Chapter 8

90 8 0
                                    

Chapter 8

Skipped a Beat

Halos hindi pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang natapos na aming halik. Unti unti kong na realize kung ano ang ibig niyang sabihin.

Ayaw niya ng makipagkamayan dahil gusto niya ay halik sa labi. I can't even believe that i have my first kiss and it was Ivion Haddrick Darcena.

Mabilis ang pangyayari. Nandito na ako ngayon sa canteen kumakain ng lunch kasama si Ivion. Nakakakilig na nga eh.

Parang sasabog na talaga ako sa kakakilig. Take note boyfriend ko yan. Though pretend pero ayaw kong isipin yon kaya boyfriend nalang. Na parang official na talaga kami.

I haven't even know him but he offer me to be his pretend girlfriend para mapansin siya ng babaeng pinaka mamahal niya.

Sana hindi nalang siya mapansin ng babaeng yon para palagi nalang kaming magkasama. Thinking about that thought makes me scream in gigleness.

Na curious talaga ako kung bakit ako ang pinili niya. Sa dinami dami ng mga babae dito sa campus ay ako talaga ang pinili niya. Hindi naman sa ayaw ko kundi naguguluhan lang talaga ako na ako ang pinili niyang mag pretend girlfriend.

Sino ba naman kasi ang babaeng yon at bakit hindi niya napansin si Ivion. Alam ko namanna playboy ito at gwapo pero bakit hindi siya napansin whoever that girl is.

"Ivion?". Tawag ko sa kalagitnaan ng pagkain. Napahintonaman siya sa kanyang ginagawa. Kaharap ko siya kaya nakita ko.

Napa angat siya ng tingin sa akin."Bakit?". Inosenteng pagkakasabi nito.

"Bakit pala ako ang pinili mo na maging pretend girlfriend. Hindi sa ayaw ko pero ang dami kasing babae dito sa campus at mas maganda pa kaysa sa akin ay ako ang iyong pinili?".

Kita ko na may binulong siya na siya lang makakarinig. Hindi siya nakatingin sa akin habang binubulong ito.

"Ano?". Tanong ko nalang dahil hindi ko narinig ang kanyang sagot. Nanliit agad ang mga mata ko.

Huminga siya ng malalim."I have my own reasons". Halos tumayo na ako sa aking kinauupuan at sapakin siya ng sapakin.

Huminga ka pa talaga ng malalim tapos ganoon naman pala ang isasagot mo. 'I have my own reason'. I have your own reason mo mukha mo.

Kinalma ko nalang ang aking sarili. Mamaya nalang muna ang OA. Kumain ka nalang dahil baka masapak mo pa yan ng wala sa oras e.

"Okay!". Sabay tango ko nalang sa kaniyang sagot. Nagbuntong hininga nalang ako. Pasalamat ka dahil marunong akong magpigil.

"By the way! Sasamahan kitang umuwi sa inyo". Sa sinabing niyang yon ay nagulat ako. Akala ko ba pretend lang ako sa public pero bakit kailangan niya pa akong samahan umuwi?.

"S-sigurado ka?". Nauutal kong tanong sa kanya. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Bakit nga ba ako kakabahan e sasama lang naman siyang umuwi sa akin di ba?.

Di ko akalain na pati ang puso ko ay nag o-over reacting. Nakakatuwang isipin kung ganoon. Ngayon nangyari pero hindi ako natuwa. Naguguluhan ako sa aking iniisip ngayon.

"Yup! Were already a couple though it's just pretending but still so we try to act like one". He said. Na no-nosebleed na talaga ako sa mga english niya.

"Let me get this straight. Ang sabi mo pretend lang tayo kapag nasa public at wag na sa private dahil wala naman may nakakakita sa atin-".

"Then let's change the condition. Let's pretend in public and private". Simpleng sabi niya at kumain na muli.

Grabe talaga ang lalaking to. Nakaka aliw talagang pakisamahan. Parang wala lang sa kanya ang deal dahil pwede niyang e manipula ito. Gumawa ka pa ng kasunduan kung pwede mo naman palang e manipula.

Sasapakin ko na talaga to e. Buti nga dahil marunong talaga akong magpigil ng aking galit kung hindi ay bugbog sarado na ito sa akin e.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na kami sa aming pagkain. Marami pa namang oras bago magsimula ang klase kaya ginawa ko ang oras na yon para kilalanin ko si Ivion.

Tinatanong ko lang naman siya kung saang parte akong curious. Di ko nga akalain na sasagutin niya lahat ng mga tanong ko.

Marami na ngang nakatingin sa aming mga estudyante pero hindi naman namin ito pinapansin. Wala naman kasing may balak na lumapit sa amin kaya di namin inabala.

"Sila na ba?".

"Di sila bagay".

"Sasaktan lang yan ni Ivion".

Umirap nalang ako sa kanila. Gusto ko sanang lumapit at ipagmu-mukmok sa kanila na nag p-pretend lang kami ni Ivion para mapansin siya ng babaeng mahal niya.

Well! To my view ay halos lahat ng babae ay napansin siya. Wala ni kahit isang hindi nakapansin sa amin. Naguguluhan na talaga ako kung sino ang babaeng yon.

Baka sa ibang school yon o something. Hindi ko nakita na walang may nakapansin kay Ivion. Halos lahat ay nakapansin sa kanya. Nagbubulong bulungan na nga e.

I sigh at step aside on that thought and continue asking some questions to Ivion. Hindi naman nagtagal ang pagsamahan namin dahil nag ring na ang bell.

"Ang epal naman ng bell!". Bulong ko na ako lang ang nakarinig.

"Ihahatid na kita sa classroom mo". Sambit niya na tinanguan ko lang.

Sana pala hindi nalang kami nag pretend. Ang ganda na sana ng moments naming dalawa na magkasama.

Habang nag di-discuss ay yon lang ang iniisip ko tsaka ko lang narealize na nadetention pa pala ako ngayon.

Na carried away na naman ako kanina kaya hindi ko naman nasabi sa kanya. Nakakakalimutin mo na talaga Skylla. Ganyan ka na ba talaga ka obsessive na ma kalimutan yon?.

Nagfocus ulit ako sa klase. Baka kasi madagdagan ang detention ko kung mahuli na naman akong hindi nakikinig sa klase. Marami ngang hindi nakikinig pero ako ang nakikita.

Pagkatapos ng klase ay nagligpit na ako ng aking mga gamit. Habang ginagawa ko yon ay nakarinig ng mga tili ng babae sa silid pagkatapos don ay nakaramdam ako ng init sa aking likuran.

Paglingon ko ay laking gulat ko ng nakita ko si Ivion ang nakatayo don. My heart skipped a beat when i notice that we are so close at each other.

Flipped (DBS#1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon