Chapter 9

67 7 0
                                    

Chapter 9

Flipping

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagliligpit ng aking mga gamit. Nang natapos ay agad ko naman itong kinuha at isusukbit na sana sa aking balikat nang inagaw sa akin ni Ivion ito.

"Let me!". He said. I just nodded in agreement. Gusto niya naman e kaya ayos lang sa akin hindi naman ako nagrereklamo.

Sabay naman kaming dalawa lumabas ng classroom. Doon ko natanto ang aking sasabihin sa kanya.

"Ivion?". Nilingon ko siya na ngayon ay nakatingin na pala sa akin na nakataas ang kilay."na detention pa kasi ako kaya maglilinis pa ako". Nahihiya kong sinabi.

Hindi ako makatingin sa kanya. Para kasi akong nalulusaw kapag titignan ko siya. Baka kasi matutunaw ako bigla sa pagkakalusaw.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin at hindi kanina noong nasa canteen pa tayo?". Yan ang tanong na iniiwasan ko na itatanong niya.

Anong isasagot ko? Na na carried away ako dahil kasama ko siya. Baka naman malaman niya pa na gusto ko siya. Ayan kasi Skylla e nagpa carried away ka pa. Yan tuloy mapapala mo.

"Umm.....i forgot to tell you". I lied. Wala naman kasi akong balak na sabihin sa kanya ang katotohanan. Baka mahiya lang ako kapag mangyari yon.

"I'll help you then". Nagulat pa ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Di ko akalain na magiging ganito siya sa simpleng deal lang namin.

I haven't even have a good communication with him but since he offered me this deal he was just like so close to me. Like were bestfriends.

Boyfriend ko na nga e!!.

"Baka gabihin ka". Ani ko. Siyempre gagabihin siya dahil tutulong sa'yo di ba?. Ang bobo mo talaga Skylla.

"Kahit gabihin man ako ang importante magkasama tayo". Shit!. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Kumalabog ang puso ko.

Kelan kaya ako masasanay sa treatment niyang ganyan?.

Tumango nalang ako at nauna nang maglakad papuntang stock room. Ramdam ko naman na nakasunod lang siya sa akin.

Another mopping na naman. Nang binuksan ko na ang pintuan ng stock room ay ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga.

I smile. Kinilig na naman si ako. Yieeeeeee. Ang saya saya ko ngayon at kung iisipin ko namang tutulungan niya akong maglinis dito ay.....yiieeeeeeee. Nakakakilig parin.

Pumasok naman kaagad ako sa silid and grab two mops and a bucket of water. I can feel him looking at me but i didn't want to show him that i'm effected so didn't look at him.

Naglakad na ako palapit sa kanya nang hindi makatingin. Hindi niya naman siguro iyon napansin kaya ayos nayon.

Ibinigay ko sa kanya ang isang mop."Doon tayo mag ma-mop sa hallway kung saan ang ating mga kwarto". Wika ko. Sa kabilang hallway kasi ako naglinis kahapon.

Tumango lang siya sa aking sinabi. Kasabay noon ang paghablot niya ng bucket na aking hinahawakan. Our fingers touch.

Nakaramdam kaagad ako ng boltaheng kuryente sa aking sistema at kumalabog ng mabilis ang puso ko.

Nakaka awkward naman!!

Mabilis kong kinuha ang kamay ko. Namula ang aking pisngi. Teka.....ano nga ang rason na namumula ako?. Bakit namumula ako?. Minsan talaga naiinis ako kapag nag o-over reacting ako.

Ivion smirk while i'm looking at the other direction. Napatikhim nalang ako para maibsahan ang tensyong bumabalot sa amin.

Nanatili kami sa ganoong sitwasyon. Ni kahit isa sa aming dalawa ay hindi manlang gumalaw. Tumikhim nga ako para maibsahan ang tensyon na bumabalot sa amin pero di ko akalain na mas lalo lang pala naging tensyunado ang paligid.

Hindi nalang ako umimik dahil baka mahalata pa niya na namumula ako at nahihiya sa kanya. Hindi siguro ako masasanay kapag mag patuloy ito.

"Are we going to stay like these? It's going to be dark soon". Aniya. Pambasag sa katahimikan.

Kanina pa pala kami tahimik nang hindi ko namamalayan.

Nauna na siyang maglakad papunta sa sa hallway kung saan matatagpuan ang aming classroom. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kaniya.

Habang naglalakad ay pinagmasdan ko lang ang kaniyang likod. Ang kisig niya pala. Ngayon ko lang napagtanto iyon. Ngayon ko lang din naman napagmasdan ang kaniyang katawan.

Hindi ko naman kasi pinapatagal ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko mapapansin niya iyon pero ngayon pakiramdam ko ay hindi niya ako mapapansing nakatingin sa kaniyang buong katawan.

I shrug and look at the other things. Baka kasi makagat ko pa ang kaniyang katawan. Joke!! Hahaha.

Naglinis na kami sa hallway ng walang imikan. Ayos narin iyon dahil baka ma distract pa ako kapag mag iimikan kaming dalawa.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na kami sa paglilinis ng walang imikan. Medyo madilim na pero may konte pa namang liwanag. Just enough to see my path.

Nauna na akong umalis habang sumunod lang di Ivion sa akin. Parang sasabog na talaga ang puso ko katitibok ng mabilis nang nilingon ko siya.

He's serious eyes is focusing on me. Napa iwas nalang ako ng tingin at medyo binilisan ang paglalakad. Even though wala kaming imikan ay parang ramdam ko na kinakausap niya ako tungo sa mga seryuso niyang tingin.

Parang sinasabihan niya ako na 'Bakit hindi ka makatingin sa akin?' Parang ganoon. Agad ko namang inilagay sa Stock Room ang mop na ginamit ko.

Pagkatalikod ko ay halos matunaw ako ng nakita ko si Ivion sa aking harapan na nakakunot ang noo habang seryoso parin ang tingin sa akin.

Our lips our inches away to meet as long as our nose. Hindi ako makagalaw at maya maya ay parang bibigay na ang aking mga tuhod.

"Is there something wrong?". He ask while remaining the serious looks on his face. His cold eyes are giving me shivers all over my whole system kaya nga halos bumigay ang aking mga tuhod sa kanya.

Hindi ko rin magawang umiwas ng tingin sa kanya."W-wala naman akong p-problema". Nauutal kong sagot.

Pati ba naman ang boses ko ay bibigay sa kanya. His affects on me is really not good if this continues. Nakakailang nalang. I really hope that his affects on me will fade soon.

So i can have the courage to approach him without flipping anything.....

Flipped (DBS#1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon