(CHAPTER : 7)

55 40 8
                                    

Pagkapasok ko sa classroom, inaantok pa rin ako pero bigla na lang nawala nang nakita ko si Ryle na masaya-- parang hindi na broken hearted.

Naka-ngiti siyang lumapit sa akin na mas lalong ipinagtaka ko.

'Nung nanyari dito? Sinapian yata.

"Anong nanyari sayo?"puno ng pagtatakang tanong ko.

Nag-kibit nalikat lang siya at walang isinagot. Napa-irap lang naman ako sa kawalan.

Lokong lalaking 'to! Dinaig pa ang babae kung mag-mood swings! Tch!

_______

Break time. Break na pinaka-iintay ng lahat! Including me...

Halos lahat na ng mga classmates ko ay nasa labas na para kumain pero ako, nag-aayos pa lang ng gamit ko. Tch!

Akala ko ay ako lang ang mag-isa rito sa room pero tulad kanina, nagulat ako nang makitang nandito rin si Ryle-- nakatingin sa akin.

Pilit ko siyang hindi pansinin pero sobrang naiilang na ako sa kanya, idagdag mo pa ang katahimikan ng paligid.

"Salamat nga pala kahapon." Sabi niya na ikinatigil ko sa pag-aayos at napa-tingin sa kanya.

"For what?" Tanong ko.

"Thank you dahil sa basketball." Sabi niya ng may ngiting sumisibol sa bibig niya.

Napa-ngiti ako ng tipid bago sumagot.

"Ah 'yun? Thank you din. Nag-enjoy ako." Sincere na pasasalamat ko sa kanya.

Naka-ngiti pa rin siya at hanggang ngayon ang nawi-weirdo-han ako sa kanya.

"Pwede bang yayain kitang umalis after class? Kahit milktea lang?" Anyaya niya sa akin.

"Hmm? B-bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm... basta, please? Pwede ka ba?" Tanong niya ulit.

"Okay. Wala naman akong gagawin mamaya." Sagot ko sa anyaya niya.

"Nice. After class, huh?!" Paalala niya.

"Yeah." Sabi ko.

Ang akala ko aalis na siya pero sinundan pa rin niya ako hanggang sa canteen.

Kunot-noo ko siyang tinignan. Nagkatitigan pa kami saglit na para bang sinusuri ang isa't isa. Pero naka-ngiti pa rin siya.

This guy... is really creeping me out today!

Nakakailang ang mga ngiting galing sa kanya.

He should not act like that! Broken siya at dapat umarte siya na nasasaktan!

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing. Pwede bang makisabay sayo? Wala na akong girlfriend kaya wala na rin akong kasabay kumain. So... may I?" Tanong niya.

Wala sa sariling napa-tango naman ako. Hinayaan ko siyang sundan ako at makisabay kumain.

We've talk about a lot of random things. Grabe lang... baka isipin ko ng hindi siya broken, napaka-jolly niya ngayon than the usual.

Bago matapos ang lunch time namin ay pinaalala niya ulit ako about sa milktea namin after class.

Ang kulit! Paulit-ulit!

_______

"Can you please stop doing that?!"nakakairita!" Reklamo ko sa kanya. Salubong ang kilay ko dahil naiirita ko sa inaakto niya!

Napatigil naman siya sa biglaang reklamo ko. Tumingin siya sa akin ng may malaking mata pero mababasa mo sa mga ito ang pagtataka.

"Doing what?" Pagtatanong niya.

"Stop doing that! Stop acting like you are really happy! Stop wearing a mask and let us see the real feelings behind the mask. Letse! Napapa-English ako sa galit,huh!" Mataray kong sagot.

"I'm just doing what you said before." Seryoso na siya.

"Yes! I appreciate na naalala mo pa yun but that doesn't mean na hindi ka na masasaktan. I understand what you feel because I already felt it before! Kung nasasaktan ka, damdamin mo. Magmove on ka pero I understand na masasaktan ka talaga. Hindi mo magagawang mamove on ng walang tumutulong luha sa mata mo. "Sabi ko sa kanya.

Hindi naman siya nakapagsalita muli kaya kinuha ko iyong chance para magsalitang muli.

"Hindi madaling magmove on at kahit anong gawin mo, sampal ang katotohanang break na kayo. Masakit nga talaga pero huwag mo ipamukha sa akin ang kabaliwan mo at baka madala kita sa mental hospital. Oo, sinabi kong magmove on ka but that doesn't mean na hindi ka na rin pwedeng umiyak. Walang taong hindi deserve ang luha natin. Lahat ng nasa paligid mo, pwedeng magpaiyak sayo. Bakit? Iba-iba kasi ang emosyon natin araw-araw, iba-iba ang motibo,iba-iba ang pag-uugali kaya masasabi kong deserve nila ang luha natin dahil sila ang isa sa mga pangunahing kumokontrol ng emosyon natin. Sila yung nagpapasaya, sila din yung nagpapaiyak sa atin. Deserve nilang makita na nasasaktan ka dahil sa kanila. Deserve natin umiyak dahil sa pag-iyak, gumagaan ang loob natin. Dahil sa pag-iyak, nailalabas at naipapakita natin ang emosyon na nararamdaman natin." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Sandaling katahimikan pa ang namutawi sa amin bago niya sinira iyon.

"Thank you... thank you for making me realized some things na hindi ko pala dapat ginagawa. Thank you for staying..." sincere niyang sabi.

Titig na titig siya sa mga mata ko at damang-dama ko ang sinsero sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi ko rin inaasahan na magagawa ko rin makapagtitigan ng ganun sa kanya. Punong-puno ng emosyon ang mata niya...

Napa-ngiti naman ako sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya,ganun din naman ang ginawa niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya.

"Sabay tayong magmove on,huh?" Sabi niya. Napa-irap naman ako ng wala sa oras.

"Oo na. Sabay tayong mag move on kahit naka move on na ako." Sabi ko

Nakamove on na nga ba talaga ako?

O baka naman...

Nakalimot lang ako saglit pero hindi pa ako totally moved on?

Kasi kung tuluyan na nga akong nakamove on, hindi na dapat ako umiiyak dahil sa kanya.

Siguro nga... nakalimot lang ako saglit...

Nakarinig ako ng mahinang paghikbi mula sa likuran ko. Hindi naman ako absent-minded para hindi malamang umiiyak na si Ryle ngayon.

Hinagod ko lang ang likod niya para sana pagaanin o patahanin siya ngunit baliktad yata ang kinahinatnan ng ginawa ko dahil mas lalo siyang napaiyak. Hindi siya maingay umiyak pero hindi na importante iyon dahil ang mahalaga, nailalabad niya ang damdamin niya.

Hindi rin naman nagtagal ay bumitiw din siya mula sa pagkakayakap.

"Haays! Nakakahiya na." Sabi niya habang pinupunasan ang mata niya.

Napatawa naman ako sa itsura niya. Ang pula na ng mukha niya at mas lalo na ang mata niya. Mukha siyang uminom at nalasing, o kaya naman ay isang buwan na walang tulog. Haha.

"Masaya ako kasi kasama kita ngayon..." komento ko sa kanya.

"Masaya rin ako kasi kasama kita ngayon." Nakangiti rin na sabi niya.

°•°•°•°•°•°•°•°•(Closing)°•°•°•°•°•°•°•°•°
MY's/H: "MAY MGA TAONG HINDI NATIN AASAHAN NA DARATING,MERON DIN NAMANG MGA TAONG HINDI NATIN MAPIPIGILANG UMALIS"

FEATURED SONGS(in the video) :
-To Universe by PENTAGON

VOTE ‖ COMMENT ‖ FOLLOW

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon