"Joke lang!!!" Biglang sigaw ni Ryle.
Napakamot naman ako sa kilay, napa-nganga ang mommy niya at napa-iling ang daddy niya na halata mong natatawa pa.
"What?! Ryle naman." Reklamo ng mommy niya.
"Haays, Ryle, Kailan ka ba magkaka-girlfriend? Totohanin mo naman, hindi yung sasabihin mo na lang na joke lang." Sa wakas ay nag-salita na rin ang daddy niya
"Seriously? Okay lang sayo na magka-girlfriend ang anak mo e next year pa lang yan magco-college." Curious na tanong ng mommy niya sa daddy niya.
Pasimple ko rin siyang pinandilatan ng mata.
"Yes. Okay lang na magka-girlfriend siya ng maaga, basta, hindi ko malamang bakla siya. Besides, may tiwala naman ako kay Ryle na alam niya ang limitasyon niya." Medyo seryoso na sabi ng daddy ni Ryle.
"Aish! Kasi naman e. Akala ko e may girlfriend ka na. Ngayon ka lang nag-uwi ng babae. Pag nagkataon sana ay first girlfriend mo si Maris." Nanghihinayang sabi ng mommy niya.
Hindi ako makasingit ng sagot. Geez,ako ang pinag-uusapan nila!
"By the way, may boyfriend ka na ba, Maris?" Balik-tanong sa akin ng mommy niya
"As of now po, wala pa po, ma'am" magalang na sagot ko.
"Hey. . . Wag ka naman maging formal. Just call me, momshie. Para cute." Cute din na sabi ng mom niya.
Napa-tawa ako ng mahina tsaka nag-nod bilang pagsang-ayon
Momshie. . . Parang awkward kung tatawagin ko siya ng ganun pero, yun ang gusto niya e kaya no choice ako kundi tawagin ko na lang siyang 'momshie. Cute nga naman.
Nagtagal din ang oras na lumipas na nag-uusap lang kami. Masaya akong na-meet sila. First time ko 'to. Unforgettable ang moment na ito kaya sinulit ko na.
"Salamat po momshie, tito. Nag-enjoy po ako ng sobra. Sa next time po ulit!" Masaya at masiglang pamamaalam ko sa kanila.
"Bye, Maris! Dadalaw ka ulit dito,ah. Sana nga sa pagdalaw mo ay hindi ka na bitter at girlfriend ka na ng anak ko." Pagbibiro ni Momshie.
"Tita naman. . ." Nasabi ko na lang ng may ngiti.
Kung alam niyo lang po. . .
Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
"Ryle, ba't hindi mo ihatid si Maris?" Tanong ng daddy niya.
"Dad,ihahatid ko po talaga siya." Sagot ni Ryle.
"Good. Dahil hindi kita pinalaking torpe." Pagbibiro ng daddy niya.
Lahat kami ay napangiti, si Ryle naman ay napapailing rin.
_______
"Hindi pala alam ng mommy't daddy mo na may naging girlfriend ka?" Takang tanong ko.
"Yes, ayaw niya, natatakot daw siya and I think hindi pa rin ako ready noon para magpakilala ng girlfriend sa parents ko. Natatakot din ako sa mga posibleng consequence."page-explain niya.
"Then that's not love." Simpleng komento ko.
Napatingin naman siya sa akin ngunit hindi ko siya tinignan pabalik.
"Dahil kumg mahal mo ang isang tao, handa kang maging matapang para sa kanya. Handa mong harapin ang consequence. Ang nahirap kasi sa atin, masyado tayong nahihibang sa love. Na minsan pa nga'y nakakalimutan natin kung ano talaga ang meaning nito. Kaya ang ending, tayo pa ang luluha sa sarili nating kasalanan." Paghuhugot ko. Bitter na naman ako.
"Tama ka nga." Pagsang-ayon ni Ryle.
Hinarap ko siya at dinuro.
"Kaya ikaw! H'wag kang malilito sa infatuation and love,huh?!" Kunwaring strikto kong pagpapaalala.
Tumawa naman siya sa gawi ko.
"Opo na po, Huguterang bitter." Kunawari ding magalang na sagot niya sa master niya.
Nang makarating na ako sa harap ng bahay namin, hinarap ko siya at sinalubong ng may magandang ngiti. Pasimple ko pang sinulyapan ang mapupungay niyang mga mata, ang buhok niya na natural ng magulo ngunit nakaka-attract, ang mga kilay niyang medyo makakapal na makakahatak ng atensyon ng mga babae, at ang labi niyang pulang-pula.
"So... Bye? And ingat ka?" Nakangiti at alinlangan kong sabi.
"Bye,Huguterang bitter." Nakangiti niyang sabi. Mahinhin at damang-dama mo ang pagkasinsero.
Lumapit siya sa akin. Gayun din ang gulat ko ng halikan na naman niya ang noo ko.
Ang puso ko. . .
Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Maris. . ." Malalim ang emosyong pagkakasabi niya.
Kinakabahan ako. . . Hindi ko alam kung bakit.
Pinilit kong pinalakas ang aking sistema.
Pilit ko ring kinakalma ang nagwawala kong puso.
Mahal. . .
Mahal ko na nga ba siya?
"Yes?" Pinilit ko ring magtunog normal ang boses ko sa kabila ng kabang nararamdaman ko.
"Maris. . . Alam mo ba. . . This past few days, nababaliw ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ako mapakali. Lagi akong nangingiti ng hindi ko namamalayan. Malalaman ko na lang na tulala na pala ako sa kakaisip sa babaeng. . . Mahal ko" Punong-puno ng emosyon na pagkakasabi niya.
"Huh? Naku! Patingin ka na sa mental hospital!" Pagbibiro ko ngunit hindi ako mangmang para hindi maintindihan ang pahiwatig niya.
Hindi ako manhid. Dahil ako mismo, nararanasan rin ang nararanasan niya.
Nanatili siyang seryoso ngunit mapupungay ang matang naka-tingin sa akin. Mga titig niyang hindi ko kayang tagalan ngunit gustong-gusto kong titigan.
"Maris. . . I think this one. . . Ay totoong love na. Wag mo sanang isipin na isa ako sa masyadong nahihibang sa love pero iba na talaga ang nararamdaman ko. Maybe, you're right. Hindi love yung nauna ko pero ngayon,I think totoong inlove na ako. Ngayon ko lang naramdaman 'to at hindi ako nagsisising hindi ko ito pinigilan." Mahabang saad niya ng diretso ang tingin sa akin.
Hinawakan niya ang aking dalawang kamay nang hindi pinuputol ang paga-eye contact namin. Nanatili akong tahimik at hinintay ang susunod niyang sabihin.
"Maris, I think I am already inlove. . . With you. I am inlove with you." Pag-confess niya sa akin na nagpahina sa aking tuhod. Feeling ko anytime ay tutumba na ako.
Mahal niya ako. . .
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at may kung ani ng paru-paro ang naglalaro sa aking sistema.
Mahal ko rin siya. . .
"Oh? Andyan na pala kayo. Maris, may bisita tayo. Ryle, gusto mo bang pumasok muna?" Biglang sulpot ni kuya sa likuran namin.
Mabilis kaming napahiwalay sa gulat.
"Ah, wag na 'tol. Una na pala ako. Bye, huguterang bitter." Mukhang nanhihinayang na sabi ni Ryle.
Hindi man lang niya narinig ang nais kong sabihin.
Pero okay na siguro 'yun kaysa sa masaktan kita. . .
Dahil minahal kita ng hindi pa ako handa.
Minahal kita, paunti-unti ng hindi ko namamalayang hindi ko ito gustong mangyari.
Dahil oo nga pala,
Ayoko ng umibig pa
Dahil ayoko ng masaktan pang muli. . .
°•°•°•°•°•°•°•°•°•(Closing)•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
MY's/H: "H'WAG KANG MATAKOT MAGMAHAL, MATAKOT KANG MASAKTAN."FEATURED SONGS(In the video) :
-Thank you by PENTAGON
-At my Worst by Pink Sweat$VOTE ‖ COMMENT ‖ FOLLOW

BINABASA MO ANG
Huguterang Bitter
Romance(UNEDITED) Hi! ako nga pala si Maris... Ang babaeng mahilig makipag-communicate sa paghuhugot. ako rin ang babaeng bitter at hugutera bawat salita kasing naririnig ko ay ginagawa kong hugot... pero ang akin lang naman... hindi ako magiging bitter ku...