(CHAPTER : 2)

111 50 19
                                    

Uwian na!

Feeling ko tumataba na ako kaya napilitan akong maglakad na lang para naman kahit papaano ay bumalik yung dating payat ng katawan ko.

Habang naglalakad ako ay nakita ko nanaman si Ryle and worst-- kasama pa niya yung girlfriend niyang nakayakap sa braso niyang buto-buto lang naman sa sobrang payat.

"Oh? Hi Huguterang 'bitter'!" Bati niya sa akin kaya napatingin nmdin naman sa akin yung kayakap niyang girlfriend pero ng makilala ako ay binaliwala na lang niya ako. For sure, kilala niya rin ako sa bansag na 'Huguterang bitter'.

"Leche! Wag kang feeling close!" Sigaw ko sa kanya dahil malayo ang pagitan namin sa isa't isa. Nanggigil akong tinignan siya mula ulo hanggang paa pati na rin ang girlfriend niya.

"Sunget mo! Baby ko, oh? Inaaway niya ako." Paglandi ni Ryle sa girlfriend niya, kunwari batang nagsusumbong.

Yuck! Allergy ako dyan!

"Aayy. Wag mo na lang pansinin. Tara na! Date muna tayo." Sabi nung girlfriend niyang taga-ibang school.

Yuck! Yuck! Yuck! Yuck overload!

Please pigilan niyo akong maging bitter.

Habang nandidiri ang makikita sa mukha ko ay mas lalo pa nilang tina-try maging sweet. Kadiri talaga!

"Ang sweet namin ni baby ko diba, Maris, the huguterang bitter. Wag ka na kasing bitter! Masarap kaya magmahal!" Sigaw niya.

Mas lalo akong napa-simangot.

Close ba tayo? Parang kanina lang tayo nag-usap ah.

"LECHE KA TALAGA! Wala kang alam kaya wag mo akong sabihan na masarap magmahal! Leche! Allergic ako sa mga kagaya niyo!" Galit kong pagsigaw na naging dahilan ng pagtigil nila.

Binilisan ko ang paglakad hanggang sa hindi ko na sila makita.

"Yan na naman siya. Tsk tsk." Narinig ko pang bulong niya.

Mga leche kayo! Ang lalandi niyo! Ang harot-harot niyo!

_______

Pagdating ko sa bahay ay umupo na agad ako sa sofa sa sobrang pagod. May time pa na hinahawakan at tinitignan ko ang tiyan ko, papangunahan ko na kayo, hindi ako buntis! Hinihimas ko lang ang tiyan ko at nagbabasakaling lumiit na ulit ako.

Tumataba na kasi talaga ako e! Hindi naman sa nagpapaganda pero syempre, babae rin ako, gusto kong maganda ako sa paningin ko.

"Pagod ka ah. Naglakad ka lang ulit?" Tanong ni kuya.

"Hmm. Hindi pa rin ako pumapayat..."sabi ko habang naka-sandal ang ulo ko sa sofa at naka-pikit.

"Ikaw ah, baka kung ano na yan kaya ka nagpapaganda." Panunukso ni kuya sa akin.

Agad naman akong napadilat at tinignan siya.

"Yuck! Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na allergic ako sa lovelife na yan! Hindi rin ako maharot gaya mo!" Sabi ko.

Nanliit naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Maharot pala ako ah. Hoy Maris! Masabi ko lang sayo, ikaw ang magpursige sa akin na manligaw ako dati no! Tigilan mo na nga ang pagiging bitter! Hugot ka pa ng hugot!" Medyo sarcastic niyang sabi.

"E dati yon! Tignan mo, maghihiwalay din kayo!" Asik ko.

"Ang bitter mo! Hindi ka pa siguro nakaka-move on,noh?!" Tanong niya na nakapagpatigil sa akin.

Ano bang meron sa araw na to at parang ang bad day ngayon?

Inirapan ko lang siya at nagwalk- out.

Huguterang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon