Chapter 5
Broke up
Hindi na ako tumagal doon. Wala naman akong pake e. Kahit gagawa pa sila ng milagro ay ayos lang sa akin. Mas mabuti ngang kay Grilla nalang siya e dahil bagay pa silang dalawa.
I grabbed my bag. Dumiretso naman kaagad ako sa gate ng school. Nagpara naman kaagad ako ng tricycle. Marami pa naman kasing tricycle sa ganitong oras.
Sinabi ko naman kaagad sa driver ang aking address. Agad naman kaming umalis ng school. Malapit sa kakahuyan ang aming bahay at makakalagpas ako sa bahay ni Ivion.
Nagbayad ako ng pamasahe sa driver at nagpasalamat sa kanya. Hinintay ko pang makaalis ang tricycle.
Nang wala na ito sa pananaw ko ay huminga ako ng malalim bago tinahak ang daanan papunta sa aming bahay.
While walking pass Ivion's house i saw him on the balcony sitting on a chair in front of a small round table with some of his cousins.
They are laughing and talking to each one another. Mabuti pa silang magpi-pinsan dahil may pinagsamahan samantalang ako ay nag-iisang anak lang.
Pinalaki lang ako ng aking inay. My father cheated on my mother and find someone else kaya ayon may isa akong kasing edad na stepsister.
Patuloy lang ang usapan nila habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Malapit na akong madapa ng nagtagpo ang paningin namin ni Ivion.
Kumalabog ang puso ko ng walang kadahilanan. Matagal ko na itong nararamdaman kapag nakikita ko siya. Ewan ko nga kung bakit.
Napa iwas ako ng tingin nang natantong mas bumilis pa ang tibok ng aking puso. I can see from the corner of my eyes that his gaze is staring at me.
Binilisan ko nalang ang aking lakad at hindi na bumaling ulit. Kinilig na naman si ako dahil nagkatinginan ulit kaming dalawa. Parang wala lang may nangyari kahit may nakita akong nagpapasama ng aking loob kanina.
Binuksan ko na ang pintuan ng aming bahay. Mabilis naman akong pumunta sa aking kwarto. Mamaya ko nalang babatiin si Mommy.
Pagkasarado ng pintuan ay bulong akong tumili. May god hindi ko nakita ang malamig niyang tingin sa akin kanina. The thought of it makes me scream that can make my throat swell out of my mouth.
Hindi ko na napigilan ang sarili. Tumalon na ako sa aking kama at nagpaikot-ikot. Ang OA ko talaga pero di ako nagsisi na napaka OA ko.
Kinalma ko muna ang aking sarili pagkatapos ng aking ginawa kanina. Nakasilay parin ang ngiti sa aking labi. Sana ganito nalang palagi ang mararamdaman ko.
Nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha sa bulsa at tinignan kung kanino ang mensahe. It was from Warth.
Warth:
Nasaan ka na ngayon? Hindi kita makita sa buong campus. I have something to tell you.
Ano na naman kaya ang sasabihin niya sa akin. Kahit nagsabi nalang siya na nag-aalala siya para sa akin pero wala e. Kung yan ang gusto niya edi fine. Hahayaan ko siya, tutal wala naman talaga akong pake....
Ako:
I'm home already. You can tell me through text if you want.
Agad naman siyang nag reply sa akin.
Warth:
That's a relief that you're already home. I want to tell you in person so maybe yesterday. We still have plenty of time.
Ako:
Okay :-)
I close my phone and held a deep breath. Kahit ano pa yan ang sasabihin niya sa akin ay hindi ako magpapa apekto sa kaniya.
Kabado naman ako pagdating ng bukas. Nagpara ako ng tricycle papuntang school namin. Hindi pa naman late pero nagmamadali na talaga ako.
Pagkarating ko naman sa school ay nagbayad ako sa pamasahe ko. Unang nakita ko ay si Warth na naghihintay sa gate ng school.
Nang nakita niya ako ay agad naman siyang lumapit. Bumati ako sa kanya pero di niya ako pinansin.
Kinuha niya lang ang aking palapulsuhan at hinatak na papasok sa school at pumunta sa likuran nito.
Binitawan niya naman kaagad ako nang nakarating na kami. Alam ko na ang susunod na mangyari dahil dito ko rin siya nakita kasama si Grilla noong nakipag break sila.
I'm guessing that he will broke up with me. That also explains why they are kissing yesterday. They settled their problem already.
"Ano ba ang pag-uusalan natin?" Though alam ko naman kung ano ang sasabihin niya.
"Let's broke up!." He said and mark with finality.
BINABASA MO ANG
Flipped (DBS#1) (Published)
Fiksi Remaja[Darcena Boys Series #1] "Age doesn't matter as long as i will be tied to you"-Ivion. Skylla Vindrell is a girl who can easily get a man by her seductive moves and action. She always does that because she wanted to be noticed by Ivion Haddrick Darce...