Chapter 19
Beautiful as a Flower
Nginitian niya ako tsaka bumaling sa mga pinsan pero bago niya masaksihan iyon ay may kumalabit na sa kaniya.
"Whose this?". Tanong ng lalaking kumalabit sa kaniyang balikat. Nakita ko na siya noon. Si Notron.
"My friend, Notron". Sagot naman ni Xeon sa kaniya. Napatango nalang si Notron dahil sa sinabi ng pinsan.
Pinagmasdan ako ni Notron mula ulo hanggang paa. He then look at me straight on my face.
Nginitian ko nalang siya."Hi! I'm Skylla". At naglahad ako ng kamay sa kanya.
Tinanggap niya iyon."Notron". Aniya at ngumiti rin sa akin. Even the smile of this guy reminds me of him. Ganyan na ba talaga ako kabaliw sa kaniya?.
Kumawala na kami sa pakikipagkamayan. Napalingon nalang ako kay Xeon ngunit nagulat nalang ako na ang ibang pinsan niya ay nandoon na sa kaniyang likod.
Including him!.
Halos hindi ako makahinga ng nakita ko ang lamig sa kanyang mga mata. Walang bakas na kahit ano kundi lamig at seryoso.
"Sino to Xeon?". Tanong ng isa pang pinsan niyang lalaki. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya ng diretso sa akin.
"The girl i told you kuya. Yung kasama ko sa mini park ng school". Sagot naman ni Xeon. Kapatid niya pala.
"So this is the 'Beautiful as a Flower' girl na sinabi mo". Napayuko ako at bahagyang pinamulahan ng pisngi.
"Beautiful as a Flower, indeed". Sabi naman ng isa pang lalaki. Hindi ko sila mapangalanan dahil bukod sa anim sila, tatlo lang kilala ko.
"Your making her uncomfortable-". Pinutol siya ng kaniyang kapatid.
"Can i know your complete name milady?". Tanong ng kuya ni Xeon. Napa angat ako ng tingin sa kaniya.
"I'm Skylla Vindrell". I answered him confidently. I can see a questioning look on his face when i answered.
"How are you related to her?". She pointed at Anthia's direction but i didn't bothered look at her. Kita ko naman ang pagdududa sa mata nito ng hindi ko na nilingon ang tinuro niya.
"She's my Half Sister". Sagot ko ng walang pag aalinlangan. Mukha tuloy akong na Q and A.
"Your half sister?.....anyway, so Skylla what can you say about my brother?". Sabay patong niya sa balikat nito. How can i answer that question if he's with them.
"Kuya your torturing her!". Banta naman ng kapatid sa kuya nito. Huminga muna ako ng malalim.
"Torturing-".
"Well! He's handsome". Naghiyawan sila at tinukso si Xeon. Naaawa tuloy ako sa tukso nila. Kita ko naman sa likod nila si Ivion na nakatayo at ganoon parin ang tingin sa akin.
"He's also kind and a gentlemen". Naghiywan ulit sila mas tinukso pa si Xeon. Napangiti nalang ako tsaka yumuko. My face is already red as a tomato.
"Guys! Tumigil nga kayo! Nahihiya na ang babae 'o! Kuya! Aalis muna ako. Kayo nalang ang pumunta sa plantation". Ani nito sa mga pinsan niya.
"Okay! Pagkatapos nito.....". Binulong niya ang huling sasabihin sa kapatid. Tumango naman si Xeon at sabay sabay namang bumalik ang magpinsan, maliban si Xeon, sa bahay.
It's very awkward that i said those words in front of Ivion. Parang nakaramdam ako ng kirot kahit wala namang masama sa sinabi ko.
"Sorry about what happened lately. Ganyan lang talaga kaming magpinsan e. Especially my brother, Kuya Treo. He's always like that when he saw me with a girl". Wika ni Xeon habang naglalakad na kami papuntang palengke ng village.
"Ayos lang. Naiinggit nga ako sa inyong magpinsan e dahil may pinagsamahan kayo samantalang ako...". Nagkibit nalang ako ng balikat.
"You didn't tell me that Panthalia is your half sister". He said trying to change the topic. Masyado narin akong nalungkot kaya mas mabuti naring iniba niya ang topiko.
"You didn't ask me". Ang tanging sinabi ko."Bakit mo sinabi sa kanila ang..."
"Ang ano?". He ask curiously.
"Yung sinabi ng Kuya Treo mo". Ani ko.
Bahagya siyang natahimik kaya nilingon ko. Nag iisip siya ng malalim bago sumagot sa akin.
"Yung 'Beautiful as a Flower' ba ang tinutukoy mo?". Tumango ako at pinamulahan ng pisngi. Bakit parang ang dali lang nilang sabihin iyon samantalang ako hindi?.
Sometimes i don't understand boys.
"I told him because it's true that you are beautiful as a flower. You don't want that?". He said. Hindi ko nalang siya pinansin.
"Halika na nga! Malapit na tayo sa palengke". I change the topic and grab his arm then pull him towards the market place.
Since it's our village's fiesta. I can see that all the people's are busy. I can also see some tourists. Some are buying and some are taking pictures.
"Ang ganda!". Wala sa sarili kong sinabi. Namamangha kasi ako sa mga palamuti na nilalagay nila.
"I can see that they are busy". Xeon commented. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatutok sa tanawin ngayon.
Did i forget to mention that lots of girls on his and my age are staring at him. Merong nagkandarapa at meron ding nagtutulakan na.
I admit that Xeon is handsome but not as handsome as him. Why am i comparing him to Xeon anyway?.
May grupong babae na pupunta sana sa amin pero agad kong hinawakan ang braso ni Xeon at hinatak na palayo doon.
Kahit nagtataka na siya ay hindi na nagtanong and i'm thankful for that. Bumili muna ako ng mga gulay sa isang store.
Nagpunta rin ako sa prutasan para makabili ng prutas. Pagkatapos doon ay wala na akong may naisip pang iba.
Naglibot nalang ako sa palengke habang si Xeon naman ay dala dala ang aking binili. Naawa na naman ako sa kaniya. Marami din naman kasi ang aking nabili kaya makakasiguro ako na mabigat iyon.
Napahinto nalang ako at nilingon siya. Nakatayo naman siya ng maayos habang nilingon ko siya.
"Why don't we eat lunch first. I know you are already exhausted". I said to him gracefully.
"It's not that heavy so it's okay". Ang sagot niya na hindi ko pinansin. Inilingan ko nalang siya.
"I insist and it's already lunchtime. Let's take a break". Wala naman siyang nagawa kundi sumang ayon nalang sa aking sinabi.
BINABASA MO ANG
Flipped (DBS#1) (Published)
Teen Fiction[Darcena Boys Series #1] "Age doesn't matter as long as i will be tied to you"-Ivion. Skylla Vindrell is a girl who can easily get a man by her seductive moves and action. She always does that because she wanted to be noticed by Ivion Haddrick Darce...