Chapter 26
Yes or Yes
"Ikaw anak ahh. Bakit di mo manlang inimbitahan na kumain dito sa bahay? Anong klaseng girlfriend yan ahh?". Banta ni Mama sa matamis na tono.
Naguguluhan tuloy ako kung masama ba o mabuti ang ipinapahiwatig niya sa akin. Base naman sa tono ay mabuti pero sa content ng sinabi parang may masama.
Di ko nga rin akalain na gusto ni Mama si Ivion para sa akin. Hindi sa nalungkot ako pero di lang ako makapaniwala na gusto niya si Ivion para sa'kin.
"Mama naman! Bukas nalang. Dadalhin ko siya rito at dito na siya maghapunan. Di ko naman kasi alam na boto ka sa kaniya 'e,". Wika ko na nahihiya.
"O, sige na. Kumain ka nalang. Lalamig pa yang kanin mo e". She said in an authorotive tone. Wala naman akong nagawa kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng aking kanin.
Si Mama. Ang naghugas ng pinggang ginamit namin habang ako naman ay naliligo na para makapaghanda na kung sakaling aantukin ako.
I blow dry my hair. My phone vibrated when i finish blow drying my hair. Kinuha ko naman agad ito sa gilid ng kama kung saan nakalagay ang aking study table.
Ivion:
What are you doing?
Halos dumugo na ang aking labi kakakagat dahil sa pagpipigil ng ngiti. I wonder why i even held it in when there's no one is around in my room than me.
Agad naman akong nagtipa ng sagot sa kanya.....
Ako:
I'm blow drying my hair. You?.
Ivion:
Eating dinner.
Naghahapunan daw tapos ang bilis makapag reply sa aking mensahe. Iba rin pala ang lalaking to no?.
Ako:
With someone?
Agad naman siyang nakareply.....
Ivion:
I'm eating alone.
Napapangiti na talaga ako habang binabasa ang kanyang sinabi. Kahit mensahe lang ito ay abot parin ng outer space ang kilig ko.
Ako:
So sad :-)
Even if he's far away from me he can still have an effect on me. I wonder how can he do that. Wala naman siyang ginagawa ako lang talaga ang nagre-react.
Ivion:
I'm not sad! I'm happy because i can solo you even if we are just texting.
O! M! G! Matutunaw ako. Halos tumalon na ako sa kama at nagpaikot ikot. Abnormal na talaga ang katawan ko kapag siya na.
Hindi na ako nagreply pa. I can't take it off my mind. Thinking about his last message makes me smile. Ganito ba talaga ang mangyayari kapag naging kayo na ng taong mahal mo.
Hindi na ako makakapag isip ng matino. My phone vibrated as a sign of someone is calling. I look at it and stare at the caller's name.
Napabangon ako ng nakitang pangalan niya ang nakalagay. Napatikhim muna ako at nag-ayos ng sarili bago tinanggap ang kaniyang tawag.
"Hello!". Panimula ko. Mas okay naring ako ang magsisimula. Ako naman kasi ang kanina pa kinikilig e.
"I miss you". Ang sinabi niya sa kabilang linya. Napatawa ako ng mahinhin. Baka kasi magising ko pa si Mama.
BINABASA MO ANG
Flipped (DBS#1) (Published)
Teen Fiction[Darcena Boys Series #1] "Age doesn't matter as long as i will be tied to you"-Ivion. Skylla Vindrell is a girl who can easily get a man by her seductive moves and action. She always does that because she wanted to be noticed by Ivion Haddrick Darce...