Prologue

343 10 0
                                    

Prologue

Ang sabi nila kapag mahal mo ang isang tao ay dadaan ang araw na magsasawa ka sa kanya but in my case it won't.

Ako ang babaeng loyal sa taong mahal ko kaya kapag may ibang lalaking di ko mahal na naging boyfriend ko ay mabilis lang sawain pero may isang tao lang talaga na tinitibok ng puso ko.

Kaso lang kailan niya kaya ako mapapansin?.


And here he is. Walking past our classroom. I wonder how will he notice me. Kailan kaya darating ang araw na yon?.

Napasinghap ako ng nagtagpo ang aming mga mata. His blue eyes send shivers down my spine. Sana pala nagdala ako ng jacket para kapag magtagpo ang mga mata namin ay hindi na ako lalamigin.

Kumalabog ang puso ko.

O!!M!!G!! Nagtagpo ang aming mga mata. Matutunaw ako. Matutunaw ako.....wait lang a. Ang OA ko. Malamig nga ang kanyang mata na nagpapaginaw sa akin tapos matutunaw ako. Ano yan ironic?.

This is going to be the most memorable day of my life. Ngayon lang nagtagpo ang aming mga mata. Nakakakilig isipin na nakatingin siya sa akin.

Hindi na tuloy ako na bad trip sa araw na ito. Napapangiti nalang ako ng wala sa oras. Hieieieieieieie!!. Hindi ako makakaget over ngayon!.

Mahirap makakaget over dahil hindi talaga ako mag get over sa titigan naming dalawa. Hanggang ngayon nakatingin parin siya sa akin. Parang naka slow motion ang paligid.

"Vinnie nakatingin si Ivion sa iyo". Wika ng kaklase ko sa aking katabi. Napatingin nadin ako sa kanya na ngayon ay namumula pa ang mukha habang nakayuko.

Eww. As in Eeww talaga. Ako kaya ang tinitigan niya. Asa naman itong si Vinnie. May di pa blush blush pa siyang nalalaman. Parang gusto kong sabihin na ako ang tinitigan ni Ivion hindi siya o assuming lang talaga ako.

Kahit na!. Ako ang tinitigan niya hindi siya. Gusto kong ipagmukha sa kanya na hindi siya. I repeat.....

HINDI SIYA ANG TINIGNAN NI IVION.

"Yieeee! Namumula ka ngayon". Tukso sa kanya ng kaklase ko. May tukso tukso karing nalalaman a no?.

"Hindi naman!". Sagot ni Vinnie sabay ayos ng takas na buhok sa likuran ng kanyang tainga. Feelingera rin pala ang pot*ng in*ng babaeng to. Ang yuck niya talaga. Eww.

"Sus! Kitang kita ko sa aking mga mata na ikaw ang tinignan niya". Tukso ulit sa kanya. Halos matawa na nga ako sa kanyang sinabi. E bulag pala ang babaeng yon e.

"Si Skylla ang tinignan niya hindi ako". Simple at inosenteng sagot naman ni Vinnie sa kaklase.

Very very good Vinnie. Akala ko kasi bulag karin kagaya ng kausap mo e. Napatingin siya sa akin. Nginitian ko lang siya dahil sa sinabi.

"E bakit ka namumula kanina?".

Sasapakin ko na talaga ang kausap ni Vinnie e. Kung hindi ka naniniwala edi wag mong pilitin. Madali lang naman yan e.

"Umm.....si N-Notron naman kasi ang n-na-katingin sa akin kaya n-n-namumula ako". Nauutal nitong sagot.

Ayan si Notron naman pala e kaya wag mong sabihin na si Ivion ang nakatingin sa kanya dahil sa akin talaga siya nakatingin. Hindi ako nag assume at nagpaka OA ngayon dahil kabado na talaga ako na sa akin siya nakatingin.

Napatango nalang ang kausap ni Vinnie. Sabay naman non ang pagpasok ng aming guro sa silid at nagsimula na kaagad siyang mag discuss ng aming topiko sa araw na ito.

I can't help but to smile everytime.....

Flipped (DBS#1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon