Chapter 21

62 9 0
                                    

Chapter 21

Confidence

"Ano?!". Abot tahip ng aking puso akong napasigaw sa sinabi ni Mama. Kaya pala may make up artist dahil napili ako sa beauty pageant.

Is that even necesary!.

"Anak wag ka namang sumigaw ng ganyan lalo na harapan ni Leste. Masakit kaya sa tainga". Wika ni mama na napaka inosente.

Inosente ka diyan!. Ang sarap patulan ni Mama. Buti nalang dahil Mama kita kung hindi, gigil na gigil akong sapakin siya.

"Mama naman! Ano na naman ba tong kalokohan mo? Bakit naman ako sasali sa pageant na yan? Ni hindi nga ako nakapag practice 'e". Reklamo ko naman sa kanya.

"Skylla makinig ka. Sabi kasi ni Mayor ay ruffle draw dahil alam niya na konte lang ang sasali sa pageant. Lahat ng mga babaeng kaedad mo o sobra pa sayo ay nilagay lahat sa ballot box. Kanina lang din naman nag ruffle draw kaya nagulat nalang ako na tinawag ang pangalan mo". Depensa naman ni Mama.

Sino bang Mayor na yan at ganito ang pinagawa niya? Ano naman kaya ang mangyayari kung hihindi ako sa alok?.

"Ma! Paano kung ayaw ko?".

"Ayon kay Mayor ay walang hihindi kapag ikaw ang mapili. Wala din naman akong magagawa e kaya pumayag nalang ako". Aniya. Halos luluha na talaga ako para makahindi lang.

"Mama paano naman ang mga susuotin ko?". Tanong ko. Trying so hard that i can reject the offer. Hindi ako marunong rumampa, although may experience lang ng saglit but i won't tell them. I'd rather die than telling them.

"Anak kumalma ka muna. Nandyan na lahat ng mga susuotin mo. Ikaw nalang ang hinihintay. Kailangan mo nalang magpractice ng pagrampa mo kaya nandito si Leste na tuturo at magmi-make up sa'yo". Sabay baling niya sa kay Leste.

"Don't worry Tita akong bahala". Ani nito at ngumisi. Kaladkarin ko yang bunganga mo e.

"Ano na anak. Galingan mo 'ah?".

"May magagawa pa ba ako?". Sabay talim ng tingin sa ina. Kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan dahil napili lang talaga ako sa ruffle draw.

Ngumisi ng malawak si Mama at niyakap ako."Kaya yan anak!". Ani nito. Thinking at the thought that i'm going to join the pageant at rarampa ako sa sea of people makes me nervous.

Bakit ba kasi padalos dalos ito? At sarap ding patayin ni Mayor. Akalain mo kanina lang daw nagparuffle draw tapos. Mamayang gabi na rarampa.

Ano na naman bang kalokohan ito!. I shrug at the thought. I don't have a say to this. Good luck!. I hope.

"Okay isa pa!". Sigaw ni Leste sa akin. Nandito kami ngayon sa isang malawak at malapad na silid. Dito kasi kami nagpa-practice ng lakad ko.

It's already two hours. Ang sabi alas otso daw magsisimula ang pageant and it's already four in the afternoon.

Naka ilang rampa na ako ngayon. Nakakapagod nga e. May heels pa naman. Buti nalang dahil marunong ako nitong magbalanse.

So far maganda naman ang lakad ko. I didn't even expect that i'm getting the hang of this. Such miracle. Parang nag adrenaline rush lang ako.

"Ang galing mo din naman palang magrampa 'girl". Puri ni Leste sa akin pagkatapos kong magrampa ulit.

"Thank you!". Ang tanging nasabi ko. Pagkatapos nito ay pinasuot niya ako ng mga attire na susuotin mamaya. Buti nalang dahil tama lang ang size nito sa akin.

Flipped (DBS#1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon