na. Nasa kotse pa kami at mag-iisang oras na lang ay kasal na.
"Ma, chill ahh. Tatawagan ko si Kuya. Tatanong ko kung nasaan na sila." Pagpapakalma ko kay Mama. Tumango naman ito, ipinikit niya muna ang mga mata niya sandali upang ikalma rin ang sarili.
"Diyos ko, naunahan pa ng bride and groom" narinig kong bulong ni Mama saka siya bumuntong-hininga.
Nakailang tawag pa ako bago sumagot si Kuya.
"Nasaan na kayo?" Panimula ko.
"On the way na. Malapit na kami. Nandyan na ba si Angel?" Pagtatanong niya. Umirap naman ako.
"Oo, naunahan ka pa ng bride mo. Bilisan niyo na." Sabi ko, may tinig ng pagka-irita.
"S-sorry. Na-overjoyed ako. H-hindi ko maipaliwanag pero kinakabahan ako. . . Sobrang tuwa ko din--" naputol ang pagmo-moment niya nang magsalita ako.
Marahan pa akong napailing at nagbago agad ang ekspresyon ng mukha ko, napa-ngisi ako nang marinig ko ang tinig niya. Naisip ko kung paano kaya kami ni Ryle kapag kinasal na kami?
"Oo na, save your words for your vow. Baka wala ka ng masabi mamaya." Natatawa at nangingisi kong sambit bago patayin ang tawag.
"Nasaan na raw sila?" Pagtatanong ni Mommy.
"Malapit na raw po."
"Mabuti naman. Nakakahiya sa mga bisita kung groom pa mismo ang late." Sabi ni Mommy, habang nakahawak sa kanyang sintido.
"Ma, puntahan ko lang si Ate Angel. Baka siya pa ang maghintay kay Kuya sa altar." Pagbibiro ko, just to enlighten the mood.
Tumango naman si Mommy, pagkatapos ay lumabas ako ng kotse upang puntahan naman ang kotse na sinasakyan ng bride, ni Ate Angel.
Kumatok ako, binaba niya ng kaunti ang bintana. Nakita ko ang mukha ni Ate Angel, nag-aalala man ay maganda pa rin. Sana all.
"Nandiyan na ba ang Kuya mo?" Pagtatanong niya, makikita sa mga mata niya na may gusto siyang marinig na partikular na sagot.
"Ate chill ka lang, ahh. Malapit na si Kuya." Paga-assure ko sa kanya.
Napatango naman siya at bahagyang napangiti. Doon ko lang rin nakita ang mga magulang niya na nasa loob rin ng kotse. Ngumiti ako at bumati sa kanila, gayun din naman ang ginawa nila sa akin.
Ilang sandali pa ay natanaw na namin ang kotse nina Kuya. Unang lumabas si Daddy. Nagmadali naman ang mga organizers at pinaayos na ang mga bisita upang simulan na ang seremonya.
Tila naging mabilis ang oras sa simbahan. Ni hindi ko namalayan ang sarili kong naglalakad na sa altar, abay kasi ako, at tila napagtripan pa ako ni Kuya dahil si Jerome ang kasama ko sa paglakad sa altar.
Nang dumating si Ate Angel para sa entrance niya, lahat ay napatingin at napahanga sa taglay niyang kagandahan. Totoo nga siguro ang sinabi nila, na nag-iiba at mas naha-highlight ang aura ng bride sa kasal niya.
Napapitlag ako nang may naramdaman akong humapit sa baywang ko. Napa-ngiti na lamang ako nang maisip kong si Ryle na ito.
Nang tignan ko ang gumawa nito, kaagad na nanlaki ang mga mata ko, at saka tinapik ang mga kamay niya.
"Hoy! Baka gusto mong mabalian ng buto?" Nakakunot na sabi ko kay Jerome. Natatawa niyang tinanggal ang kamay niya sa aking baywang.
"Hayaan mo na. Malay mo, bukas lang ay engage ka na? Edi hindi ka na pakakawalan ng boyfriend mong doktor." Pagbibiro niya.
BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...
