Chapter 10
Supportive
Nandito na ako ngayon naglalakad sa daanan papuntang bahay namin. Malalagpasan ko lang ang bahay ni Ivion kaya dito nalang siya siguro.
Kahit awkward ng moments namin kanina ay gusto ko parin siyang makasama. There's something on him that can make my feelings light.
Nang nalagpasan na namin ang kanilang bahay ay nagulat ako na hindi siya pumasok sa kanila kundi nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi nalang ako nagtanong. Awkward e.
Magkatabi kasi kami ngayon at walang imikan gaya kanina. Gusto ko na siyang hawakan sa kamay kaso lang pinipigilan ko ang aking sarili.
Pwede ko namang gawin yon pero may nararamdaman akong barrier na namamagitan sa aming dalawa na hindi ko siya kayang hawakan.
Ang pride ko ba ang gumagawa nito?.
Kung kelan gusto ko siyang makamit ay doon din ako pipigilan ng aking pride. Hindi ko alam kung bakit ako pinipigilan ng aking pride.
Dahil ba ito sa nagpapanggap lang kaming may relasyon o ayaw lang talaga akong mapalapit sa kanya para hindi ako masasaktan?.
Both yata e.
Kung sa bagay nagpapanggap lang kami dahil may mahal siyang babae na hindi siya napapansin kaya nagkaroon kami ng pretend relationship at ayaw ko rin namang masaktan ako.
Kanina nga lang kami nagpanggap pero pakiramdam ko ay matagal na iyong nangyari tapos ganito na ang iniisip ko na baka masasaktan ako.
Natanaw ko na ang gate ng aming bahay. Nakasindi na ang ilaw hudyat na nandoon na si Mama.
Nagtatrabaho kasi si Mama bilang Maid sa mansyon ng mga Servenio. Iyon naman kasi ang sinabi niya sa akin.
Binuksan ko ang pintuan ng gate ng bahay tsaka lumingon sa aking katabi na si Ivion. Nakatayo lang siya doon at nakatingin ng marahan sa akin.
"Uhmm.....papasok na ako. Mag-ingat ka sa pag uwi ahh at salamat sa pagsama sa akin". Ani ko. Hinintay ko pa na sumang ayon siya.
Nang tumango siya at nagsabi ng."Okay! Don't forget to text me". Ay tumango at pumasok na ako sa loob ng aming bahay.
Gusto ko pa siyang makita kaya nilingon ko pa siya. Nakita ko na nakatalikod na siya at palakad nang umalis palayo sa gate ng aming bahay.
Nagbuntong hininga ako bago binuksan ang pintuan ng bahay. Bumungad sa akin ang amoy ng luto ni mama. Amoy palang masarap na.
"Mama!". Tawag ko. Excited to greet and see my mother. Sabay naman non ang mga yapak na naririnig kong palapit sa akin.
Nakita kong palabas si Mama sa kusina habang may suot na apron at pinagpawisan ng husto. Napapagod siya. Napapagod siya at ginawa niya pang mag luto ng pang hapunan namin.
"Oh anak! nandito ka na pala". Bungad niya sa akin. Pait akong ngumiti sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"Mama!! Sana hinintay mo nalang akong makauwi para ako na ang nagluto ng ating hapunan". Concern kong sambit ka mama.
"Ayos lang naman ako anak! Kaya ko pa naman. Pagbutihan mo nalang ang pag-aaral dahil para rin naman ito sa'yo ang ginagawa ko". Depensa niya.
"Mama naman, kahit na kaya mo pa ay hindi pa rin ako magpapaawat. Alam ko naman pong mahirap magiging maid ng isang makulit na bata". Sabay kalas ko sa pagkakayakap namin.
"Naiintindihan kita Skylla. Hayaan mo nalang ako. Ngayon lang naman to eh. At isa pa kung hihintayin kita ay magugutom lang ako". May point naman si mama pero ayaw ko lang kasi nakikita na nahihirapan siya.
Tumango nalang ako sa sinabi niya. Kapag mawawala na ang detention ko ay hindi na ako magpapaawat sa kanya.
Ngumiti siya sa akin ng bahagya."Now is not the time. Handa na ang hapunan natin kaya magbihis kana. Maghahain lang ako ng aking niluluto".
Agad naman akong tumango at pumasok na sa aking kwarto. Nilagay ko sa isang maliit na silya ang aking bag tsaka hinablot ang aking cellphone.
Nakita ko na may text message galing kay Ivion. Napangiti ako at binasa ang kaniyang mensahe.
Ivion:
I finish eating my dinner. You?
Lumawak ang ngiti sa aking mga labi. Damn this Darcena and his affects on me. Nagtipa naman ako ng aking isasagot.
Ako:
Kakain pa lang ako ng dinner.
Agad naman ang kanyang reply. Ang bilis ahh.
Ivion:
Eat well then :-)
Nagtipa naman ako ng aking isasagot.
Ako:
Okay :-)
Sabay naman non ang pagtawag ni Mama sa akin. Nagbihis ako ng aking pantulog pagkatapos kong magshower.
Habang kumakain ay wala kaming imikan ni Mama. May sarili kaming mundo ngayon habang kumakain. It's making it awkward to the two of us.
Hindi narin ako nangahas na magsalita sa kanya. I don't know when and how to start a conversation. Kaya nagulat nalang ako ng nagsalita si mama.
"Sino yung kasama mo kanina sa gate anak?". Tanong niya.
Di ko akalain itatanong iyon ni Mama. Nakita niya pala kami. Anong sasabihin ko? Siyempre ang totoo.
"Umm.....si Ivion lang 'Ma". Sagot ko sa kanya. Totoo naman na si Ivion ang kasama ko e.
Kita ko ang pagdududa sa kanyang mga mata."Kaano ano mo ang Ivion na yon?". Ito ba talaga ang pag-uusapan namin?.
Bigla akong natakot sa kay mama, kung sasabihin ko sa kanya baka hindi niya tatanggapin. Bakit niya naman tatanggapain? Pretend lang naman ito.
"Boyfriend". Sabay yuko ko. I'm scared to look at her in the eyes. It's like there is something on her eyes that can penetrate my courage.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsalita si Mama. Bakit nga ako natatakot sa kanya? She's my mother after all.
"Dalaga na ang anak ko". Nagulat pa ako sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na tatanggapin ni Mama si Ivion kung sakaling magihing kami na talaga. Yung tipong hindi na kami nagpapanggap.
Napangiti nalang ako sa kay sabay at lumapit sa kaniya bago hinalikan sa kanyang pisngi. I really love my Mother.
"Sabihin mo sa akin anak. Ano ba ang complete name ng Ivion na yon. Parang narinig ko na kasi ang pangalan na yan?". Tanong niya.
"Ivion Haddrick Darcena po Mama". Simpleng sagot ko sa kaniya.
"Darcena pala? That's why it's familiar. Anak pala ni Fatina". Aniya. Tumango-tango nalang ako sa kaniya.
I really love my Mother. She's not just kind and lovable but also supportive in my decisions. I don't need anyone's approval because my Mother is already supportive to me.
![](https://img.wattpad.com/cover/171785609-288-k223981.jpg)
BINABASA MO ANG
Flipped (DBS#1) (Published)
Genç Kurgu[Darcena Boys Series #1] "Age doesn't matter as long as i will be tied to you"-Ivion. Skylla Vindrell is a girl who can easily get a man by her seductive moves and action. She always does that because she wanted to be noticed by Ivion Haddrick Darce...