(CHAPTER : 21)

43 26 16
                                    

"Ang rupok mo. Kayo na ba ulit?"

Napatulala ako nang marinig iyon kay Kuya. Na-misunderstood niya nga ang pagitan sa amin ni Jerome!

"Kuya, hindi!" Agarang Pagtanggi ko.

Ngumiwi naman siya, tila hindi pa rin naniniwala. Kaunti na lang ay maaasar na ako sa mga tingin ni kuya. Para bang hinuhusgahan niya ako eh!

"talaga ba?" tanong niya, may halong sarcasm at pag-iintriga. "Eh ano yung nakita ko kanina?"

"Wala lang yun. Just a talk, a'right?" Sagot ko, sinusubukan Kong maging kalmado habang ipinapaintindi kay kuya ang bagay na iyon.

"Just a talk ka d'yan?" Nang-aasar at hindi pa ring naniniwalang tanong niya. "H'wag mong sabihing siya pa rin ang dahilan kung bakit kayo ganyan ni Ryle, ahh!" sabi niya.

Sumama ang tingin ko sa kanya. Gusto Kong H'wag nang kumibo ngunit nang marinig ko ang pangalan ni Ryle, na may kinalaman din naman sa akin ay parang gusto ko na ring depensahan ang asking sarili.

"Kuya? Bakit naman nasama bigla si Ryle dito? Bakit din ba botong-boto ka sa kanya?" Nakasimangot kong tanong.

Nakita ko kung paano nagulat at natameme saglit si kuya sa biglaang tanong ko tungkol kay Ryle.

"Kasi... May tiwala ako sa mokong na 'yun. Matino yun kaya feeling kaya hindi ka' nun sasaktan." palusot pa niya. Naging kalmado na siya kung magsalita.

"Sus! Parang 'yan din naman ang sinabi mo sakin kay Jerome! Tignan mo nangyari ngayon." Sagot ko. Unconsciously, napapa-pout ako habang nakakunot ang noo. Feeling ko tuloy, mukha na akong alien.

Alien na maganda. Hihihi!

"A-aba't--! Iba naman kasi ngayon. Boy's instict." Pagpapalusot niya.

Boy's instict mo mukha mo. Ehehe!

"Sige. Sabi mo 'eh"

Naramdaman ko ang pagkalabit ni Roofy. Nang tignan ko ang aso ay nakadila ito at nakangiti, tila nakikiusap ng paglambing at ng kalong.

Ikinalong ko si Roofy ng parang pang baby. Labas ang tiyan nito kaya ikinamot ko ito. Nagustuhan ito ng aso at natatawa pa ako ng magpapadyak ang mnga paa nito na parang nakikiliti sa pagkamot na ginagawa ko sa tiyan niya.

Kung ano ano pang ka-echosan ang pinagsasabi ni kuya ngunit hindi na ako nakinig sa kanya. Itinuon ko na lang ang pansin ko kay Roofy.

_______

"Oh? Bakit ka nandito?" Pagtatanong ko kay Jerome nang makisabay siya sa akin kumain.

Inilapag niya ang tray na dala niya at saka umupo sa tapat ko.

"Part of the plan." Nakangising sagot niya na ikinangunot ko.

"Seriously? Itutuloy mo 'yun? Akala ko ba ay hindi na kasi in the first place, hindi naman ako pumayag, diba?" Pagtatanong ko ng may kunot sa aking noo. Hindi naman sa galit ako o iritable-- talagang nagtataka lang ako kaya napapakunot ang noo ko.

"Hep hep! Wala akong sinabing hindi ko itutuloy. Hindi naman porque hindi ka pimayag ay hindi ko na rin itutuloy yung plano." Sabi niya habang sinisimulan ng kumain.

"Leche. Ako pa rin naman yung makaka-benefit o hindi sa kung anong effect ng plano mo." Sabi ko. Inirapan ko siya ngunit parang hindi naman niya ito nakita. "Sabi naman kasi sayo, bulok na 'yang plano mo." Nang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Anong bulok? Hindi nga. Effective pa rin 'yun. Promise!" Sabi niya, itinapat niya ang kamao niya sa kanyang dibdib nang sabihing 'promise'.

"Bahala ka. Pepektusan kita ng marami kapag mas lumala ang sitwasyon namin." Pinanliitan ko siya ng mata, may halong pagbabanta rin ang tono ng pananalita ko.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon