(CHAPTER : 9)

52 37 9
                                    

Minsan, hindi mo alam pero maiinis ka na lang at mapapasabing "bakit ba kasi ako naging babae?!" O "ang hirap naman maging babae..."

Tulad ngayon, hindi ko maiwasang hindi sabihin ang mga katagang iyon. Bakit? May dumalaw lang naman sa akin na bwisita. Ang mas masaklap pa,sa buwan-buwan nito pagdalaw, ngayon pa'ng review week namin.

At ito pa, review week namin ngayon para sa nalalapit na exam! Kaya naman sobrang hirap ako makapag-focus sa mga binabasa ko.

Haaaays. Kaya ko 'to... Matapang ako. kunwari, hindi masakit ang puson ko. Hoo!

_______

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang diinan ang pagkakahawak sa aking tiyan. Muntik na nga rin aking mapa-mura sa sakit.

"Boo!" Panggugulat sa akin ni Ryle na mas lalong nagpakulo ng aking dugo.

Syempre, tulad niyo na pag nagugulat ay napatalon pa ako sa pagkagulat at halos mas manlaki ang mga mata ko.

Tawa lang siya ng tawa ngunit nang mapansin ang pagkaseryoso ko, unti-unting humina ang pagtawa niya at unti-unti ring nawala.

Mula sa seryosong mukha, napalitan ito ng nanlilisik na mata na mukhang handa na ring makipagpatayan.

"H-hugute-rang b-bitter..." dahan-dahan at bakas ang takot sa kanyang pananalita.

Ganyan. . . Ganyang-ganyan ko ring narinig ang pautal-utal na lalaki pag nakaharap sa babae dahil may ginawang kasalanan.

Parang 'siya' minsan ko na ring narinig na tinawag niya ako sa pangalan ko ng pautal-utal. Alam niyo kung bakit? Kasi. . . Iiwan na niya ako. . . Dahil sa kasalanang hindi niya kuno ninais.

Napapikit ako ng mariin bago simulan ang digmaan.

"Ano ba?! Nakuha mo pa talagang tumawa matapos mo akong gulatin?! Hindi ka ba marunong makiramdam, huh?! Manhid ka!!! Gusto mo gilitan ko yang leeg mo? Nanggigigil ako ah!!! Wag kang lalapit!" Galit na galit kong sigaw sa kanya. Hinihingal pa ako matapos kong masabi iyon.

"S-sorry." Natatakot at nanginginig niyang paghingi ng tawad. Napayuko din siya habang sinasabi iyon.

And that word again! Sorry? Bakit ka pa magso-sorry kung nagawa mo na?

Tinignan ko siya ng masama kahit na ang alam ko naman na hindi siya nakatingin sa akin.

"Tse! Bahala ka sa buhay mo!" Angas ko sa kanya bago tumalikod at mag-walkout.

Nanatili naman siyang tulala habang tinitignan akong papalayo sa gawi niya. Sinubukan niya akong tawagin pero hindi ako lumilingon dahil sa pagkairita ko sa kanya. Imbis na pagtuunan ko na lang ng pansin ang pagsakit ng puson ko 'e ginalit niya pa ako!

_______

Nasa park ako. Malapit lang kasi ang school namin dito. Kuya wouldn't also mind if I stay here a little longer than the usual. Basta,may curfew akong 6:00pm. E' maaga pa naman kaya okay lang kung magtagal pa ako dito kahit kaunti.

Medyo nawala na yung pagkirot ng puson ko pero gayunpaman ay hindi ko pa ring maiwasang mailang.

Palinga-linga lang ako sa mga taong dumadaan. Marami ding tao dito pero tahimik pa rin sa lugar na ito na naging dahilan kung bakit ko ito nagustuhan. I really,really like this place.

Ngunit sa gitna ng paglilinga-linga ko sa paligid. . .

"Flowers for--err, you?" Nag-aalinlangang pagsuyo ng lalaki.

Napa-irap naman ako. Huguterang bitter here! Duh?!

"Thank you..." kinikilig at pabebeng pasasalamat nung babae saka ngumiti sa lalaki.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon